You're Mine
Chapter 217 | Lito's ConfessionsKINABUKASAN
*VICTORINA MANSION*
KASAMA NI ELIZABETH SI LITO.
Elizabeth: Tay, sabihin niyo lang po ang mga narinig ninyo.
Lito: Tama ba itong gagawin ko anak? Ilalaglag ko ba talaga si Brenda?
Elizabeth: Tay, kailangang malaman ni Tito Manuel ang totoo.
DUMATING SI DON MANOLO.
Don Manolo: Anong totoo?
NATIGILAN SINA ELIZABETH AT LITO AT NAGKATINGINAN.
ANG SUMUNOD NA NANGYARI AY KAUSAP NA NI DON MANOLO SI LITO.
Don Manolo: Ano? Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo, Lito?
Lito: Opo Don Manolo. Nung una, hindi ko naman inisip na si Brenda nga ang tinutukoy ng lalakeng 'yun eh pero nung ipinakita sa akin ni Elizabeth ang mga larawan nila ni Brenda eh nakumpirma ko na siya nga 'yun. Hindi po ako pwedeng magkamali.
Don Manolo: So ang sinasabi mo eh may relasyon talaga si Brenda at ang lalakeng 'yun noon pa, ganun ba?
NATIGILAN SI LITO.
Lito: (Tumango) Ayoko man pong isipin pero narinig ko po ang lahat eh. Kausap po niya si Brenda sa telepono nung kasama ko si Elizabeth sa isang restaurant.
HINDI MAKAPANIWALA SI DON MANOLO SA MGA SINABI NI LITO.
•••••••••••••••••••••••••••
*SA BAHAY NINA SANTI*Santi: Po? Nagpunta si Uncle Lito kina Alex para sabihin ang totoo na may ibang ka relasyon nga si Auntie Brenda?
Freda: (Tumango) Oo.
Emily: Pero bakit po niya gagawin 'yun? Bakit po niya ilalaglag si Auntie Brenda?
Santi: Oo nga po Mamiru, at bakit niyo po siya pinayagan na gawin 'yun?
Remedios: Ilang beses namin siyang sinabihan na pag isipang mabuti ang gagawin niya pero desidido na siya eh.
Freda: Kinausap siya ni Elizabeth. Nakukunsensiya daw kasi sila eh. Naaawa daw siya kay Manuel.
Santi: Pero alam naman po natin na hindi magagawa ni Auntie Brenda 'yun diba?
Freda: Hindi ko na rin alam anak. Eh hindi din naman mag iimbento ng kwento ang Uncle Lito ninyo eh hindi ba? Ano namang mapapala niya kung sasabihin niya na may lalake nga ang Auntie Brenda ninyo?
NAGKATINGINAN SINA EMILY AT SANTI.
Remedios: Ang inaalala ko ngayon eh si Alexandra.
Santi: Tama po kayo Lola Rems. Siguradong masasaktan si Alex kapag nalaman niya ito.
Emily: Oo nga po.
Freda: (Napabuntong hininga) Wala naman tayong magagawa eh. Nangyari na pero sana magpakita na si Brenda at nang maipaliwanag niya ang panig niya.
Remedios: Tama ka Freda. Si Brenda lang ang makakasagot sa lahat ng mga katanungan natin at siya lang din ang makakapaglinis ng pangalan niya.
••••••••••••••••••••••••••••••
*VICTORINA MANSION*SA KWARTO NI MINERVA. NAKAMASID SIYA SA BINTANA AT PINAPANOOD DON MANOLO AT LITO HABANG NAG UUSAP.
Minerva: Regina.
Regina: (Lumapit kay Minerva) Bakit po Ma'am Minerva?
Minerva: Tawagan mo si Lucio sabihin mo gusto ko siyang makausap dahil may ipapagawa ako sa kanila ni Denis.
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
Non-FictionHello! This is the continuation of my story "You're Mine." Thank you and enjoy reading!