Sinag
"Huy, Vic!" Agad kong hinabol si Vic pagkatapos ng klase namin. "Ano? Ayos ka na ba? Kamusta?"
Nagpatuloy siya sa paglalakad, hindi ako kinikibo. Sinundan ko lang siya hanggang sa makaabot kami sa may kiosk ng CEMDS. Hinawakan ko ang braso niya upang patigilin siya.
"Huy! Ano bang nangyayari sa'yo?" Hinihingal kong tanong.
Hindi siya makatingin sa akin. "Wala, tol..."
Tinignan ko ang katawan niya kung may mga pasa siya. Wala naman masyado. May mga maliliit lang siyang sugat sa kamao at binti. Saan kaya nagsuot 'to? Tangina, pinag-alala ako ng sobra!
"Okay ka lang ba, ha?" pagtatanong ko pa. Alam ko ang kulit ko na pero wala akong pakialam.
"Okay lang ako, pre," malumanay niyang sagot.
"Hindi... Halika, mag-usap muna tayo." sabi ko at hinila siya papunta sa isang bakanteng kiosk.
Mabuti na lang at wala na masyadong tao sa ESU ngayon. Makakapag-usap kaming dalawa ng maayos. Alas kwatro na rin kasi. Karamihan ng mga klase ay tapos na. May mga kaunti na ongoing pa rin, pero mamaya pa siguro ang labas nila.
"Hindi ka ba busy?" tanong niya sa akin pagka-upo.
Nilagay ko ang backpack ko sa mesa. "Busy, pero ayos lang." Umupo ako sa tabi ni Vic at hinarap siya. "Ano bang problema? Pwede mong sabihin sa akin lahat. Alam kong madalas akong barumbado, pero kaya ko namang magtino."
Nakita kong ngumiti siya ng bahagya. "Siraulo,"
"So... Ano nga?"
Hindi siya nakasagot agad. Nakatungo lang si Vic at pinaglalaruan ang mga daliri niya.
"Nalaman kong nagloko si Tatay..." mahina niyang sabi.
Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko naman inakala na ganoong kabigat ang dinadala niya. Nakita ko na rin dati ang tatay niya. Mukha namang hindi manloloko, kaya hindi ko inexpect na marunong siya manggago.
Nakita kong bumagsak ang mga luha niya sa polo. Agad niya itong pinunasan gamit ang likod ng palad niya. "Hindi ko alam ang gagawin ko, e... Nakikita ko 'yung nanay ko, umiiyak. Ang sakit, pre... Umalis ako kasi hindi ko na kinakaya 'yung sitwasyon sa bahay. Lagi na lang may nag-aaway, lagi na lang may umiiyak. Napapagod na ako..."
Marahan kong hinaplos ang likod niya. Wala akong sinabi na kahit ano. Hinayaan ko lang siyang magkwento hanggang sa gumaan ang pakiramdam niya.
Habang nagkwekwento siya, hindi ko maiwasang ma-guilty bigla. May mga ganito palang nangyayari kay Vic, hindi ko man lang alam. Tangina, halos araw-araw ko siyang kasama tapos hindi ko man lang namalayan na problemado na siya?
Anong klase akong kaibigan? Dapat napansin ko agad, e... Para nacomfort ko siya agad. Para hindi na siya umalis.
Binigyan ko si Vic ng tubig at panyo pagkatapos niyang magkwento. Wala pa rin akong sinabi pagkatapos. "Salamat, Sinag..." sabi niya habang nagpupunas ng mukha.
Tumango lang ako. "Wala 'yon, pre."
Saglit kaming natahimik na dalawa. Maya-maya, binaling ko ulit ang tingin sa gawi niya. "Siya nga pala, gusto mo pumunta mamaya kina France? Para makita ka rin nila. Gago, miss na miss ka na noong mga 'yon!"
"Nakita ko na sila."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Nagkita na sila? "Huh? Kailan?"
Baka kaninang umaga. Late na rin kasi dumating si Vic. Kaso, naalala kong hapon pa ang klase nina France. Paano sila nagkita?
BINABASA MO ANG
Glimpse of Sunrise
Storie d'amoreSunrise means new beginnings for Francesca Eleanor De Jesus and Simeon Nathaniel Gale Natividad who grew up watching the sunrise together. Both of them believed that as long as the sun rises, there's nothing they couldn't overcome.