You're Mine
Chapter 241 | Tony's InvestigationKAKATAPOS LANG NG LIBING NI LITO.
INIMBITAHAN MUNA NINA LOLA REMEDIOS ANG MGA NAKIPAGLIBING SA KANILANG BAHAY UPANG KUMAIN NG INIHANDA NILANG SOPAS BILANG MERYENDA.NANDOON SINA ALEXANDRA, CASSANDRA, HANSON, VICKY, ERNEST, YESHA, PHOEBE, JOSH, ROWENA, JOSEPH, ISHA AT TERESSA.
SINA SANTI, EMILY AT FREDA NAMAN ANG NAGBIBIGAY NG SOPAS SA MGA BISITA.
MAGKAUSAP NAMAN SINA ELIZABETH AT LOLA REMEDIOS.
Elizabeth: Salamat po Lola Remedios sa pag aasikaso po ng lahat. Alam ko pong ako dapat ang gumagawa nito pero...
Remedios: Ayos lang 'yun Hija. Alam naman namin na may iba ka pang responsibilidad kaya naiintindihan namin. Ikaw naman ang gumastos ng lahat eh kami lang ang nag asikaso. Tsaka kamag anak namin si Lito kaya responsibilidad din naman namin ito sa kanya.
NAPALUHA SI ELIZABETH.
Elizabeth: Hanggang ngayon hindi pa rin po ako makapaniwala na wala na si Tatay Lito, na hindi na natin siya makikita at makakasama kahit kailan.
Remedios: (Hinawakan ang kamay ni Elizabeth) Alam kong mahirap tanggapin at paniwalaan pero darating ang panahon matatanggap din natin ang lahat. Nandito pa naman kami na mga kamag anak mo.
Elizabeth: Salamat po Lola Remedios.
Remedios: Siya nga pala Hija, nabalitaan ko na magaling na ang Mommy Minerva mo. Alam na ba niya ang tungkol kay Lito?
Elizabeth: (Natigilan) Hindi pa po at sa tingin ko wala din naman po siyang pakialam.
Remedios: Bakit mo naman nasabi 'yan? May nakaraan sila ni Lito at ikaw ang naging bunga nun.
Elizabeth: Hindi naman po niya ako nakikilala eh. Sa totoo po niyan nagalit pa siya sa akin nung nakaraan dahil nakita niyang nag aaway po kami ni Cassandra. Syempre mas kinampihan po niya si Cassandra dahil anak na ang turing niya dito samantalang ako hindi niya maalala na inalagaan ko po siya at pinagamot at ipinaglaban ko po siya kay Lolo.
Remedios: Hayaan mo, malalaman din niya ang mga nagawa mo para sa kanya. Siguradong maalala din niya 'yun.
Elizabeth: Sana nga po.
•••••••••••••••••••••••••••••••
KAUSAP NI CASSANDRA SINA YESHA, PHOEBE, VICKY, HANSON, ERNEST, ALEXANDRA AT LUKE SA LABAS.Phoebe: Bakit hindi mo pa kausapin si Elizabeth? Paaminin mo siya sa mga nagawa niya.
Cassandra: Hindi na kailangan dahil alam ko namang magsisinungaling lang siya.
Yesha: So hahayaan niyo na lang siya na makatakas sa kasalanan niya?
Alexandra: Isa lang naman ang kasalanan niya eh at inamin na niya 'yun na inutusan niya si Herra na siraan si Cassandra.
Vicky: Pero anong reason at bakit kailangan pa niyang saktan 'yung katulong niyo? For sure may iba pa siyang itinatago.
Hanson: Oo nga Cass, kung nagawa niya 'yun sa katulong ninyo baka nga may iba pa siyang ginawa?
NAPAISIP SINA CASSANDRA AT ALEXANDRA.
Cassandra: Pero 'yun lang ang narinig ni Ate Leonora eh.
Luke: Eh si Ella, diba sabi niyo kasabwat siya ni Elizabeth? Baka may alam siya, tanungin niyo siya.
Alexandra: Yun nga ang problema eh, lumayas na daw siya sabi ni Manang Pablita. Siguro natakot dahil nalaman na namin na kasabwat siya ni Elizabeth sa paninira kay Cassandra.
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
Non-FictionHello! This is the continuation of my story "You're Mine." Thank you and enjoy reading!