Chapter 27

18 1 1
                                    

Sinag

"Ang tagal naman noon..."

Pinatay ko ang gripo ng lababo at pinunas ang kamay ko sa kitchen towel nina France. "Love?" tawag ko sa kanya.

Ano kaya ang sinabi ni Aya? Wala naman kaming napag-usapan na meeting. Wala rin naman sigurong problema ang research namin para tumawag siya ngayong gabi. So, bakit siya tatawag?

Hindi sumagot sa akin si France. Pagdating ko sa kwarto niya, nakita ko siyang hawak ang cellphone ko. Mahigpit ang kapit niya roon at matindi ang titig niya sa kawalan.

"Love... Bakit? Ano sabi ni Aya?" tanong ko.

Binaling niya ang tingin sa akin. Galit niyang ibinigay ang cellphone at masama pa ang tingin. Nagtaka naman ako. Akala ko ba, okay na kami?

"Si Aya, tumawag." mabagal niyang sabi. Kapag ganito ang tono niya, halatang nagpipigil siya ng galit.

"Oh, tapos?"

"Sabi niya, gusto ka raw niya."

Nanlaki ang mga mata ko. "Sinabi niya 'yon?!"

Ano naman kaya ang tumakbo sa kokote ni Aya at sinabi 'yon?!

"Oo nga. Tawagan mo pa kung gusto mo." Nilayasan ako ni France at pumunta sa labas.

Tangina, kaya pala galit si France! Napakamot ako sa ulo dahil sa sobrang inis. Parang gago naman kasi, e! Putcha, alam na ngang may girlfriend 'yung tao, oh!

Lumabas ako para puntahan si France. Naabutan ko siya sa dining, kumakain ng Mango Graham. Hindi na nga kumuha ng plato at doon na mismo sa tupperware kumain. Nakakunot pa rin ang noo niya habang nilalantakan iyon.

Umupo ako sa harapan niya. "Huy, sorry na..."

Hindi ko alam kung bakit ako nagsosorry, e wala naman akong kasalanan. Biktima lang din naman ako! Kinausap ko na nga dati si Aya, akala ko naman titigil na. Tapos ngayon, gaganito siya.

Minsan talaga, nakakainis ang pagiging pogi ko. Nakakasira ng relasyon!

Bumuntong hininga siya at ibinaba 'yung tinidor. "Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko, Sinag. I mean, alam ko namang hindi maiiwasan na magkagusto sila sa'yo, pero... Ewan. Naiinis pa din ako,"

Inabot ko ang kamay niya. "Naiintindihan ko. Pero, alam mo namang hindi ko magagawang magloko sa'yo, 'di ba?"

Ni isipin nga 'yon, hindi ko ginagawa, e! Ang tigas naman ng mukha ko para magloko. Hindi naman ako tanga kagaya ng iba na palaging uhaw sa atensyon ng babae.

Maikli siyang ngumiti sa akin. "Alam ko... May tiwala naman ako sa'yo. Doon sa Aya lang wala."

Tumayo ako at lumapit sa kanya para abutin ang kamay niya. "Huwag kang mag-alala, kakausapin ko siya sa Lunes. Hmm?"

Tumango si France sa akin. Umupo ako sa tabi niya at nilapit siya sa mga bisig ko. "Hinding hindi kita ipagpapalit kahit kanino, France. Pangako 'yan."

Pagsapit ng Lunes, naabutan kong nakaupo na si Aya kasama ang mga tropa niya. Sinisiko siya ng mga tropa niya, pero umakto siyang walang napapansin. Patuloy lang siya sa pagbabasa doon sa tablet niya, halatang umiiwas. 

Mabuti naman at alam niya ang kasalanan niya. Umagang-umaga, badtrip tuloy ako.

Umupo si Vic sa tabi ko. "Anong meron? Ba't hindi makatingin si Aya sa'yo?"

"Hayaan mo siya. H'wag na kamo siyang titingin sa akin kahit kailan." mariin kong saad.

Wala akong pakialam kung masama ang ugali ko. Ayoko pa naman sa lahat ay 'yung hindi mapakali si France. Wala na nga akong kinakaibigang babae, at wala naman talaga sa plano ko dahil sapat na sa akin si France.

Glimpse of SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon