You're Mine
Chapter 221| Cassandra's InvestigationKINABUKASAN
*VICTORINA MANSION*
KAKATAPOS LANG MAG BREAKFAST NG PAMILYA VICTORINA. HALATA KINA MANUEL AT ALEXANDRA ANG PAGKAWALANG GANA.
Don Manolo: Manuel, mga apo nag usap kami ni Elizabeth na this weekend magbabakasyon muna kayo para naman kahit papaano eh makalimot kayo sa mga nangyari nitong nakaraang linggo. Aayusin ni Elizabeth ang hotel accommodation ninyo sa Tagaytay mamaya.
HINDI SUMAGOT SINA MANUEL, CASSANDRA AT ALEXANDRA.
Elizabeth: Mauna na po ako sa opisina Lolo kasi marami pa po akong kailangang tapusin.
Don Manolo: Sige, magkita na lang tayo dun.
TUMAYO NA SI ELIZABETH.
Elizabeth: I'll go ahead. Tito Manuel, Alex, Cass, Lolo.
UMALIS NA SI ELIZABETH.
SINUNDAN SIYA NG TINGIN NI CASSANDRA.Don Manolo: Mabuti nalang at na train ko si Elizabeth kaya 'yung mga trabaho mo Manuel, siya na muna ang gumagawa. I hope after ng bakasyon ninyong mag aama eh maging okay ka na para naman makabalik ka na sa trabaho mo.
Manuel: I don't think I can go back to normal that easy, Papa. Kung pwede ko lang kalimutan agad ang ginawa sa amin ni Brenda ginawa ko na pero hindi! Hindi ganun kadali Papa! Sa tuwing naiiisip ko ang kataksilang ginawa niya sa akin, nagagalit ako at gusto kong mag wala! Papa sobrang sakit ng ginawa sa akin ni Brenda! Hindi ko akalaing magagawa niya ito sa akin. Minahal ko siya at tinanggap ko siya ulit pero anong ginawa niya? Sinayang niya lahat ng pagkakataong ibinigay natin sa kanya! Tama si Ate Minerva noon, hindi na ako dapat nagpaloko pa kay Brenda!
Alexandra: Daddy, please huwag po kayong magalit kay Mommy. I'm sure may dahilan siya kung bakit niya po nagawa ito sa atin.
Manuel: Anong dahilan niya? Kahit ano pa man ang dahilan niya isa lang ang alam ko, niloko niya ako! Taksil ang mommy niyo!
Don Manolo: Malaki ang naging utang na loob ko kay Brenda noon dahil inalagaan niya ako nung mga panahong inakala ninyong lahat na patay na ako pero sa ginawa niya ngayon hindi ko alam kung dapat pa ba akong tumanaw ng utang na loob sa kanya.
Cassandra: I agree Lolo. Sa ginawa ni Mommy kay Daddy, hinding hindi ko din po siya mapapatawad at kung nasaan man po sila ngayon ng lalake niya sana hindi sila maging masaya!
HINDI NA NAGSALITA SI ALEXANDRA.
NAKIKINIG NAMAN SI NURSE REGINA SA KANILA.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••
*SA KWARTO NI MINERVA*AGAD SINABI NI NURSE REGINA ANG MGA NARINIG NIYA.
Minerva: (Nag evil smile) Hmmmm... Sa wakas, nasira na namin ang pagsasama nina Manuel at Brenda. Ngayon, mas magiging madali na para sa amin ni Elizabeth na pabagsakin ng tuluyan si Manuel tapos isusunod na namin si Manolo para kami na ang mag take over ng Victorina Corporation! HAHAHAHAHA!!!!
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••
*SA LABAS NG KWARTO NI ELIZABETH*NANDOON SI CASSANDRA. TUMINGIN SIYA SA PALIGID UPANG TIGNAN KUNG MAY IBANG TAO. NUNG MASIGURO NIYA NA WALA AY AGAD NIYANG BINUKSAN ANG PINTO NG KWARTO NI ELIZABETH AT PUMASOK DITO.
*SA LOOB*
Cassandra: I need to find out kung anong koneksyon mo kay Herra at kung bakit mo ako siniraan.
IGINALA NIYA ANG KANYANG MGA MATA SA KWARTO NI ELİZABETH. NAKITA NIYA ANG MGA KOPYA NG LARAWAN NINA BRENDA AT DENIS.
BINUKSAN NIYA ANG MGA DRAWERS SA DRESSER TAPOS AY ANG CABINET PERO WALA SIYANG MAKITANG KAHINA-HINALANG BAGAY.
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
Non-FictionHello! This is the continuation of my story "You're Mine." Thank you and enjoy reading!