Sinag
TW: Blood and Violence
"And the highest is no other than, Mr. Natividad!"
Ngumisi ako nang marinig ang pangalan ko. Aba, dapat lang! Hindi kaya ako natulog para sa putanginang activity na 'yan!
Siniko ako ni Vic. "Puta, finance god ka na, ah! Sana all!"
"Syempre, mukha akong pera, e." sagot ko naman.
Aba, hindi naman talaga ako interesado sa mga math na ganyan. Kahit noong elementary at high school, hindi ako nagkaroon ni katiting na interes sa mga 'yan. Ngayon lang dahil syempre, pera ang hawak namin.
Kahit singkong duling, basta pera ang nawawala—hindi ko tatantanan!
Dismissed na kami pagkatapos noon kaya lumabas na kami ni Vic. "Siya nga pala, 'yung tiyo mong gunggong, kamusta?" pagtatanong niya.
"Kamalas-malasan, buhay pa si gago." sabi ko.
Napatunayan kong siya nga ang nangungupit dahil noong wala siya sa bahay nang ilang araw, naging kumpleto parati ang pera ng tindahan. Ang tahimik rin ng bahay! Patunay na siya lang talaga itong perwisyo sa amin.
Nagkabati na rin kami ni Tiya. Hindi ko naman matitiis 'yon. Kahit martir iyon sa asawa n'ya, mahal na mahal ko 'yon. Hindi ko naman siya masisisi dahil tunay ngang nakakabulag ang pag-ibig.
"Saan ka ngayon? Sa bahay ni France?" Sinuot niya ang helmet at umangkas sa likod ko.
"Oo. Ikaw ba?"
"Sa bayan. Mag-iilog kami nina Aries."
"Tangina mo, umayos ka ha? Mamaya, maging kwento ka na naman." paalala ko.
Bobo kasi 'tong si Vic. Mag-iilog lang, muntik pang malunod! Kung hindi ba naman tanga, doon pa sa may falls tumalon! Ayun, muntik pa siyang maanod. Ligalig kasi, e.
"Opo, Tatay. Doon lang po ako sa gilid." tugon niya gamit ang pang batang boses.
Konti na lang, uupakan ko na 'to, e. "Umayos ka nga, baka ihulog kita rito."
Agad na yumakap sa akin si Vic, umaktong natatakot. Putcha talaga, kuhang-kuha niya pitik ko!
Pagkahatid ko kay Vic sa bayan ay dumiretso na ako sa bahay nina France. Sakto, wala sina Tita. Pwede akong maging clingy to the max!
"Love!" Binukas ko ang mga bisig ko at niyakap siya. Kiniss ko pa ang sintido niya. "Kamusta?"
"Okay lang. Ikaw?" Tumingala siya sa akin at pinahid ang pawis sa noo ko gamit ang likod ng palad niya.
Mayabang akong ngumisi. "Highest sa activity lang naman ang boyfriend mo." Finlex ko pa ang braso ko.
Nanlaki ang mga mata niya at malapad na ngumiti. "Wow! So proud of you, mahal!"
Bumungisngis ako ng paulanan niya ang mukha ko ng kiss. "Thank you, baby!"
Tumambay lang kami ni France sa kwarto. Nakaramdam ako ng antok habang sinasamahan siyang magbasa kaya natulog muna ako. Wala pa rin kasi akong tulog.
"Sinag, may tumatawag sa'yo..."
Dinilat ko ng kaunti ang mga mata ko para tingnan kung sino 'yon. Nang makita kong si tiya, sinagot ko agad ang tawag. "Po?"
"Sinag..."
Narinig ko ang boses niya, umiiyak. Nawala lahat ng antok ko dahil roon. Agad akong bumalikwas ng bangon. "Tiya, bakit?"
"Si Thunder... Nasa hospital..."
"Po?!" Gulat na gulat kong tanong. Nakita kong nagising si France dahil sa akin. "Bakit po?!"

BINABASA MO ANG
Glimpse of Sunrise
RomantikaSunrise means new beginnings for Francesca Eleanor De Jesus and Simeon Nathaniel Gale Natividad who grew up watching the sunrise together. Both of them believed that as long as the sun rises, there's nothing they couldn't overcome.