Chapter 234 | Where Is Lito?

2 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 234 | Where Is Lito?

*VICTORINA MANSION*

KAKAUWI LANG NI DON MANOLO MULA SA PRESINTO. SINALUBONG SIYA NI ELIZABETH.

Elizabeth: Lolo, kamusta po si Tito Manuel?

HALATA SA MUKHA NI DON MANOLO NA NAG AALALA ITO AT NA STRESS SA MGA NANGYAYARI.

Don Manolo: (Napabuntong hininga) Hindi siya pwedeng makapag piyansa kaya hindi ko siya mailalabas ng kulungan sa ngayon. Ang pag asa nalang ay kapag nagising na si Brenda.

Elizabeth: (Napaisip) Eh kamusta daw po ba ang lagay ni Tita Brenda?

Don Manolo: (Umiling) Comatose pa rin siya. Nandun ngayon sa ospital sina Cassandra at Alexandra para dalawin ang Mommy nila.

Elizabeth: Pasensiya na po kayo Lolo kung hindi ko na kayo nasamahan ha? May nga inasikaso din po kasi ako.

Don Manolo: Naiintindihan ko.

Elizabeth: Don't worry po Lolo, I'm sure magiging maayos din po ang lahat.

Don Manolo: Sana nga dahil hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Nagkasunod-sunod ang mga pagsubok.

Elizabeth: Alam ko po sobrang nakaka stress ang mga nangyayari pero lakasan niyo lang po ang loob ninyo. Anyway, gusto niyo po bang ipagtimpla ko kayo ng tsaa para matulungan po kayong mag relax?

Don Manolo: (Tumango) Sige Hija, salamat sa'yo.

Elizabeth: Sige po Lolo, dadalhin ko na lang po sa kwarto ninyo, magpahinga na po muna kayo.
•••••••••••••••••••••••••••••
*SA BAHAY NINA EMILY AT SANTI*

Freda: Wala pa ba ang Uncle Lito ninyo? Aba eh hating gabi na ah bakit hindi pa siya umuuwi?

Santi: Eh hindi ko din po alam Mamiru. Baka naman nag bonding sila ni Elizabeth pagkatapos niyang ma award ang anak niya?

KAUSAP NAMAN NI EMILY SI ERNEST SA PHONE.

Emily: (Nabigla) Ano??!!

NAPATINGIN SA KANY SINA SANTI AT FREDA.

Emily: Totoo ba 'yan Ernest? Sige sige salamat sa impormasyon. Bye!

Santi: Bakit Emily, anong sinabi ni Estong este ni Ernest?

Freda: Oo nga anak, bakit parang gulat na gulat ka naman?

Emily: Eh kasi po Mamiru, kuya ang sabi daw ni Vicky sa kanya eh nasa ospital daw po si Tita Brenda kasi nabaril daw po at ang suspect daw po ay si Sir Manuel.

Freda/Santi: ANO???!!

PABABA NAMAN NG HAGDAN SI LOLA REMEDIOS AT NARINIG ANG SINABI NI EMILY.

Remedios: Si Brenda nasa ospital???
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
SA KWARTO NI DON MANOLO. PUMASOK SI
ELIZABETH DALA ANG TASA NG TSAANG TINIMPLA NIYA PARA KAY DON MANOLO.

Elizabeth: Lolo, ito na po 'yung tsaa ninyo. Inumin niyo po ito habang mainit pa at para makapag pahinga na din po kayo.

Don Manolo: Salamat Apo. Sina Cassandra at Alexandra wala pa ba?

Elizabeth: Wala pa po Lolo eh pero don't worry tatawagan ko po si Alexandra mamaya para i check kung nasaan na po sila.

Don Manolo: Sige salamat.

Elizabeth: Inumin niyo na po itong tsaa.

IBINIGAY NI ELIZABETH ANG TASA KAY DON MANOLO AT AGAD NAMANG ININOM NI DON MANOLO ANG TSAA.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon