France
"Ate, France. May tumatawag sa'yo."
Nagising ako nang maramdaman ang pagyugyog sa akin ni Thunder. "Hmm?"
"Alam kong masarap ang pagtulog niyo ni Kuya, pero tumatawag po si Aling Tessa sa'yo."
Agad na bumukas ang mata ko. Una kong naramdaman ang mabigat na braso ni Sinag na nakapulupot sa akin. Kasabay nito ang pag-init ng buong mukha ko nang makita ang imahe ni Thunder na nakatayo sa harap ko, malawak ang ngisi.
"O-oh..." Maingat kong tinanggal ang pagkakayapos sa akin ni Sinag bago ako tumayo at kinuha ang cellphone ko. Hindi ko man lang matignan ang mukha ni Thunder. Nakakahiya! Talagang nabutan pa niya kaming ganoon ng kuya niya!
Hindi ko alam na nakatulog pala ako. Ang naalala ko lang ay binabantayan ko si Sinag. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nanghingi siya ng yakap sa akin. Mas lalo tuloy uminit ang mukha ko.
"Okay lang 'yan, ate. Hindi naman masama maging marupok." nakangiting sambit ni Thunder.
"Marupok ka diyan. Hindi, ah." pagtanggi ko.
Inalagaan ko lang siya bilang kaibigan. Oo, ganoon lang. Bakit? Hindi naman bago sa amin ang magyakapan, ah? Simula noong mga bata kami, ginagawa na namin 'yon. Walang malisya ang mga 'yon sa amin.
"Sure," sarkastikong sabi ni Thunder. Halatang hindi siya kumbinsido. "Sabi mo, Ate France e."
Hindi ko na lang siya pinansin at tinawagan ko si Nanay pabalik. Iniwan ko muna si Thunder doon sa salas at nagpunta sa kwarto ko. Baka kasi magising si Sinag kapag doon ko sa salas kinausap si Nanay. Isa pa, para makaalis na rin ako sa pang-aasar ni Thunder.
Totoo nga ang sinabi ni Sinag. Ang lakas ni Thunder mang-asar!
[France! Kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo, e.]
Napakamot ako sa batok ko. Dumoble ang hiya ko dahil sa rason kung bakit hindi ako nakasagot agad. "B-busy po, e..." pagsisinungaling ko. Sorry po, Nanay. "Bakit po?"
[Malapit na ang pasko. Uuwi ka ba?]
"Opo," sagot ko sa kaniya. "Nagfile na rin ako ng leave para nandiyan ako hanggang magbagong taon"
[Mabuti naman. Aba'y bihira ka na namin makita, e. Akala namin, wala na kaming anak.]
Mahina akong napatawa sa sinabi ni Nanay. Though, I also felt guilty about her remark. Kahit pabiro ang tono niya, alam kong totoo naman na bihira na nila akong makita. Kaya nga nagfile na ako ng leave para naman makasama sila.
Hindi na rin tumatanda ang mga magulang ko. Kaunting taon na lang, magiging senior na si Tatay. Kahit binibiro niya ako na excited na siyang magkaroon ng discount, nalulungkot pa rin ako dahil tumatanda na sila ni Nanay. Sana lang ay alagaan nila parati ang mga sarili nila para makasama ko pa sila ng matagal. Hindi ko yata kaya na mawala sila sa akin.
Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. Agad kong pinunasan ang luha ko. "Uuwi po ako diyan, promise."
[Dapat lang!] Ani Nanay sa akin. [Siya nga pala, nagkikita pa ba kayo ni Sinag?]
My cheeks immediately flushed again. Hindi nga rin pala nila alam na sa bahay na ni Sinag ako nakatira. Hindi ko rin naman masabi dahil panigurado ay ipipilit na naman nila na magkabalikan kami ni Sinag. Iyong dalawang 'yon pa naman, lalo na si Tatay? Sobrang gustong gusto na maging manugang si Sinag.
"Opo, minsan. Bakit po?"
[Sabihin mo, umuwi rin siya ng Ezperanza. Kung pwede rin, dito na siya magpasko katulad ng dati.]
BINABASA MO ANG
Glimpse of Sunrise
RomanceSunrise means new beginnings for Francesca Eleanor De Jesus and Simeon Nathaniel Gale Natividad who grew up watching the sunrise together. Both of them believed that as long as the sun rises, there's nothing they couldn't overcome.