Chapter 14

20 0 0
                                    

France

"H-ha?"

Napalunok ako sa tanong ni Sinag. Paano naman niya naisip 'yon? Halata na ba ako? May alam ba siya?

"Hindi ba't tipo mo ang mga katulad ni Jeremy? Bakit hindi mo siya nagustuhan?" pagtataka niya. "Imposible namang wala kang attraction sa kahit kanino. Dalawa lang 'yan, e... Iba ang gusto mo, o si Lord."

Umiwas ako ng tingin. "Ewan. Basta ayokong makasakit ng iba."

I know that what I did was so foolish. There's someone out there who wanted to love me, pero pinili ng puso ko ang taong hindi naman ako makikita more than friends. It sucks a lot, pero I need to endure it. Ito ang pinili ko e.

"Okay..." Bumaba na si Sinag at pumwesto sa higaan niya. Akala ko ay tapos na siyang tanungin ako pero lumingon ulit siya sa akin. "Wala ka ba talagang nagugustuhang iba?"

Pinilit kong tumingin sa mata niya bago umiling. "Wala nga."

"Okay. Sabi mo, e."

Palihim akong suminghap nang talikuran niya ako. Ang hirap naman nito... Mukhang kailangan ko na talagang magmove on.

 I can't be stuck in this situation. Hindi pa naman ako magaling magsinungaling.

Isa pa, hindi ko gusto na may feelings ako kay Sinag habang nagkakamabutihan sila ni Amari. It feels illegal to have feelings for someone who's already owned. Pakiramdam ko, hindi ko nirerespeto ang sarili ko at si Amari. Ayoko ng ganoon.

After ng gabing 'yon, I tried to distance myself at Sinag. Mabuti na lang at nagkaroon siya ng trabaho sa prutasan namin. Umalis kasi ang dati naming tindera, at naghahanap si Nanay ng bago. Narinig iyon ni Sinag kaya tinanong niya si Nanay kung pwedeng siya na lang.

Ayaw pa nga ni Nanay dahil sa September pa mage-eighteen si Sinag, pero sabi nito ay kailangang kailangan daw niya. Wala namang nagawa si Nanay kung hindi ang pumayag dahil alam niya ang sitwasyon ng buhay ni Sinag. Ayaw naman noong isa tumanggap ng tulong.

Simula noon, naging busy na si Sinag sa pagtatrabaho at kay Amari. Ni hindi nga niya napansin na lumalayo na ang loob ko dahil sobrang occupied niya. Hindi ko tuloy alam ang mafefeel ko. I was glad but also hurt at the same time. 

It felt like he was just focusing on me before because he had no one else to give his attention to.

I don't want my thoughts to enter my system kaya  ginugol ko ang oras ko sa pagbabasa. 

Kapag nagsawa ako, sa bukid o sa prutasan ako tumatambay. Buti at tinuturuan na ako ni Tatay ng mga gawain sa bukid. Sinabi ko kasi na gusto kong gumalaw kaya binibigyan na niya ako ng trabaho. Minsan ay ako ang naglilinis ng kubo habang nasa bukid siya. Kung hindi naman, sinasamahan ko siyang magdilig at maglagay ng pataba. Dumadalaw lang ako sa prutasan kapag rest day ni Sinag.

Akala ko ay makakaiwas ako ng matagal sa kanya, pero biglang nagyaya sina Sid na tumambay sa bahay nina Leonel. Magdadalawang linggo na rin pala kaming hindi nagkikita. Miss na raw niya kami.

Sinag

sabay tayo papunta kay Leonel?

Huwag na. Papahatid na lang ako.

Sinag

bakit? ano bang ginagawa mo?

hintayin na kita

Hindi ako nakareply agad. Wala akong maisip na palusot sa kanya. May naiisip ako, pero hindi naman ito makakalusot sa kanya. Bumuntong hininga ako bago nagreply.

Glimpse of SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon