Chapter 232 | I Didn't Do It!

2 0 0
                                    

You're Mine
Chapter 232 | I Didn't Do It!

KINABUKASAN

*VICTORINA MANSION*

KAUSAP NINA CASSANDRA AT ALEXANDRA SI MANANG PABLITA.

Cassandra: What? Hindi pa umuuwi si Dad mula kagabi? Saan po ba siya nagpunta?

Pablita: Eh hindi po namin alam eh basta nakita lang po siya ni Ella na umalis. Siya lang pong mag isa.

Alexandra: Tatawagan ko siya.

PERO HINDI NAGRI-RING ANG PHONE NI MANUEL.

Alexandra: Cannot be reached eh.

Cassandra: What?

DUMATING SINA DON MANOLO AT ELIZABETH.

Don Manolo: Anong problema mga apo?

NAGKATINGINAN SINA ALEXANDRA AT CASSANDRA.

Alexandra: Lolo, hindi daw po umuwi si Daddy kagabi? Alam niyo po ba kung nasaan siya or nagpaalam po ba siya sa inyo?

Don Manolo: Ano? Hindi ko alam na umalis siya dahil maaga akong nagpahinga kagabi. Elizabeth, hindi ba nagkausap kayo ng Tito Manuel mo kagabi?

Elizabeth: Ah opo Lolo. Kinausap niya po ako kagabi tapos po biglang nag ring ang phone niya at sinagot po niya 'yun. Si Denis po ang tumawag sa kanya at sabi po ni Tito Manuel gusto daw pong makipagkita nina Denis at Tita Brenda sa kanya. Yun lang po ang sinabi sa akin ni Tito Manuel.

NAPAISIP SI DON MANOLO.

Alexandra: Kung nakausap ni Daddy sina Mommy baka nga nakipagkita siya sa kanila?

Cassandra: Pero bakit wala pa si Daddy?

MAYA MAYA AY DUMATING SI TONY.

Tony: Don Manolo, may kailangan po kayong malaman.

NATIGILAN SI DON MANOLO.

ANG SUMUNOD NA NANGYARI AY KAUSAP NA NI DON MANOLO ANG MGA PULIS SA GARDEN.

Don Manolo: Ano?!?! Nasa presinto si Manuel? Anong nangyari?

Tony: Nahuli po siya ng mga pulis kagabi sa luma ninyong pabrika.

Don Manolo: Bakit, anong ginagawa niya sa lugar na 'yun?

Tony: Ang sabi po sa akin ni Sir Manuel nung nakausap ko siya sa presinto, makikipagkita daw po siya dapat kina Ma'am Brenda at Denis Coronel pero pagdating niya po dun, nakahandusay at duguan na sila. Hinuli po siya ng mga pulis dahil primary suspect po siya.

Don Manolo: Diyos ko, kailangang mailabas natin agad si Manuel sa kulungan! Hindi siya pwedeng magtagal doon!

Tony: Non bailable po ang kaso ni Sir Manuel Don Manolo at nakausap na rin po niya ang abogado niya. Ayaw nga po niyang ipasabi sa inyo ito dahil alam niyang mag aalala kayo pero nakumbinsi ko po siyang ipaalam na sa inyo dahil kailangan po niya ng tulong ninyo.

Don Manolo: Puntahan natin siya ngayon dun. Gagawin ko ang lahat para makalabas siya sa kulungab. Kung kinakailangang ubusin ko ang pera ko gagawin ko, makalaya lang ang anak ko! Samahan mo ako sa presinto!

Tony: Sige po Don Manolo.

Don Manolo: Teka sina Brenda at Denis nasaan daw sila? Kamusta ang lagay nila?

Tony: Kritikal po ang lagay ni Ma'am Brenda ngayon sa ospital dahil sa natamo niyang tama ng bala. Pero si Denis Coronel naman po ay dead on arrival na sa ospital.

TILA NANGHINA SI DON MANOLO.

Tony: Don Manolo, ayos lang ho ba kayo?

Don Manolo: Ayos lang. Samahan mo na ako sa presinto ngayon din.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon