Chapter 34

24 1 0
                                        

France

"Happy Graduation! Finally, graduate na tayo!"

Nagyakapan kaming lima nina Venice pagkatapos ng ceremony. Hindi pa sila nakuntento at tumalon-talon pa habang naka-akbay sa amin. Ang sakit tuloy ng balikat ko. 

"Mamimiss ko kayo, grabe!" Pinahid ni Kia ang luha sa mga mata niya. "Walang kalimutan, ha?!"

""Talagang wala. Hindi mo pa kaya bayad ang utang mo!" Turo sa kanya ni EJ, halatang nagbibiro.

Malakas siyang hinampas ni Kia. "Ulol! Ikaw nga ang may utang sa akin!"

Nagpapicture kaming lima sa mga magulang namin. Bukod roon, nagselfie at .5 din kami gamit ang cellphone ni Leonel. Bininyagan namin dahil bago ang cellphone niya.

"Picturan ko kayo ni Leonel, France!" sabi ni Nanay at pinatayo kami sa harap ng halamanan malapit sa auditorium.

Sinunod namin siya ni Leonel. Magkatabi kaming tumayo roon sa tapat ng auditorium building para magpakuha ng litrato. Sa hindi kalayuan, may mga estudyante ring nagpapapicture kasama ang diploma nila. 

"Nasaan kaya ang mga kaibigan niyo?" Luminga-linga ang mga magulang namin, hinahanap sina Vic. 

Habang naghihintay, bigla akong kinausap ni Leonel. 

"You did well, France." sabi sa akin ni Leonel.

"Lalo ikaw. Proud na proud kami sa'yo, Leonel." Ngiti ko sa kanya.

After ng semester break, nag iba ang aura ni Leonel. Kung dati ay tahimik lang siya, ngayon ay mas malamig pa siya sa yelo makitungo. Noong una nga, natakot ako dahil baka sa akin niya ibuntong ang lahat, pero hindi naman. Mas lalo lang siyang naging mailap sa mga tao.

Sinuklian lang niya ako ng isang tipid na ngiti. "Thank you, France."

"Mga babycakes!"

Lumingon kami sa pinanggalingan ng boses ni Sid. Tumatakbo itong pumunta sa amin at niyakap kami. "Congratulations! Magkakasilbi na tayo sa mundo!"

"Tanga, ikaw lang walang silbi rito. Puro ka papogi." sambit ni Vic na kasunod lang nila. "Mas lalo akong nauta sa mukha mo."

Sikat na sikat na ang mukha ni Sid sa buong Pilipinas. Kabi-kabila na ang mga endorsements niya, 'yung iba ay mg bigatin pa! Ayan tuloy, kung saan-saan na namin nakikita ang mga mukha niya dahil sa mga posters at billboards. Kahit nga ngayon, ang dami pa ring nakatingin sa kanya!

Bumitaw si Sid para harapin si Vic. "Inggit ka lang. Palibhasa, pang-wanted ang mukha mo!"

Sinugod siya ni Vic at inakbayan. Pagkatapos, kinaskas niya ang kamao niya sa bunbunan ni Sid. "Dapat sa'yo, mag-endorse ng Lice Alis, e! Ikaw 'yung kuto!"

Binaling ko ang tingin ko kay Sinag na nakatayo sa harap ko at natatawang pinapanood ang dalawa. Kagaya namin, suot niya ang toga na kulay black at blue. Nang tumingin siya sa akin, agad akong umiwas ng tingin.

Magdadalawang taon na noong nagbreak kaming dalawa. Simula noon, hindi na namin pinapansin ang isa't isa. Ilang buwan rin siyang hindi nagpakita sa amin. O sa akin, dahil alam kong close pa rin niya sina Leonel. Nagdodota pa nga sila, e...

Madalang na rin kaming magkasama. Kapag nagkakayayaan, isa sa amin ang hindi pumupunta. Noong una, naiintindihan nina Vic. Kaso napagod rin yata sila sa sitwasyon kaya kinausap nila kami. Naguilty naman kami dahil tama sila, hindi dapat nadadamay ang tropa namin sa away namin.

We decided to be civil after that. Pero hanggang doon na lang 'yon. Magkasama kaming dalawa, pero malayo na ang loob sa isa't isa.

"Okay, picture!" sabi ni Tita Carla. "France, sa gitna ka!"

Glimpse of SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon