Chapter 41

38 1 0
                                        

France

"Yes, I'll be there at 10. Kindly tell the client my apologies."

Nagmamadali akong pumunta sa Panaderia Cescilia para kunin ang kape ko. Hindi kasi ako makatulog kagabi kaya late na ako dinalaw ng antok. Nagrevenge bedtime procrastination na naman siguro ako dahil halos hindi ko nahawakan ang cellphone ko kahapon sa sobrang busy. Ayun, nanood ako ng short videos buong magdamag.

As soon as I got there, the staff handed my coffee right away. They didn't even bother to ask for my order since they all knew what it is. Paano ba naman, araw-araw nilang ginagawa ang kape ko. Minsan pa ay dito ako tumatambay kapag narito si Sinag.

"Have a sunny morning, Ma'am!" bati sa akin noong staff habang nakangiti ng malawak.

I smiled back at her. "You too,"

One year ago, itinayo ni Sinag ang branch ng bakery niya sa tapat ng ospital na pinagtatrabuhan ko. Simula noon, dito na ako bumibili ng kape at snacks. It was really convenient since hindi ko na kailangan maghintay ng matagal dahil priority palagi ang kape ko. Minsan pa nga, nakaprepare na sila pagdating ko. Like today.

I sipped on my coffee as I stride along the sidewalk, going to the hospital. Hindi pa rin ako sanay na nalalate kaya sobrang naiinis ako sa sarili ko ngayon. I always think that every minute of my clients' time are precious; hence, I don't want to waste every second of it. After all, hindi lang naman ako ang may buhay.

I greeted the client as I entered the room. She's a young woman, probably in her early twenties. "I'm really sorry. Kanina ka pa ba?"

Umiling naman siya habang nakangiti. "Hindi naman po, Miss."

"Sige, wait lang, ha?"

I quickly fixed everything that I needed during the session. Hinanda ko ang mga files, papers and assessment tools na gagamitin ko mamaya. Sinimulan na rin namin ang session pag-upo ko roon sa couch. Most of the time, nakikinig lang ako sa client ko habang nagkwekwento siya. Right after that, I conduct a test in relation to her situation so that I can assess her properly. The whole session lasted for about two hours.

Since I worked in the clinical field, ganoon na ang naging buhay ko. Though, hindi naman ako parating nagcoconduct ng session at therapy. I only work at the hospital during Monday, Wednesday and Saturday. Tuesdays are for my volunteering work while I teach as an instructor during Thursday and Friday. Linggo lang talaga ang pahinga ko.

Everyday is a busy day for me. Bukod sa mga 'yan, minsan ay kinukuha pa akong validator ng mga estudyante. Hindi ko naman mahindian dahil alam ko rin ang hirap ng paghahanap ng validator. Kapag ganoon, certificate na lang ang hinihingi ko. Hindi na ako nagpapabayad since they are still students. Even a token of appreciation isn't required.

Today, I had four clients. Pagkatapos ko sa last client ko, I spent a few minutes meditating. One thing I learned from my field of work is to observe but do not absorb. Empathy is necessary, but don't let their situation get into your personal life. Dapat ay may boundaries pa rin.

However, it is easier to be said than done. Minsan ay hindi mo pa rin maiiwasan na may makalagpas na konting emosyon sa puso mo. Like them, tao lang rin naman ako, e... Some cases penetrate to me, lalo na 'yung mga cases na hindi ko pa nahahandle before. Kaya pagkatapos ng sessions, I always allot a time for meditation to calm my nerves.

After my work, saktong nagmessage sa akin si Sinag. Niyayaya niya akong magdinner dahil naroon daw siya ngayon sa branch malapit sa ospital namin. Ang bilis naman. Parang kanina lang umaga, nasa Laguna siya para icheck ang mga branch niya doon.

Isa pa rin 'yong busy. Dalawang linggo ko rin yata siyang hindi nakita dahil sa dami ng inaattendan niyang meeting. Balak niya yatang iexpand ang reach ng mga branches niya kaya marami siyang inaasikaso. Bukod pa roon, bumibisita pa siya sa mga branch niya across the south. Nagtataka nga ako kung paano pa siya nakakapag-aya ng online games kina Vic. Baka iyon ang stress reliever niya.

Glimpse of SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon