Chapter 238 | Lito's Wake

1 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 238 | Lito's Wake

*VICTORINA MANSION*

NAKAUWI NA SI ELIZABETH.
DUMAAN MUNA SIYA KAY MINERVA UPANG SABIHIN DITO ANG PINAG USAPAN NILA NI FRANK.

Elizabeth: Nabalitaan ni Uncle Frank ang nangyari kay Lolo at Tito Manuel at alam niyang posibleng ako na ang mag take over ng kumpanya pansamantala.

Minerva: At bakit ka niya pinuntahan doon?

Elizabeth: Dahil gusto na niyang makuha ang parte niya na ipinangako ko daw sa kanya noon dahil kung hindi isisiwalat daw niya sa lahat ang mga ginagawa ko.

Minerva: Bwisit na Frank 'yan! Tuso din ang matandang 'yan! Wala pa nga tayong nakukuha gusto agad niyang pumarte? Pwes, ako na ang bahala sa kanya, huwag mo na siyang intindihin. Pumunta ka na sa lamay ng Tatay Lito mo at baka kung ano pang isipin ng mga kamag anak niya.

Elizabeth: Ano pong gagawin niyo kay Uncle Frank?

Minerva: Ano pa nga ba ang ginagawa sa mga kagaya niya? Hmmmm....

•••••••••••••••••••••••
SA ISANG CHAPEL KUNG SAAN NAKAHIMLAY ANG KATAWAN NI LITO.

PINAGMAMASDAN SIYA NINA FREDA, REMEDIOS, SANTI, EMILY AT RIZZI.

NANDOON DIN SINA ROWENA, ERNEST, JOSH, VICKY, PHOEBE, YESHA, LUKE, HANSON, ALEXANDRA AT CASSANDRA.

Remedios: Kawawang Lito, bakit ganito ang sinapit niya? Napakarami na talagang masasamang loob ngayon.

Freda: (Napaluha) Hindi makatarungan ang pagkamatay niya. Ang bait bait ni Kuya Lito bakit kailangang mangyari sa kanya ito? Sana managot agad ang mga hayop na gumawa nito sa kanya.

IYAK NG IYAK SI FREDA.
NIYAKAP SIYA NG KANYANG MGA ANAK.

Remedios: Nasaan na ba si Elizabeth? Bakit wala pa rin siya hanggang ngayon?

Santi: Wala naman ata talaga siyang pakialam kay Uncle Lito eh. Hindi naman kasi siya lumaki sa kanya kaya siguro hindi siya na attach dito.

MAYA MAYA AY DUMATING NA SI ELIZABETH. NAKA ITIM NA BESTIDA AT NAKA ITIM NA LIPSTICK. LUMULUHA HABANG PAPALAPIT SA KABAONG NI LITO.

Elizabeth: Hindi 'yan totoo, Santi.

NAPALINGON ANG LAHAT SA KANYA.
NAGBULUNGAN ANG MGA NAKIKIRAMAY.

NAKALAPIT NA SI ELIZABETH SA KABAONG NI LITO.

Elizabeth: Kahit hindi ako lumaki sa kanya, napamahal na rin sa akin si Tatay Lito sa maikling pagsasama namin kaya it's unfair na sinasabi mo 'yan dahil nasasaktan din ako sa pagkawala niya. Ako ang huling nakausap niya at nagkasamaan pa kami ng loob nung araw na 'yun kaya hindi ko matanggap na nawala siya ng hindi man lang ako nakakapag sorry sa kanya!

IYAK NG IYAK SI ELIZABETH.

Elizabeth: Pinilit kong pumasok sa opisina dahil ako lang ang pinagkakatiwalaan ni Lolo doon habang nasa ospital pa siya at kahit na may pinagdadaanan ako hindi ko ipinakita sa kanila na nalulungkot ako pero ang totoo gustong gusto ko nang makita si Tatay Lito!

Freda: Hija, pagpasensiyahan mo na ang sinabi ni Santi.

Remedios: Alam naming masakit para sa'yo ang nangyari.

Emily: Ate Elizabeth, nandito lang kami kung kailangan mo ng makakausap.

Santi: Pasensiya ka na sa taklesang bibig ko.

Elizabeth: (Napabuntong hininga) Wala na 'yun sa akin Santi.

PINAGMASDANG MABUTI NI ELIZABETH SI LITO SA KABAONG NITO AT MULI SIYANG UMIYAK.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon