Sinag
"So..."
Mahigpit akong nakahawak sa braso ng upuan ko. Taena talaga! Sabi ko na, duda ako sa tanders na 'yon, e!
Nakaupo si France sa harap ko. She's wearing a simple white floral romper and white sandals. Ang buhok niya ay nakaladlad lang ngayon. Napatingin ako sa leeg niya. Suot pa rin niya ang necklace na binigay ko sa kanya last year sa Paris.
That made my lips spread into a short smile. I don't think tinanggal niya ang necklace na 'yon, o dumaan ang araw na hindi niya 'yon suot. Parati n'yang suot ang necklace na 'yon kapag nagkikita kami. Maging sa pictures niya, nakikita ko ang regalo ko sa kanya.
Hindi ko rin naman tinatanggal ang bracelet na binigay niya sa akin. Balak ko nga, bigyan din siya para matching kami. Kaso naisip ko, mas maganda kung parehas na lang kami ng singsing at apelyido. Lifetime pa.
Bumalik ang tingin ko sa mukha niya. Ang mga mata niya ay nakatingin sa bintana habang ang mga kamay niya ay nakapatong sa mga hita niya. Alam na alam ko ang ganoong posisyon niya. Ibig sabihin, nahihiya siya, tensyonado at hindi mapakali.
"Gusto mo bang bumalik sa airport?" tanong ko. Napalingon naman sa akin si France, nakataas ang mga kilay. "I mean, baka hindi ka komportable na ako ang kasama mo sa Amanpulo."
Sigurado naman akong hindi lang kami ang nagbabakasyon doon, pero kami lang dalawa ang tao sa villa ng tatay ko. Kaya ko ba 'yon? Syempre, hindi.
Buti sana kung wala kaming past, ayos lang. Kahit pagtabihin niyo kami sa iisang kama, wala akong mararamdamang kahit ano.
E kaso hindi. Partida, nahalikan ko na siya at lahat!
Umayos ng upo si France at sandaling nag-isip. Maya-maya ay umiling siya. "Ayos lang naman sa akin."
"Sure ka?" paninigurado ko.
Hindi ko ineexpect na 'yon ang isasagot niya sa akin. Baka talagang komportable na siya sa presensya ko. Baka wala na talaga siyang nararamdaman para sa akin.
E'di wow.
"Yes. Sayang rin kasi 'yung finile ko na leave kung mapupunta lang sa wala," tugon ni France. Mas komportable na ang posisyon niya ngayon. "Besides, a trip with you isn't a bad idea. Hindi naman ito ang first time na lumabas tayo."
Sabagay, nag-three day trip nga pala kami sa Paris noon. Grabe, isang taon at mahigit na pala 'yon?
"Well, if you say so." Tumingin ako sa bintana para itago ang pag-init ng mukha ko.
"Bakit?" Nagsalubong ang kilay niya. "Ayaw mo ba?"
Agad kong iwinagayway ang mga kamay ko. "Hindi, ah! Gusto ko!"
Actually, naunahan lang ako ni Tatay. Plano ko rin sanang yayain si France na magbakasyon, pero sa Baguio sana. E wala, mas mabilis ang utak ng tatay ko, e. Palibhasa, mas marami siyang bakanteng oras kesa sa akin. Trabaho niya, ipinapasa pa niya sa iba.
"O-okay..."
Isa't kalahating oras rin ang itinagal ng flight namin papuntang Amanpulo. Pagbaba namin, sinalubong kami ng ilang staffs. Sinabitan pa kami ng flower garland at hinatid kami papunta sa lobby gamit ang isang golf cart. Saglit lang din ang itinagal noon. Pagdating namin sa lobby ay sinalubong kami ng ilan pang staffs at binigyan pa kami ng fresh fruit shake.
"Ako na ang magchecheck-in," sabi ko kay France. "Upo ka na lang muna diyan."
The check in didn't last long. Sobrang smooth noong process kaya natuwa ako. Pagkatapos noon ay sinamahan na kami ng isang staff papunta sa villa. Inorient niya kaming dalawa ni France patungkol sa amenities and services na pwede naming gamitin sa buong stay.

BINABASA MO ANG
Glimpse of Sunrise
RomanceSunrise means new beginnings for Francesca Eleanor De Jesus and Simeon Nathaniel Gale Natividad who grew up watching the sunrise together. Both of them believed that as long as the sun rises, there's nothing they couldn't overcome.