Chapter 218 | Threat
*VICTORINA MANSION*
KAKARATING LANG NI ALEXANDRA KASAMA SI LUKE. SAKTO NAMANG PAALIS NA SI LITO KASAMA SI ELIZABETH. NASALUBONG NILA ITO.
Alexandra: Uncle Lito.
NATIGILAN SINA LITO AT ELIZABETH.
Alexandra: Totoo po ba 'yung sinabi sa akin ni Santi?
NAGKATINGINAN SINA ELIZABETH AT LITO.
Alexandra: Uncle Lito, sagutin niyo po ako.
Lito: P-Pasensiya ka na Alexandra, sinabi ko lang sa daddy at lolo mo ang mga narinig ko.
Alexandra: (Napaluha) Uncle Lito naman, paano niyo nagawa kay Mommy ito? Kilala niyo naman po siya hindi ba? Alam niyong hindi niya magagawang lokohin si Daddy!
Lito: Alexandra, narinig ko mismo sa lalakeng 'yun na may relasyon sila ng Mommy mo. Hindi ako gagawa ng kwento.
Alexandra: Pero Uncle Lito, hindi ganung klaseng babae si Mommy. Please bawiin niyo po ang mga sinabi niyo kina Lolo at Daddy.
HINAWAKAN NI ALEXANDRA ANG MGA KAMAY NI LITO AT UMIYAK.
Elizabeth: Alex, I know you're upset sa mga nalaman niyo pero hindi na pwedeng bawiin ni Tatay ang mga nasabi niya. He just said what he needs to say.
Alexandra: Pati ba naman ikaw Elizabeth, naniniwala ka na magagawa ni Mommy 'yun?
Elizabeth: I was also there nung narinig ni Tatay na kausap ng Denis na 'yun ang Mommy mo sa phone. Isa pa, nakita mo din si Denis noon na hinahanap niya ang Mommy niyo diba? Nandun kayo ni Luke nung nagpunta siya dito at hinahanap ang Mommy niyo.
Alexandra: Pero hindi ibig sabihin nun na may relasyon na talaga sila. What if stalker lang ni Mommy si Denis? What if he just planned all these? Hindi talaga magagawa ni Mommy na sumama sa ibang lalake.
Elizabeth: Alex, lahat ng ebidensiya nakita na natin. Hindi ko pa lubos na kilala si Tita Brenda ganun si Tatay kasi sa ibang bansa naman kayo namalagi diba? Oo, mabait ang Mommy niyo pero hindi siya perpekto. Siguro mahal na mahal lang talaga niya yung Denis na 'yun kaya sumama na siya sa kanya.
Alexandra: Hindi! Hindi ako naniniwalang magagawa ni Mommy 'yun! Sigurado ako na kinidnap siya ng Denis na 'yun!
NAG WALK OUT SI ALEXANDRA.
Luke: Alex!
SINUNDAN SIYA NI LUKE.
NAGKATINGINAN SINA ELİZABETH AT LITO.Lito: Anak, nakukunsensya ako na sa akin pa mismo nanggaling ang totoo.
Elizabeth: Huwag po kayong makunsensiya Tay, tama lang naman po ang ginawa niyo eh. Oo, nasaktan sila pero sinabi niyo lang naman po ang totooo hindi ba? Tayo na po, ihahatid ko na po kayo.
UMALIS NA SILA.
•••••••••••••••••••••••••••••
KA VIDEO CALL NI CASSANDRA SINA VICKY, PHOEBE AT YESHA.Phoebe: What? Sumama sa ibang lalake ang mommy niyo?
Vicky: Totoo ba 'yan?
Yesha: Sure ba kayo dun?
Cassandra: Well, I've seen the photos and yung lalakeng kasama ni Mommy dun eh 'yung lalakeng nakita ko noon sa simbahan nung kasal nila ni Daddy at siya din yung lalakeng nanghalik kay Mommy sa mall tapos pinatunayan din 'yun nung Uncle Lito nina Santi. Nakita din pala niya 'yung lalakeng 'yun nung kasal nina Mommy at Daddy at narinig niya sa restaurant yung lalake na kausap si Mommy sa phone.
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
Non-FictionHello! This is the continuation of my story "You're Mine." Thank you and enjoy reading!