Sinag
"P-po?"
Pinagmasdan ko ang lalaki. Unti-unti kong nakikita ang resemblance namin sa isa't isa. Iyong mata... Iyong labi... Parehas kaming dalawa.
Naalala ko bigla ang pag-uusap namin ni Nanay. Kapag pinagmamasdan niya ang mukha ko sa gabi, palagi siyang nagrereklamo dahil hindi niya ako kamukha.
"Ako ang nag-ire sa'yo, tapos hindi mo ako kamukha?" Hinaing niya parati. "Ang unfair talaga ng mundo!"
Palagi ko tuloy tinatanong kay Nanay kung gwapo ba ang tatay ko. Kung ano ang itsura niya. Kung mabait ba siya, matalino, at iba pa.
"Ayoko mang tanggapin, pero gwapo ang tatay mo, anak. Kaya ka nga nabuo, e.," tugon ni Nanay.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig habang nakamasid sa lalaking nasa harapan ko. Tama nga si Nanay. Kamukha ko nga siya.
Na-estatwa lang ako sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin at gagawin ko.
"Tangina, prank ba 'to?" Iyon ang una ng lumabas sa bibig ko. Masama man ang magmura, pero wala akong pakialam. Baka joke lang 'to ni Tiya. Minsan pa naman, may trip rin 'to, e...
"Baka syota mo 'to, Tiya, ha? Hindi naman kita pagbabawalan." pabiro kong sabi.
Gusto kong matawa sa joke ko pero parehas silang seryoso na nakatingin sa akin. Nawala ang ngiti ko sa labi. "Tangina..."
Mas lalo yatang sumakit ang ulo ko. Sa dinami-rami ng araw na magpapakita ang gunggong na 'to, bakit kung kailan may hangover pa ako? Deputa, hindi ako makapag-function ng ayos!
"Anak..." Lumapit sa akin 'yung Atlas. "Forgive me... Hindi ko alam na nagkaanak kami ni Emilia."
Paano? Bobo ka. Putok ka ng putok sa loob, hindi mo man lang chineck kung nakabuntis ka?
Hindi ko siya kinibo. Patagal ng patagal, napupuno ng galit ang puso ko. Putcha, ang dami ko nang napagdaanan, oh. Ngayon lang siya magpapakita kung kailan tapos na ang lahat?
Kung nagpakita sana siya sa akin noon pa, e'di sana ay hindi kami nagtiis kay Tiyo Mario. Hindi magkakandaleche-leche ang buhay ko. Hindi kami magkakahiwalay ni France.
At higit sa lahat, hindi ako magdurusa. Hindi ko aakuhin ang responsibilidad ng ibang tao... Ang responsibilidad niya.
"Nagkausap kami dati sa Tondo ni Emilia. Hindi ko alam na buntis na pala siya. Naghiwalay kami dahil parehas kaming walang pera. Ang plano ko, mag-iibang bansa ako. Natuloy ako, pero ang kapalit noon ay ang kalayaan ko ng limang taon. Hindi ako maka-uwi, anak. Anim na taon ang kontrata ko sa Saudi..." pag-eexplain niya na akala mo naman tinanong ko. "Pag-uwi ko, naglaho na ang nanay mo. Sinubukan ko siyang hanapin, pero wala... Hindi ko pa alam na may anak ako sa kanya."
Angas, tangina. Parang teleserye ang buhay ko, ah? What if, sumulat ako ng letter kay Mel Tiangco o kay Marian Rivera? Ifeature nila ang buhay ko, go.
"Sorry po." Tinanggal ko ang kamay niya sa kamay ko. "Masyado pang mabilis ang lahat sa akin."
Kailangan ko ng panahon na mag-isip. Ang daming tanong sa isip ko, e... Nang makita ko ang tatay ko, biglang lumitaw ang lahat ng tanong ko tungkol sa pagkatao ko. Bigla kong napagtanto na ang dami pang kulang sa buhay ko. Ni hindi ko na makilala ang sarili ko dahil puro iba ang inuuna ko.
Tumayo na siya ngunit nanatili siyang nakatayo sa harap ko. "I understand, anak. You can take your time."
Napuno ng katahimikan ang paligid. Ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi naman mainit, pero namamawis ang mga palad ko. Hindi ko alam kung saan ako lilingon. Kahit saan, huwag lang sa lalaking nasa harap ko.

BINABASA MO ANG
Glimpse of Sunrise
RomanceSunrise means new beginnings for Francesca Eleanor De Jesus and Simeon Nathaniel Gale Natividad who grew up watching the sunrise together. Both of them believed that as long as the sun rises, there's nothing they couldn't overcome.