France
"Aray..."
Napahawak ako sa noo ko nang maramdaman ang sakit nito. Parang kaunti na lang, sasabog na ito. Ano ba ang ginawa ko kagabi? Bakit ang sakit ng ulo ko?
All I can remember was having fun at Sid's after party. Mukhang napasobra yata ako dahil sa sobrang kalasingan ko kaya ang sakit ngayon ng ulo ko. Paano ba naman? Ang daming nag-aabot sa akin. Hindi ko naman mahindian dahil baka sabihin, killjoy ako.
Hay... Sana lang ay wala akong ginawang kahit anong kalokohan.
I slowly opened my eyes to check kung nasa tamang hotel room ba ako. I cannot remember going home alone. Mamaya, may tumangay na sa akin na kung sino.
Pagmulat ko, sinalubong ako ng isang familiar na hotel room. Medyo madilim pa ang paligid pero nakita ko pa rin ang kabuuan nito ng ayos. Nakahinga agad ako ng maluwag. Mabuti naman, nakauwi ako ng buo. Ang tanong, sino ang nag-uwi sa akin?
Umayos ako ng upo at pinagmasdan ulit ang paligid. My head slightly tilted to the side when I saw a familiar man sleeping in the couch. Napatakip ako ng bibig nang mapagtanto ko kung sino 'yon.
What the... Bakit nandito si Sinag?!
He's peacefully sleeping, with his one arm resting against his forehead. Wala itong unan o kahit kumot man lang. Nang igala kong muli ang mga mata ko, doon ko napagtanto na wala ako sa hotel room ko. The bed is placed on the right side of the room while nasa left side naman 'yung akin. Even the paintings were different.
Unti-unting sumibol ang kaba sa puso ko. May ginawa kaya ako kagabi? Sana wala. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag may ginawa akong kalokohan. Baka sampung taon akong magtago at hindi magpakita kay Sinag kung ganoon.
I saw him shifting from the couch, making the beat of my heart intensify. Ano ang gagawin ko? Hihintayin ko ba siyang gumising o aalis na lang ako ng hindi nagpapaalam? Kaso baka lumala naman ang galit niya sa akin. Ayoko nang dagdagan pa ang kasalanan ko sa kanya.
Sinag slowly opened his eyes. Lumingon siya sa gawi ko habang nakakunot ang mga mata. "Ohh... gising ka na."
Tumango ako at tumayo sa kama. "Dito ka na matulog. I'm sure, hindi comfortable diyan." Bitin na bitin ang sofa sa kanya, hanggang kalahati lang ng binti niya ang kasya.
Umayos siya ng upo at inayos ang buhok niya. "Maayos ba ang tulog mo?" tanong niya habang nagstre-stretching ng leeg.
"Oo. Salamat." Sinuot ko na ang sapatos ko. "Aalis na ako. Matulog ka na ulit."
Palakad na ako papunta sa pinto nang hawakan niya ang pala-pulsuhan ko. Agad akong natigilan at tumingin sa kanya. His fiery eyes met mine, making me feel a nervous flutter in my stomach.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Aalis ka na agad? Hindi mo man lang papanagutan?"
Huh? Anong sinasabi niyang papanagutan? "Bakit naman kita papanagutan?"
"Nakalimutan mo na? You stole a kiss from me."
Halos lumuwa ang mata ko. Ano?! Kiniss ko siya?!
"L-lasing ka pa ba?" tanong ko. Bakit ko naman siya ikikiss? Hindi naman ako ganoong klase ng tao!
Binitawan niya ako at pinagkrus ang mga braso. "Ikaw? Lasing ka pa ba? Nakalimutan mo na ba talaga o kunyaring nakalimutan mo lang?"
Hindi ako nakasagot agad. Pilit kong inaalala ang sinasabi niya, pero wala naman akong matandaan na ginawa ko 'yon. Posible kayang pinagtitripan lang ako ni Sinag? Ito ba ang ganti niya sa akin? Ang guluhin ang isipan ko?
BINABASA MO ANG
Glimpse of Sunrise
RomanceSunrise means new beginnings for Francesca Eleanor De Jesus and Simeon Nathaniel Gale Natividad who grew up watching the sunrise together. Both of them believed that as long as the sun rises, there's nothing they couldn't overcome.
