France
"Awa na lang, oh. Pwede bang maghiwalay naman kayo?"
Tinapik ko ang braso ni Sinag na nakapulupot sa akin pero umiling lang ito. "Manigas ka, ghosted."
"Pag pinakita ko sa'yo ang naninigas sa akin, baka magulat ka." ngisi ni Vic.
Agad na tinakpan ni Sinag ang mga tenga ko, habang binato naman ni Leonel si Vic ng papel. "Magdasal dasal ka nga. Puro na lang kababuyan ang nasa isip mo."
"Kasi naman, e! Nauuta ako sa inyo!" reklamo ni Vic.
Nasa kiosk kami ngayon sa tapat ng CAS at kaumakain. Nagkasabay-sabay ang break naming apat kaya napagdesisyunan namin na kumain na lang ng magkakasama. Si Sid, hindi nakasama dahil may klase pa.
Itong katabi ko, halos hindi na ako bitawan. Simula noong makita niya ako, hindi na ako pinakawalan! Kulang na lang, samahan niya ako hanggang sa loob ng CR.
"San Vicente Ferrer, pray for us." sabi naman ni Leonel bago nagsign of the cross.
Vic looked at us with disgust. "Pwede ba bumalik na lang kayo sa magtropa? Mas okay pa."
"Kung ikaw kaya ibalik ko sa sinapupunan ng nanay mo?" pang-aaway ni Sinag.
"Kung kakasya, go."
I deeply sighed before answering my activity again. Si Sinag naman, wala nang ginawa kung hindi panoorin ako. "Wala ka bang activity?" tanong ko.
"Tapos na."
Gulat akong tumingin sa kanya. Bago 'yon, ah. "Sure?"
"Oo nga! Tingnan mo pa." Kinuha niya ang folder niya at ipinakita sa akin ang mga yellow pad na may sagot. Aba, may computation pa.
"Ikaw nagsagot nito?"
Proud na proud itong tumango. "Oo naman!"
Hindi ko alam ang topic nila kaya hindi ko ma-check kung tama ang sagot ni Sinag. Isa pa, hindi ko na naman kailangang icheck dahil kahit patamad-tamad si Sinag, matalino 'to.
I patted Sinag's head. "Very good."
"Yuck." Ngumiwi si Vic at nagpanggap pang nasusuka. "Pinaparusahan na talaga ako sa lahat ng kasalanan ko.
"Kulang pa 'yan." sabi ni Leonel. Ang mga mata nito ay nakafocus sa yellow pad niya.
"Siya nga pala." Lumingon muli ako kay Sinag. "Birthday mo na next week, 'di ba? Sa bukid gaganapin ang debut mo?"
Tumango ako. Oo nga pala, may debut pa ako. Sobrang busy ko sa pagiging class rep at sa activities namin, nakalimutan ko na ang birthday ko.
"Sa totoo lang, ayoko talagang magparty. Kaysa matuwa, kinakabahan lang ako kapag lumalapit na ang birthday ko."
Saglit kaming natahimik. "Hmm... What if, mag-after party tayo?" suggest ni Leonel.
His idea piqued my interest. "Paano?"
"Well... My tito owns a private resort in Batangas. I'll ask him kung pwede tayong magstay doon."
"Hala, nakakahiya!" Winagayway ko ang kamay ko. "Okay lang!"
Nakakahiya na si Leonel pa ang gagawa ng paraan para maging masaya ako sa birthday ko. Hindi naman niya kasalanan na hindi ko iyon nilolook forward.
"It's okay. Isipin mo na lang na birthday present ko 'yon sa'yo." sambit niya.
Magsasalita na sana ako nang pangunahan ako ni Vic. "Okay na 'yon, France! Tsaka hindi lang naman ikaw ang makikinabang. Kami rin!"
"True," dagdag ni Sinag.
![](https://img.wattpad.com/cover/331289761-288-k452235.jpg)
BINABASA MO ANG
Glimpse of Sunrise
RomanceSunrise means new beginnings for Francesca Eleanor De Jesus and Simeon Nathaniel Gale Natividad who grew up watching the sunrise together. Both of them believed that as long as the sun rises, there's nothing they couldn't overcome.