Chapter 201 | Let Her Go

3 0 0
                                    

You're Mine
Chapter 201 | Let Her Go

*VICTORINA MANSION*

GABI

MAY KAUSAP SI DON MANOLO SA TELEPONO.

Don Manolo: Tony, utusan mo ang mga nurse na ihanda si Minerva! Pupunta ako diyan para pahirapan siya!

*END CALL*

NAKIKINIG NAMAN SI ELLA.
KAAGAD NIYANG SINABI KAY ELIZABETH ANG NARINIG NIYA KAYA LIHIM NA SINUNDAN NI ELIZABETH SI DON MANOLO.
••••••••••••••••••••••••••••
MAID'S QUARTER

ISANG SULAT ANG HAWAK NI PABLITA

Pablita: Bakit biglaan naman kaya itong pag alis ni Leonor?

Rosana: Eh kilala niyo naman 'yang si Leonor, masyadong padalos dalos 'yan sa mga desisyon niya.

Pablita: Paano na 'yan, nabawasan na tayo dito sa mansion. Alam na kaya ito nina Don Manolo at Sir Manuel?

Rosana: Malamang hindi pa. Eh busy naman kasi sila dahil ang dami na namang naganap sa mansion eh gaya ng pagsu-suicide ni Ma'am Cassandra.

Pablita: Oo nga, kamusta na kaya siya? Sana naman okay lang siya.

DUMATING SI ELLA.

Ella: Okay na daw po siya ang sabi ni Ma'am Elizabeth.

Pablita: Mabuti naman kung ganun. Nakakabigla ang mga nangyayari.
••••••••••••••••••••••••••••••
*SA OSPITAL*

PAUWI NA SINA VICKY, PHOEBE AT YESHA.
KAKATAPOS LANG NILANG DALAWIN SI CASSANDRA.

Phoebe: Hay naku, mabuti nalang talaga at naagapan nilang madala sa ospital si Cass kung hindi baka wala na ang kaibigan natin ngayon.

Yesha: True! Iba talaga ang nagagawa ng depression kaya dapat sine-seryoso natin 'yan hindi dapat ginagawang joke.

Vicky: I agree.

MAYA MAYA AY DUMATING SINA ALEXANDRA AT LUKE.

Vicky: Alex, Luke dinalaw niyo si Hanson?

TUMANGO SINA ALEXANDRA AT LUKE.

Luke: Yeah.

Phoebe: How is he?

Luke: Actually hindi namin siya nakausap kasi ayaw niyang tumanggap ng bisita.

Yesha: Sabi nga ng Daddy niya nung dinalaw namin siya. Kaya siguro na depress din si Cass.

Vicky: Eh si Cassandra, hindi niyo ba pupuntahan sa kwarto niya?

Alexandra: Sinilip na namin siya kanina habang tulog siya. Okay na siguro 'yun.

MAYA MAYA AY DUMATING NAMAN SINA BRENDA AT MANUEL.

Brenda: Anak, sumabay ka na sa Daddy mo pauwi, magpapaiwan ako dito para magbantay kay Cassandra.

Alexandra: Sigurado po ba kayo, Mommy? May mga body guards naman pong nagbabantay sa kanya eh.

Brenda: Kahit na, mas gusto ko pa rin na nandito ako. Uuwi din naman ako bukas ng umaga. Manuel, sige na mauna na kayo ni Alexandra.

Manuel: Sige, basta tumawag ka sa akin kapag may problema okay?

Brenda: Sige.

Alexandra: Sige po Mommy.

Vicky: We have to go na rin po Tita Brenda, Tito Manuel.

Brenda: Mag iingat kayo, salamat sa pag dalaw ninyo kay Cassandra.

Phoebe: Wala po 'yun.

Yesha: Sige po, we'll go ahead. Alex, Luke mauna na kami.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon