Chapter 230 | K!ll Them

2 0 0
                                    

You're Mine
Chapter 230 | K!ll Them

GABI

*VICTORINA MANSION*

SA KWARTO NI MANUEL.
MALALIM ANG INIISIP NIYA.
TUMUNOG ANG KANYANG CELLPHONE, NAG TEXT NA SI DENIS. BINASA NIYA ITO.

From: Denis
Message: Manuel, magkita tayo sa lumang pabrika ninyo sa Taytay ng alas dies ng gabi, maghihintay kami doon ni Brenda at ipapaliwanag namin sa'yo ang lahat!

NAPAISIP SI MANUEL.

NAKASILIP NAMAN SI ELIZABETH SA PINTO NG KWARTO NI MANUEL.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••
SA ISANG LUMA AT ABANDONADONG PABRIKA KUNG SAAN NAGKAKILALA SINA MANUEL AT BRENDA.

Brenda: Dito kami unang nagkakilala ni Manuel. Dito ako nagta-trabaho noon.

Denis: Kaya pala dito mo sinuggest na kitain si Manuel.

Brenda: Sana maniwala siya sa atin. Sana hindi pa huli ang lahat.

Denis: Magtiwala ka lang Brenda. Kung talagang mahal ka ni Manuel, maniniwala siya sa'yo kahit pa sirang sira ka na sa kanya. Huwag kang mag alala dahil ipapaliwanag ko sa kanya ang lahat.

Brenda: Sa tingin mo, darating kaya siya?

Denis: (Tumango) Naniniwala akong darating siya.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••
9:30PM

*VICTORINA MANSION*

DUMATING SINA CASSANDRA AT ALEXANDRA.

Cassandra: Elizabeth! Elizabeth!!!

Alexandra: Sis, kumalma ka lang.

Cassandra: Hindi ako pwedeng kumalma! Ngayon pa na alam na natin ang totoo?

PINUNTAHAN NILA SI ELIZABETH SA KWARTO NITO AT KINALAMPAG NI CASSANDRA ANG PINTO.

Cassandra: Elizabeth lumabas ka diyan! Mag usap tayo!

Alexandra: Sis, baka marinig ka nina Daddy at Lolo!

Cassandra: Wala akong pakialam! Dapat malaman din nila ang ginawa ng plastikadang Elizabeth na 'yan!

MAYA MAYA AY BINUKSAN NI ELIZABETH ANG PINTO NG KWARTO NIYA.

Elizabeth: Cass, Alex, anong ginagawa niyo dit—

SINAMPAL NI CASSANDRA SI ELIZABETH. NABIGLA SI ALEXANDRA.

Elizabeth: Ano na naman bang problema mo Cassandra ha???!

IPINAKITA NI CASSANDRA KAY ELIZABETH ANG MGA OLD PHOTOS NILA NI HERRA NA MAGKASAMA.

Cassandra: Ito ang problema ko! Sinungaling ka! Magkakilala kayo ni Herra matagal na! Inamin na rin niya sa amin na totoong binayaran mo siya para siraan ako!

NATIGILAN SI ELIZABETH.

Cassandra: Oh ano, natigilan ka noh? Sige, i-deny mo ulit!!!

ITINULAK NI CASSANDRA SI ELIZABETH.

Elizabeth: Ano ba Cassandra?

Cassandra: Anong ano ba? Sabihin mo ang totoo, bakit mo ginawa 'yun ha? Bakit gusto mo akong siraan!??!!

DUMATING SI DON MANOLO.

Don Manolo: Cassandra!

NATIGILAN SILANG LAHAT AT NAPALINGON KAY DON MANOLO.

Don Manolo: Bakit ka sumisigaw?

Cassandra: Lolo, may proof na po kami na totoong siniraan ako ni Elizabeth! Umamin na po si Herra na binayaran siya ni Elizabeth!

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon