France
"Sure ka na ba rito, Sinag?"
Tumawa siya sa akin at ginulo ang buhok ko. "Oo nga! Bakit ba takot na takot ka? Hindi naman nangangain ng tanga ang panaderya namin."
I scoffed at him. Ang tagal ko na kasing hindi nakakapunta rito sa bahay nila. Grade 8 pa siguro 'yung last? Hindi kasi talaga ako pinapapunta ni Sinag dito dahil sa tito niya. Mas gusto niya na doon na lang kami tumambay sa amin.
Nakatayo ang panaderya nina Sinag sa harap ng bahay nila. Mayroon silang maliit na tindahan na ginawang panaderya ni Tita Emilia. Bata pa lang ako, hilig na ni tita ang magbake. Naalala ko, merienda palagi namin ni Sinag ang mga tinapay na binabaon niya noon. 'Yun din ata ang rason kung bakit ako nahilig sa tinapay.
Maliit lang ang panaderya nina Sinag. Sa harap nakapwesto ang isang malaking glass cabinet na pinaglalagyan nila ng tinapay. Sobrang laki nito kaya ito na rin ang nagsisilbing harang ng tindahan nila. Sa tuktok nito nakasabit ang mga sachet ng kape habang sa tabi nakapwesto ang water dispenser.
Sa loob, naroon ang wall cabinet na pinaglalagyan ng mga palaman na binebenta rin nila. Sa gitna naman nakapwesto ang mesa at upuan ni Tiya Bessie. Ang mga tinapay ay ginagawa nila sa pinaka-likod na bahagi ng tindahan. Maliit lang ito pero sobrang malinis.
Kinuha ni Sinag ang dalawang apron na nakasabit. Kulay pula ang isa habang ang isa naman ay kulay dilaw. Sinuot niya ang kulay pula bago lumapit sa akin. Napakurap ako nang isabit sa akin ni Sinag ang apron bago pumwesto sa likod ko para itali ito.
"Bagay sa'yo. What if ikaw na nga ang gumawa ng tinapay namin?" Biro niya habang nagtatali sa likod ko.
"Hindi ko kayang gumising ng maaga katulad mo." saad ko. Four pa lang ng umaga, gising na si Sinag para gumawa ng tinapay. Nananaginip pa ako ng mga oras na 'yon.
Naghugas muna kami ng kamay bago nagsimula. Pinaghalo namin ang dry at wet ingredients sa magkahiwalay na bowl bago ito pinagsama sa mixer. Nang maging dough ito ay nilapag na ito ni Sinag sa lamesa na may harina.
"Halika, Turuan kita magmasa ng tinapay."
Lumapit ako ng kaunti kay Sinag para makita ko ang ginagawa niya. "Paano?"
"Ganito, oh."
Pinakita ni Sinag sa akin ang paraan niya ng pagmamasa ng tinapay. Una ay binilog niya ito bago tinuon ang dulo ng palad niya sa tinapay. Pauli-ulit niyang ginawa 'yon. Pinanood ko siya habang ginagaya ko rin ang pagmamasa niya.
"Bakit ganoon? Iba ang itsura ng iyo sa akin." pagtataka ko. Ginaya ko lang naman ang ginawa niya, ah? Wala naman akong ibang ginawa.
Sinipat ni Sinag ang dough ko. "Kulang yata 'yung pressure mo."
Tumingin ako sa gawa ko. Sabagay... Mas malakas kasi sa akin si Sinag. Panigurado, mas malakas rin ang pressure niya.
Pressured na ako sa lahat ng bagay, hindi pa ba sapat 'yon?
Nagulat ako nang pumwesto si Sinag sa likod ko at pinatong ang kamay niya sa ilalim ng kamay ko. Bigla akong nakaramdan ng kuryente sa buong katawan nang maramdaman ang kamay niya sa akin. Agad akong nanigas, hindi alam kung paano kikilos.
"Huwag kang matakot na gamitin ang body pressure mo, France." pagtuturo niya sa akin.
"O-okay..."
Nauutal ako dahil ramdam ko ang hininga ni Sinag sa batok ko. Nanghihina ako na ewan. Hindi naman bago sa amin ang maging malapit sa isa't isa, but something about our position right now makes my limbs weak. Isa pa, ang lambing ng boses niya sa tenga ko habang tinuturuan niya ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/331289761-288-k452235.jpg)
BINABASA MO ANG
Glimpse of Sunrise
Storie d'amoreSunrise means new beginnings for Francesca Eleanor De Jesus and Simeon Nathaniel Gale Natividad who grew up watching the sunrise together. Both of them believed that as long as the sun rises, there's nothing they couldn't overcome.