You're Mine
Chapter 249 | Abduction*SA LOOB NG MANSION*
KASAMA NI TONY SINA DON MANOLO, NURSE GEE, REMEDIOS, FREDA, RIZZI, ISHA, JOSEPH, TERESSA AT ROWENA.
DINALA SILA NI TONY SA BASEMENT AT DOON AY MAY ISA PANG KWARTO.Tony: Dito po muna kayong lahat. Ligtas po kayo dito.
Don Manolo: Ang mga apo ko at sina Manuel at Brenda paano sila?
Tony: Ako na po ang bahala sa kanila. Basta ang mahalaga po ligtas kayong lahat dito.
Teressa: Diyos ko, tulungan Niyo po kaming lahat!
Joseph: Ang anak ko.
Remedios: Magdasal tayong lahat. Hindi tayo pababayaan ng Diyos.
Rowena: Tama si Auntie Remedios, wala tayong ibang pwedeng gawin kundi ang magdasal.
Tony: Maiwan ko na po kayo. Huwag po kayong aalis dito kahit na anong mangyari! Nurse Gee, ikaw na muna ang bahala kay Don Manolo.
Nurse Gee: Opo.
UMALIS NA SI TONY.
Freda: Diyos na makapangyarihan, patnubayan Niyo po ang mga mahal namin sa buhay at sina Tony. Iligtas Niyo po kaming lahat sa kapahamakam!
Don Manolo: Diyos ko, huwag Niyo po kaming pababayaan.
Rizzi: (Umiiyak) Papa Jesus, i-guide niyo po kaming lahat.
NIYAKAP NI FREDA SI RIZZI.
NAGDASAL SILANG LAHAT.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••
SA VAN.ISINAKAY SINA CASSANDRA AT ALEXANDRA NG MGA LALAKE.
Alexandra: SINO BA KAYO!? ANONG KAILANGAN NIYO SA AMIN!??
Cassandra: PAKAWALAN NIYO KAMI MGA HAYOP KAYO!!!
Tauhan 1: MANAHIMIK KAYO!
MAY NAGBUKAS NG VAN, NAGULAT SILANG DALAWA.
Elizabeth: Hello mga mahal kong pinsan! Sa wakas, nagkita kita ulit tayo! Hahahahaha!!!!
Cassandra: Elizabeth!???
Alexandra: Paano ka nakawala sa kulungan?
Elizabeth: Lahat nagagawa ng pera kaya huwag na kayong magtaka! O paano, magkita-kita nalang tayo mamaya ha? Hahahaha!!! Sige na, dalhin niyo na ang mga 'yan sa hide out! See you later cousins! Hahahaha!!!
ISINARADO NA NI ELIZABETH ANG PINTO NG VAN.
Cassandra: HAYOP KA ELIZABETH!!!
Alexandra: SAAN NIYO KAMI DADALHIN!!!!??
Tauhan 2: HUWAG NA KAYONG MAGTANONG!
TINAKPAN NG MGA TAUHAN NG PANYO ANG MGA ILONG NG KAMBAL AT NAWALAN SILA NG MALAY.
••••••••••••••••••••••••••••••••
MAGKAUSAP SINA ELIZABETH, MINERVA AT FROILAN.Elizabeth: Nakita niyo na ba si Manolo at Manuel?
Froilan: Hindi pa pero pinapahanap ko na sila. Mukhang nakapagtago sila.
Minerva: Lalabas din ang mga 'yun lalo na kapag nalaman nila na hawak natin sina Brenda at ang kambal.
Elizabeth: Bilisan niyo bago pa dumating ang mga pulis!
Froilan: Mauna na po kayo sa hide out, kami na po ang bahala dito. Mas delikado kapag nagpaiwan kayo dito dahil baka abutan kayo ng mga pulis.
Minerva: Tama si Froilan anak. Ang mahalaga hawak na natin ang mag iina!
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
Non-FictionHello! This is the continuation of my story "You're Mine." Thank you and enjoy reading!