Chapter 7

25 0 0
                                    

Sinag

"Walang uuwi mamaya, ha? Pupunta tayo sa bayan. May aabangan tayo roon." sambit ni Darren pagka-alis ng teacher namin.

Gusto kong umalis, pero wala naman akong pupuntahan. Busy 'yong apat, lalo si France at Leonel. Tuwing lunch na lang kami nagkakasabay kumain, umaalis pa agad 'yung dalawa. Bukod sa research na parehas silang leader sa kani-kanilang mga grupo, may student council si Leonel habang KULTURA naman si France. Three months na lang, gagraduate na kami kaya ang daming ganap sa school.

Hay... Hirap talaga ng buhay kapag matalino. Buti, hindi ko 'yon danas.

Wala tuloy akong choice kung hindi ang tumambay sa classroom. Pinuntahan ko kanina si Ericka, ang kaharutan ko ngayon sa kabilang section, pero magmemeeting daw sila para sa research nila. Nag-usap lang kami sa corridor saglit tapos bumalik na siya sa loob. Si Vic naman, ayun tulog-mantika! Tangina kasi nitong hayop na 'to, giyang na giyang magdota. Natatamad naman akong puntahan si Sid. Ang layo naman kasi! Kaya heto, pinagtya-tyagaan ko ang mga 'tropa' kong puro yabang lang alam.

Naging kaibigan ko lang naman sila dahil pasaway ako noong Grade 7 hanggang 9. Aaminin kong pasaway talaga ako noon. Nagcucutting classes ako, hindi ako nagawa ng assignment, mayabang ako, maharot, nakikipag-away, at iba pa. Nakatikim na nga ako ng alak at sigarilyo kahit hindi dapat. Ang sarap kasi sa pakiramdam na malaya ako, kaya inabuso ko.

Sobrang nakakapagod sa bahay noon dahil sa dami ng problema at responsibilidad, kaya nagrebelde ako.

Hindi naman ako proud doon, lalo na noong umiyak si France dahil sa pagiging pasaway ko.

Buong Grade 9 kaming hindi nagpansinan dahil napa-tropa ako. Napabayaan ko talaga siya. Sabay pa rin kaming umuuwi, pero hindi kami nag-uusap masyado. Grabe yung distansya namin sa isa't isa noon. Para bang hindi namin naging sandalan ang isa't isa noon.

Tsaka, bumabalik ako sa school pagkatapos para makipagkita kina Darren. Tumatambay kami sa bahay ng katropa namin, tapos mag-iinom at yosi kami. Nagkabati lang kami ni France noong bakasyon bago kami mag-grade 10.

"Kung magiging ganyan ka lang rin naman, mas mabuti pang huwag na lang tayong maging magkaibigan," seryoso niyang sabi.

Natakot ako roon. Hindi ko na siya makikita kapag nagpatuloy akong magbulakbol. Ayoko noon. Ayokong mawala si France.

Binago ko buhay ko para 'di na ulit kami mag-away. Hindi na ako sumasama masyado kina Darren. Akala ko nga, makakalayas na ako sa radar nila kapag nag-senior high na kami, pero sinundan ako ng mga tanga. Nag-ABM din sila. Kaklase ko pa! Hindi pa naman kami nagpapalit ng section kaya hanggang ngayon, kasama ko sila.

Hindi ko sila tuluyang maiwan kasi kilala ko ugali nila. Ako ang pagdidiskitahan nila kapag umalis ako. Mamaya, madamay pa mga kaibigan ko kaya tinatyaga ko na lang. Tatlong buwan na lang din naman.

"Pass ako." sambit ko. Kailangan kong ihatid si France pauwi, tsaka marami pa akong responsibilidad sa bahay.

"Peke mo naman, pis." iritang sabi ni Darren. Gusto kong umirap. Pis, amputa. Pisain ko mukha n'ya, e.

"Madami akong ginagawa sa bahay." sagot ko habang nagdadrawing ng kung ano sa likod ng notebook ko. Ang boring!

"Luh? Palusot pa s'ya, oh." sulsol ni Jasper. Tinaasan ko siya ng kilay. Aawayin ko na sana siya ng magsalita si Darren.

"Sige na, sige na." sambit niya. "Pero sa susunod, sumama ka na."

Bumalik na sila sa upuan nila dahil tumunog na ang bell. Bumuntong hininga ako sa inis bago binaliktad ang notebook ko para mag-notes.

Glimpse of SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon