Chapter 246 | Revenge Plan

4 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 246 | Revenge Plan

3 MONTHS LATER.

*VICTORINA CORPORATION*

KAUSAP NI MANUEL ANG BOARD OF DIRECTORS KASAMA SI BRENDA.

Manuel: I would like to congratulate all of us for the continuous success of Victorina Corporation. Mas dumadami pa ang gustong mag invest sa mga businesses ng kumpanya at dahil 'yun sa tulong ninyong lahat.

Mrs. Robles: Hindi kami nagkamali nung i-appoint ka namin bilang CEO ng Victorina Corporation, Manuel. We are so happy na nagiging maganda ang status ng kumpanya.

Mr. Han: In fact, nasa Top 20 Best Companies in the Philippines na ang Victorina Corporation. Mabuti na lang at hindi na kami nagpaloko pa sa Minerva na 'yun.

Mrs. Fajardo: At pati na rin kay Elizabeth. Sayang, magaling pa naman siya pero kagaya din pala siya ng kanyang Ina na sakim, ganid at kriminal.

Manuel: Huwag na natin silang pag usapan dahil ang mas importante ngayon ay ang mas maging successful pa ang kumpanya dahil may na close ulit na bagong deal ang asawa kong si Brenda.

PINALAKPAKAN NILA SI BRENDA.

Mr. Solis: Congratulations, Brenda you are really doing great! We are really impressed by your performance!

Brenda: (Ngumiti) Thank you, Mr. Solis, magaling kasi ang mentor ko eh (tumingin kay Manuel).
•••••••••••••••••••••••••••••
SA KULUNGAN.

MINAMASAHE NI LITA SI ELIZABETH.

Elizabeth: ANO BA? AYUS-AYUSIN MO NAMAN ANG PAGMAMASAHE!

Lita: Pasensiya na Elizabeth eh pagod na ako eh.

Elizabeth: Pagod ka na agad? Kakasimula mo pa lang ah? Ayusin mo ang pagmamasahe mo sa akin dahil kung hindi malilintikan ka ulit sa akin!

Lita: (Napakamot sa ulo) Oo na.

Minerva: Hoy Lita, pagkatapos niyang anak ko, ako naman ang masahihin mo ah?

Lita: Oo na! (Bumulong) Kayo talagang mag ina abusada!

Minerva: Anong sinabi mo?

Lita: Wala, ang sabi ko sige mamasahihin kita mamaya pagkatapos ko sa anak ko.

Elizabeth: Huwag kang mag alala Lita dahil kapag nakalabas ako dito hindi kita papabayaan. Isasama kita sa pagtakas ko.

Lita: Sabi mo 'yan ah?

Elizabeth: Oo naman. Ngayon pa na medyo close na kami ng Jail guard dito.

Lita: Eh paanong hindi mo magiging ka close eh kakilala pala niya 'yung umampon sa'yo na dating leader ng sindikato.

Elizabeth: May mga loyal pa ring myembro ng si sindikato ang daddy ko kaya sila ang tutulong sa akin para makaalis ako dito at pati 'yang jail guard natin. Ang sabi niya humahanap lang siya ng tamang tyempo.

Minerva: Nararamdaman ko, malapit na tayong makaalis sa lugar na ito. Tamang tama dahil malapit na din ang kaarawan ng matandang si Manolo. Gusto ko siyang bigyan ng isang magandang regalo!

Elizabeth: Hmmm... Ako din, kating kati na akong patayin silang lahat! Sisiguraduhin ko na makakaganti tayo sa kanila.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
*GABNER UNIVERSITY*

CAFETERIA.

NANDOON SINA ALEXANDRA, CASSANDRA, HANSON, LUKE, VICKY, PHOEBE AT YESHA.

Cassandra: Don't forget guys ah, birthday na ni Lolo next week so sana makapunta kayo.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon