Chapter 4

50 2 0
                                    

France

"Pagod na ako."

Inub-ob ko ang ulo ko sa lamesa kong puno ng papel at huminga. Exam na bukas. Hindi ko alam kung ilang oras na akong naka-upo. Hindi pa nga yata ako nagtatanghalian. Masyado akong kinakabahan para sa ieexam namin bukas.

Sabi nila, matalino daw ako. But, I beg to disagree. Si Leonel ang totoong definition ng matalino. Kahit isang oras lang siya mag-aral, siya pa din ang pinaka-mataas sa section nila. Hindi rin naman nakakagulat dahil parehas Magna Cum Laude ang mga magulang niya. Dumadaloy sa dugo nila ang pag-excel sa Academics.

Pero ako... Kailangan kong magsipag ng todo para magkaroon ng matataas na grade. Hindi naman ako pinepressure ng mga magulang ko. Basta pasado, ayos na sa kanila. Ako lang ang nahihiya dahil halos ibigay nila sa'kin ang lahat ng gusto ko. Nakakahiya na pasado lang ang grades ko, kahit na alam ko namang kaya ko itong itaas.

Isa pa, wala rin naman akong ginagawa sa bahay. Lahat ng gawaing bahay, sila ang gumagawa. Kapag gusto kong tumulong, sinasabi nila na manood na lang ako ng TV, o hindi kaya ay mahiga at magbasa. Madalang silang humingi ng tulong sa'kin kaya nagkukusa na lang ako kapag wala sila. Ayokong maramdaman nila na hindi ako nagpapasalamat sa lahat ng ginawa nila para sa'kin.

Kaya kahit minsan ay mahirap at mapagod, pinipilit kong mag-aral ng mabuti.

"Anak, madilim na sa labas. Tama na muna 'yan."

Napalingon ako sa likod ko. Si Nanay pala. Nilalagay niya ang mga tinuping damit sa cabinet ko. Hinawi ko ang kurtina sa tapat ng desk ko. Oo nga, gabi na. Bukas na ang mga ilaw sa poste ng kalsada namin. Hindi ko man lang napansin na nakabalik na sila mula sa bukid at tindahan namin.

Binuklat ko ang mga papel ko. Hindi ko pa tapos ang reviewer ko sa Contemporary Philippine Arts.

"Hindi pa ako tapos, Nay." sagot ko bago humikab. Kumuha ako ng chocolate sa drawer ko at kinain ito. Inaantok na ako.

"Hindi nabawasan ang kanin sa rice cooker. Nako, Francesca. Nagpapalipas ka na naman ng gutom." seryosong sabi ni Nanay habang inaayos niya ang damitan ko.

Oo nga pala, hindi nga pala ako nagtanghalian kanina. Kaya pala medyo nanghihina at sinisikmura na ako.

"Sorry po, Nay. Kakain na po ako." Sinarado ko muna ang ballpen ko at inayos ng konti ang mga gamit ko sa lamesa.

"Pumunta ka na sa kusina. Ininit ko na 'yung ulam. Susunod ako pagkatapos kong ayusin itong mga damit mo." saad niya.

Lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa kusina. Pinilit ko ang sarili ko na kumain ng madami. Kahit sobrang gusto ko nang bumalik sa pag-aaral, ayoko namang gutumin ang sarili ko dahil baka magkasakit ako. Mas lalo akong hindi makakapag-review kapag nangyari 'yon.

Pagkatapos kong kumain, nagpahinga lang ako saglit bago bumalik sa pag-aaral. Tinapos ko ang CPAR na last subject ko sa Wednesday. Hindi ko napansin ang oras, alas-dose na pala nang matapos ako. May exam pa ako bukas, kaya humiga na ako at natulog. Bukas ko na liligpitin ang lahat ng kalat ko kapag maaga akong nagising.

"Huy, Trudis! Gising!"

Kumunot ang noo ko nang marinig ang boses ni Sinag. Ang aga naman yata n'ya?

"Ang aga mo naman." inaantok ko pang sabi. Hindi ko man lang binuksan ang mata ko para tingnan siya. Inaantok pa talaga ako.

"Anong maaga? 5:30 na!"

Bumalikwas ako ng bangon. Nag-alarm ako ng 4 AM ah! Bakit hindi ko narinig? Agad kong chineck ang oras dahil baka pinaprank ako ni Sinag. Tae, 5:30 na nga! Nakalimutan kong mag-alarm dahil sa sobrang antok!

Glimpse of SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon