Chapter 37

19 1 0
                                    

France

"Opening ng bakery ngayon ni Sinag. Hindi ka ba pupunta?"

"Titignan ko pa, Nay." sagot ko habang naka-focus ang atensyon ko sa mga papel sa harap ko. Kanina pa ako naka-upo rito pero hindi pa rin sila natatapos.

"Hahanapin ka noon, panigurado. Itry mong umabot, ha? Kahit closing!" paalala niya sa akin.

Tumango na lang ako. "Opo, Nay. I'll try."

"Okay. Punta na kami roon. Mag-iingat ka diyan, anak! I love you!"

"I love you too, Nay." sabi ko.

Hinintay kong i-end ni Nanay ang call. I breathe out in frustration habang pinagmamasdan ang mga research papers na kailangan kong i-check. Napakamot ako sa noo nang makita ang tambak ng papel sa mesa ko. I'm still far from being done.

After passing the BLEPP, sinubukan kong mag-apply bilang psychometrician sa isang ospital. Ayos lang naman ang sahod, pero gusto kong madagdagan ang income ko so nagdesisyon akong magpart time instructor sa isang prestige university sa Manila. Natanggap naman ako kaya heto ako ngayon, nalulunod sa papel ng mga estudyante.

Hindi ko rin alam bakit pa ako nag-instructor, gayong marami na rin naman ang workload sa ospital. Siguro, impulsive decision ko lang ito. Hindi ko talaga ineexpect na matatanggap ako dahil medyo kilala ang university na inaapplyan ko. Pero dahil natanggap ako, pinangatawanan ko na.

It's been months since I've last seen Sinag. Eight months? Kung hindi ako nagkakamali. Huling kita ko sa kanya ay doon pa sa bar ni Vic. Sobra akong nag-aalala sa kanya dahil mukha siyang problemado. Parang ang dami niyang iniisip. Gusto ko nga sana siyang puntahan at kausapin, kaso umalis naman siya agad.

Simula noon, hindi na kami nagkita. Nagulat na nga lang ako sa mga sinasabi sa akin ni Nanay. Eight months ago, sinabi niya sa akin na nakita na ni Sinag ang tatay niya. Mayaman at mukhang mabait

naman, sabi nila. Kamukha raw ni Sinag ang tatay niya. Kung hindi ako nagkakamali, binigyan pa sila ng pera at mamahaling regalo. Pambawi raw sa tulong na binigay nila kay Sinag.

Then few months passed by, nagchismis ulit sa akin si Nanay. Magtatayo na raw ng bakery si Sinag, at ang location ay doon sa dati nilang bahay. Si Thunder at tiya, lumipat sa bahay na binili noong tatay ni Sinag sa isang exclusive subdivision sa Ezperanza.

Sobrang saya ko nang araw na 'yon. Talagang nagtago pa ako para tumalon-talon. I was so happy for Sinag.

Finally, natupad na niya ang pangarap niya. May tulong man 'yon ng tatay niya, alam kong pinagpaguran pa rin niya 'yon. Siya pa ba? Hindi kakayanin ng pride niya na tumanggap ng tulong. Basta kaya niya ang isang bagay, gagawin niya 'yon mag-isa.

I tried my best to finish all my paper works, kahit kalahati lang. Pagsapit ng alas singko, lumabas na ako ng university. Dumaan lang ako saglit sa apartment ko para magbaba ng gamit tapos pumunta na ako sa terminal papunta ng Ezperanza.

Two hours ang byahe papunta sa Ezperanza, pero kapag traffic ay umaabot ng three hours. Kabado ako habang nakapila sa terminal. Rush hour pa man din ngayon. Panigurado, pahirapan ang sumakay. Masisikip pa ang mga sasakyan dahil madami talaga ang umuuwi mula sa trabaho at eskwelahan.

Muntik akong hindi makasakay dahil sa dami ng tao na nag-uunahan sa bus. Pagpasok ko, wala nang upuan kaya no choice ako kung hindi mag standing. Siguro, mahigit isang oras at kalahati rin akong nakatayo sa bus, tinitiis ang init dahil sa siksikan at ang ngalay ng mga binti ko.

Pagbaba ko sa terminal ng Ezperanza, ramdam ko agad ang pagod ng katawan ko. Alam kong magulo na ang buhok ko at hindi na rin maayos ang mukha ko kaya habang nasa tricycle, inayos ko ang sarili ko. Nagsuklay ako, nagpolbo at nagretouch ng blush at lipstick. Pinagpag ko rin ang damit ko at pinabanguhan 'to dahil nakakahiya naman kung amoy polusyon ako.

Glimpse of SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon