Chapter 6

56 1 0
                                    

France

"Hay..."

Itinapon ko ang sarili ko sa kama. Grabe, pagod na pagod ako. Kahit tumayo sa kama, hindi ko na yata kayang gawin.

Nakatitig ako sa kisame habang iniisip ang mga nangyari buong araw. Akala ko, normal lang na pasko lang ang mararanasan ko. Ang dami biglang nangyari! Hindi ko malilimutan kung paano lumakas ang tibok ng puso ko nang maalala ang panunukso ni Tito Bryan sa amin ni Sinag.

"Ano ba 'yan! Nakakahiya!" sigaw ko. Nagpagulong-gulong pa ako sa kama ko na parang sira. Nababaliw na ako, tae.

Hinihingal kong binalik ang tingin sa kisame. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang dahilan ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Dahil ba sa pagod? O dahil kay Sinag?

Ito na naman tayo sa 'what if' na 'to.

Ang tagal na din noong huli akong nagkaroon ng 'what if' tungkol sa amin ni Sinag. Noong Grade 7 ata 'yung una at huli, pagkatapos kaming asarin ng mga kaklase namin. Ship daw nila kami dahil bagay kami. Wala lang 'yon kay Sinag pero ako ang biglang napa-isip.

What if... maging kami nga ni Sinag?

Agad ko din 'yong binura sa isipan ko dahil may nagustuhan si Sinag noon sa kabilang section. Maganda, makinis, matalino, talented, at talagang kilala ang babae na 'yon sa buong school namin. Doon ko narealize na ganoon ang mga tipo ni Sinag. Mga babaeng kabaligtaran ko.

Grade 7 ko din narealize na crush ko si Sinag. Hindi niya alam, pero siya ang first crush ko. Last din yata dahil nang maka-move on ako sa kanya, hindi na ako nagkacrush sa iba. Ewan ko, natakot yata ako. Noong nagustuhan ko si Sinag, halos isubsob ko ang sarili ko sa pagbabasa para makalimutan ang nararamdaman ko. Ayun, simula noon, puro libro na lang ang nagpapakilig sa'kin.

Ayos na rin. Payapa ang buhay ko at wala akong iniisip na ibang tao. Hindi hassle sa buhay.

Kaso, eto namang si Tito Bryan, kung ano-ano ang sinasabi kanina. Binabagabag na naman tuloy ako.

Kumuha ako ng libro sa bookshelf ko at nagbasa, pero tinigil ko rin ito nang maramdaman ang panlalagkit ng katawan ko. Hindi pa pala ako nakakapagpalit.

Binaba ko muna ang libro ko sa nightstand at kumuha ng pajamas. Dumiretso ako sa banyo para maglinis ng katawan at magpalit. Hindi na ako kumain ng dinner dahil busog na busog pa ako sa mga handa namin kanina. Baka kumuha na lang ako ng biscuit mamaya kapag nagutom ako.

"France, gising na."

Lumukot ang mukha ko at nagtaklob ng kumot. Ang lamig... Ang sarap sa pakiramdam ng kumot at unan ko.

"Hindi ka na ba sasama?"

Agad kong minulat ang mga mata ko at tumingin kay Nanay. Oo nga pala... Pupunta pala kami sa Tagaytay ngayon.

Sinabi ko sa kanila noong isang araw na nabobored na ako sa bahay. Gusto ko naman umalis para maiba naman ang nakikita ko. Ayun, sabi ni Tatay ay magta-Tagaytay daw kami. Doon daw kami hanggang bukas.

"Sasama po!" sigaw ko at tumakbo sa banyo dala ang damit ko. Malapit lang sa'min ang Tagaytay kaya 'yon ang napili ni Tatay. Ayaw niyang dumaan sa Maynila dahil sobrang traffic daw doon ngayon.

White shirt na pinatungan ko ng yellow knitted cardigan na may flower designs ang pantaas ko, habang yellow maxi skirt naman ang pambaba ko. Nagwhite sneakers lang ako at sinuot ang knitted bucket hat kong beige na regalo sa'kin ni Tita Grace. Hilig niya kasi ang pagco-crochet.

Sa sala muna ako umupo habang hinihintay si Tatay na matapos mag-ayos. Maaga siyang pumunta sa bukid para maglinis ng mga kalat doon bago bumalik dito. Habang naghihintay, saktong nagchat sa'kin si Sinag.

Glimpse of SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon