You're Mine
Chapter 245 | Hell In JailMAKALIPAS ANG ILANG ARAW.
PORMAL NANG SINAMPAHAN NG KASO SINA ELIZABETH AT MINERVA.
PINUNTAHAN NINA MANUEL AT BRENDA SINA MINERVA AT ELIZABETH SA KANILANG SELDA.
Minerva: Anong ginagawa niyong dalawa dito?
Elizabeth: Tito Manuel, Tita Brenda please iurong niyo na po ang kaso laban sa akin. Si Mommy lang po talaga ang nag plano ng lahat! Humingi siya ng tulong sa akin at nagsinungaling siya sa akin kaya ko siya tinulungan.
Minerva: Manahimik ka! Huwag kang magmalinis dahil kahit anong sabihin mo, magkasabwat pa rin tayo! At kayong dalawa, umalis na kayo dito! Hindi namin kailangan ng dalaw!
Brenda: Hindi ka man lang ba talaga nagsisisi sa mga nagawa mo Minerva?
Minerva: HINDI! Dahil kayong lahat ang may kagagawan kung bakit ko ginawa ang lahat ng 'yun! Ikaw Manuel, alam mo kung anong kasalanan sa akin ni Papa pero nanahimik ka! Kaya ako galit na galit sa'yo dahil wala kang ginawa! At Ikaw naman Brenda, kayo ng mga anak niyo ang may kasalanan kung bakit nasira ang lahat ng mga plano ko!
Brenda: Wala kaming kasalanan sa'yo Minerva! Ikaw ang maraming kasalanan sa amin at sisiguraduhin namin na hindi ka na makakatakas sa batas!
Manuel: Pati na ang pagpatay mo kay Mama, pagbabayaran mo din!
Minerva: Hindi ko pinatay si Mama! Si Brenda ang may kasalanan kung bakit namatay si Mama!
Brenda: Huwag mong isisi sa akin ang ka demonyohan mo! Ikaw ang nag utos para banggain ang sasakyan ni Mama dahil akala mo ako ang sakay nun! Ganun ka kasama Minerva!
Minerva: Manahimik ka!!! Umalis na kayo!
Elizabeth: Mommy ano ba? Bakit hindi ka nalang humingi ng tawad sa kanila at magpakumbaba?
Minerva: At bakit ko gagawin 'yun ha?
Elizabeth: Tita Brenda, Tito Manuel please patawarin niyo na po ako sa mga nagawa ko. I promise, magpapakalayu-layo na po ako iurong niyo lang po ang demanda laban sa akin!
UMIIYAK SI ELIZABETH.
Elizabeth: Please Tito Manuel, Tita Brenda.
NAPA BUNTONG HININGA NA LANG SI MANUEL.
Manuel: I'm sorry Elizabeth pero kailangan mong panagutan ang mga ginawa ninyo ng Mommy mo. Masyado nang maraming nadamay dahil sa mga pinag gagawa ninyong mag ina kaya batas na ang bahalang magparusa sa inyo.
Brenda: Tinanggap ka namin sa pamilyang ito Elizabeth, naging mabait kami sa'yo pero trinaydor mo kami at nagpagamit ka sa Mommy mo kaya dapat lang na pagbayaran mo ang mga ginawa mo.
Minerva: Nakita mo na? Hindi ka nila papatawarin kaya walang saysay kung magpapakumbaba ka! Tandaan niyo ito Manuel at Brenda, hindi ako papayag na kami lang ang magdusa! Makakarma din kayo sa mga ginawa ninyo sa akin!
Brenda: Ang mga kagaya mo lang na masamang tao ang kinakarma, Minerva kaya good luck nalang sa'yo!
Minerva: HAYOP KA! UMALIS NA KAYO DITO!
Manuel: Tayo na Brenda.
UMALIS NA SINA BRENDA AT MANUEL.
Minerva: Bwisit! Humanda sila pag nakalabas ako dito papatayin ko silang lahat!!!
Elizabeth: Tumigil ka na Mommy! Tama na!
Minerva: Ikaw ang tumigil! Alam ko naman na umaarte ka lang! Umalis na sila kaya itigil mo na 'yang drama mo!
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
Non-FictionHello! This is the continuation of my story "You're Mine." Thank you and enjoy reading!