Chapter 18

19 0 0
                                    

France

"H-huh?"

Lumingon ako kay Sinag na hindi makatingin sa akin. "Seryoso ba?"

Ang dami-dami niyang fun fact, iyon pa ang naisip niyang sabihin. Pwede naman niyang sabihin na nagbabake siya ng tinapay, o hindi kaya ay muntik siyang maging child model noon.

"Wala akong maisip, e." sagot ni Sinag. Kinuha niya ulit ang utensils niya bago sumubo ulit. "Kumain na nga kayo. Ingay niyo."

I was left puzzled by what he did. Binagabag talaga ako nito. Though, tama nga siya. Fun fact nga iyon.

"Hintayin kita, ha?" sambit sa akin ni Sinag bago sila umalis ni Vic.

"Mamaya pa akong 6pm." sagot ko. Isang oras rin 'yon. Mababagot lang siya.

"Kaya 'yan, hintayin namin kayo ni Vic."

Lumingon sa amin si Vic, "Narinig ko na naman pangalan ko."

"Oo, tinatawag kasi kita. Tsu!" Tinawag ni Sinag si Vic na parang aso. Natawa naman ako.

"Ulol. Mas mukha kang aso sa'ting dalawa. Amoy aso ka nga rin, e!" pangganti ni Vic.

"Gago ka, shampoo ni France ang ginamit ko!" Natawang sabi ni ni Sinag. "France, oh!"

Nagflying kiss agad sa akin si Vic. "Joke lang, France! Love you!"

Umiling na lang ako. Ang kukulit talaga. "Ewan ko sa inyo."

Dahil may two hours vacant pa kami ni Leonel, nagbasa na lang kaming dalawa ng libro. Katulad ko, nagaadvance reading na rin siya. Pero mas matagal na yata siyang nagbabasa dahil nakalahati na niya agad 'yung libro. Ako ay ¼ pa lang ng libro ang natatapos.

"France, may napapansin ka ba kay Sinag?" tanong sa akin ni Leonel.

"Hmm? Wala naman. Bakit?" Kunot noo kong tanong.

"Nothing."

Nagtataka akong tumingin sa kanya. Ano kayang meron? Ang hirap pa naman basahin ni Leonel. Alam kong may napapansin siya, pero hindi ko alam kung ano 'yon.

Orientation at introduce yourself lang rin kami sa Mathematics in Modern World. Maaga kaming dinismiss after mag-orient ni ma'am, kaya nagkasabay ang uwian namin ni Sinag. Buti na lang, hindi maghihintay si Sinag sa akin ng matagal.

"Ano? Slayed ba?" pagkamusta ni Sinag at kinuha ang bag ko.

Humawak ako sa balikat niya bago sumakay sa motor. "Oo. Mukha namang mabait ang mga kaklase ko."

"Mabuti naman. Kapag may umaway sa'yo, sabihin mo agad sa akin. Igaganti kita." matapang nitong sabi. 

Hinampas ko ang balikat niya. "Akala ko ba hindi ka na makikipag-away?" 

"Hindi naman talaga ako nakikipag-away!" pagtatanggol niya sa sarili niya. "Nadadamay lang ako!" 

Umirap ako. "Ewan ko sa'yo. Tara na nga." 

Dumaan lang kami saglit sa Hepalane sa bayan bago kami umuwi. Dahil wala pa namang ganap, tumambay muna sa amin saglit si Sinag. Umalis lang siya noong maghahapunan na. Nahiya na naman siguro si loko. 

Buong week ay orientation period lang namin kaya hindi ganoong ka-hectic ang schedule namin. Dahil marami pa akong free time, nag-aallot na ako ng oras para magbasa ng mga textbooks,  lalo sa major kong Introduction to Psychology. Isa lang ang major ko ngayong sem dahil mostly ay general subjects ang courses ko.

"Sabay daw pa-bayan si Leonel mamaya." balita ko kay Sinag pagbaba ko ng motor.

Kunot noo niyang kinuha ang helmet mula sa akin. "Huh? Bakit? Nasaan ang kotse niya?"

Glimpse of SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon