You're Mine
Chapter 251 | The Last Fight*SA LUMANG BAHAY*
BUMABA SI ELIZABETH.
Elizabeth: Ano 'yung narinig kong putukan?
Froilan: Eh ma'am may mga pulis po sa labas!
Elizabeth: Ano??!!
NAPANSIN NI FROILAN NA GULO-GULO ANG BUHOK NI ELIZABETH AT MAY PASA SA MUKHA.
Froilan: Ano pong nangyari sa inyo?
Elizabeth: HUWAG KA NANG MAGTANONG! PAHIRAM AKO NG BARIL MO!
INAGAW NI ELIZABETH ANG BARIL KAY FROILAN AT NAGMADALING UMAKYAT SA SECOND FLOOR.
BUMABA NAMAN SI MINERVA.
Froilan: Ma'am Minerva, ano po bang nangyari?
Minerva: May baril ka pa ba diyan?
Froilan: Bakit po?
Minerva: Nandito lang sa loob ng bahay ang mga bihag! Bigyan mo ako ng baril bilis!
Froilan: Kailangan na po nating makaalis dito dahil may mga pulis sa labas!
Minerva: Wala akong pakialam! Papatayin muna namin ang mag iinang 'yun kaya bigyan mo na ako ng baril! Kayo na ang bahala sa mga pulis na 'yan!
BINIGYAN NI FROILAN NG BARIL SI MINERVA.
•••••••••••••••••••••••••••
NAGTATAGO NAMAN SINA BRENDA, CASSANDRA AT ALEXANDRA SA BODEGA.SA LABAS NG BODEGA SUMISIGAW SI ELIZABETH.
Elizabeth: LUMABAS NA KAYO DAHIL MAKIKITA KO DIN NAMAN KAYO!
*SA LOOB NG BODEGA*
Alexandra: Mommy, natatakot ako. Mukhang hindi na tayo makakalabas ng buhay dito.
Brenda: Hindi ako papayag!
Cassandra: Ako din! Kung kinakailangang lumaban tayo, lalaban tayo! Dun tayo bilis!
ITINURO NI CASSANDRA ANG MALAKING SHELF AT DOON SILA NAGTAGO SA LIKOD NITO.
PUMASOK SA BODEGA SI ELIZABETH HAWAK ANG BARIL.
IGINALA NIYA ANG KANYANG MGA MATA SA LOOB NG BODEGA.Elizabeth: MAGPAKITA NA KAYO ! WALA NA KAYONG MAPAGTATAGUAN DITO!
NAGPAPUTOK SI ELIZABETH NG BARIL.
NAGULAT ANG MAG IINA.Brenda: (Bumulong) Mga anak, dito lang kayo ha? Ako na ang bahalang humarap ka Elizabeth!
Alexandra: Mommy, delikado po! May baril na siya!
Brenda: Hindi ako natatakot mga anak! Mas gugustuhin kong mamatay para lang ma-protektahan ko kayo! Hindi ko hahayaang mapahamak kayo!
LUMABAS SI BRENDA.
Cassandra: Mommy!
Brenda: ELIZABETH!!!
NAPALINGON SI ELIZABETH.
Elizabeth: Brenda— I mean, Tita Brenda mabuti naman at lumabas na kayo!
Brenda: Bakit niyo ba ginagawa ito!? Bakit hindi niyo parin tinitigilan ang panggugulo sa pamilya ko? Ano bang kasalanan namin sa'yo?
Elizabeth: Wala kayong kasalanan sa akin, in fact wala naman talaga akong pakialam sa inyo eh! All I want is to go back here in the Philippines at ipagpatuloy ang negosyo ng mga adaptive parents ko pero nalaman ko na may atraso pala sa akin ang Manolo na 'yan kaya wala akong choice kundi gantihan siya at syempre damay na kayo dun!
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
Non-FictionHello! This is the continuation of my story "You're Mine." Thank you and enjoy reading!