Chapter 214 | Photographs

1 1 0
                                    

You're Mine
Chapter 214 | Photographs

KINABUKASAN.

NAKIPAGKITA SA ISANG RESTAURANT SINA DON MANOLO AT TONY SA GRAPHIC ARTIST NA SI BUDDY.

Buddy: Based sa mga detalye ng mga pictures na ito, masasabi ko po na hindi po ito altered o edited.

Don Manolo: (Natigilan) So are you saying that these photos are real?

Buddy: Yes Don Manolo.

NAGKATINGINAN SINA DON MANOLO AT TONY.

•••••••••••••••••••••••••••
*GABNER UNIVERSITY*

MAGKAKASAMA SINA CASSANDRA, VICKY, YESHA AT PHOEBE. NAGLALAKAD SILA PAPUNTA SA CAFETERIA.

Vicky: You mean, wala pa rin kayong balita kung nasaan na ang Mommy niyo?

Cassandra: (Umiling) Wala pa din eh.

Phoebe: Oh my gosh, I hope safe ang Mommy nyo

Yesha: Oo nga. Nasaan na nga kaya ang Mommy niyo?

HINDI NA SUMAGOT SI CASSANDRA.
NAKASALUBONG NAMAN NILA SI HANSON KASAMA SINA DENVER AT GILBERT.

Denver: Uy Pare si Cassandra oh (itinuro ng nguso si Cassandra).

Hanson: Wala na akong pakialam sa kanya.

Gilbert: Hindi mo man lang ba siya kakausapin?

Hanson: What for? We're done kaya ayoko na siyang makausap kahit kailan.

HINDI NA NAGSALITA SINA GILBERT AT DENVER. NAPAKIBIT BALIKAT NA LANG SILA.

NATIGILAN SI CASSANDRA NANG MAKITANG PARATING SINA HANSON PERO NILAMPASAN LANG SIYA NITO.

NAPABUNTONG HININGA SI CASSANDRA AT SINUNDAN NG TINGIN SI HANSON HABANG NAGLALAKAD ITO PALAYO KASAMA SINA DENVER AT GILBERT.

Vicky: Pumasok na pala si Hanson?

Phoebe: And hindi man lang niya pinansin talaga si Cass.

Yesha: Well, you know naman him mataas din ang pride niya.

Cassandra: Hayaan na natin siya girls, tanggap ko naman na na hindi na kami magkakaayos pa.

Vicky: Pero sana dumating pa din 'yung time na magkaayos at maging friends ulit kayo ni Hanson.

Yesha: Eh kayo ba ni Ernest, kamusta?

Phoebe: Oo nga, diba away bati din ang drama ninyong dalawa?

Vicky: Eh okay naman kami ngayon. Nasa work siya ngayon kasi mamaya pa naman 'yung class niya eh.

TILA NAWALA NAMAN SA MOOD SI CASSANDRA.

Cassandra: Girls, I think hindi na muna ako sasama sa Cafeteria.

Yesha: What, why?

Cassandra: Gusto ko na kasing umuwi muna at magpahinga. I'll see you tomorrow na lang. Bye.

UMALIS NA SI CASSANDRA.

NAGKATINGINAN SINA VICKY, PHOEBE AT YESHA.
••••••••••••••••••••••••••••••••••
*VICTORINA MANSION*

KAUSAP NI ELIZABETH SI NURSE REGINA.

Regina: Hindi ko po alam kung anong nangyari sa Mommy ninyo eh pero bigla na lang po kasi siyang ayaw kumain tapos nanghihina po.

Elizabeth: Ano? What should we do?

Regina: Siguro po dapat ipa-check niyo po siya sa ospital para po malaman ng doctor kung ano pong mali sa Mommy ninyo.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon