France
"Bakasyon na! Saan tayo, mga bossing?"
"My parents knew someone in a mental health facility. I got their contact number yesterday. Do you want to volunteer with me?" tanong sa akin ni Leonel. Hindi niya talaga pinansin ang tanong ni Vic.
Napaisip ako sandali. "Pwede naman, pero pwedeng after qualifying exam na? Hindi ko yata kayang pagsabayin 'yong dalawa."
"Sure, Sabihan mo lang ako."
"Luh? May sarili kayong plano? Paano naman kami?!" Inakbayan pa ni Vic si Sid na abala kumain. Ayun, nasamid tuloy.
"Pumirmi ka," seryosong sabi ni Leonel.
"Boring," Vic scorned.
Katatapos lang ng finals namin kahapon kaya naisipan naming tumambay sa bukid ngayon para magcelebrate. Hindi na namin nagawang magkita-kita kahapon dahil sobrang napagod kami sa mga nangyari noong nakaraang buwan.
Wala si Sinag dahil nasa prutasan pa siya. Sabi naman niya, susunod daw siya maya-maya. Kaya heto, kami lang apat ang magkakasamang kumain sa labas ng kubo. Iyong dalawa, ang ingay-ingay pa. Panay ang asaran nila.
"Bilis ng first year, ano? Parang hindi man lang ako pinagpawisan." mayabang na sabi ni Sid.
"Weh? Ang asim mo nga, e." pang-aasar ni Vic.
"Mukha mo, maasim," ganti ni Sid. "Mukha ka ngang binilad na kamias!"
Nagbangayan na 'yung dalawa, habang kami ni Leonel ay tahimik lang na inuubos ang pagkain namin. Namimiss ko na si Sinag. Buong linggo ko siyang hindi nakita, e...
"Knock, knock. Ma'am, Sir, ito na po ang prutas niyo."
Lumingon ako sa likod ko. Agad kong niyapos si Sinag nang makita siya. Ni hindi ko na nga hinintay na maka-upo siya.
"Oh! Wait lang," natatawa niyang sabi at nilapag ang prutas sa mesa. "Miss mo ko, baby?"
Tumango ako. Sina Sid naman, nagpanggap na nasusuka. "Pwede doon kayo sa loob? Bagong kain kami, oh!" reklamo ni Vic.
Kumuha si Sinag ng orange at binato ito kay Vic. "Ayan, kainin mo. Nang tumamis naman buhay mo."
Bumitaw na ako para naman makaupo siya sa tabi ko. "Anong kinain niyo?" tanong niya.
"Inihaw na manok lang tsaka ensaladang gulay." tugon ko.
"Sarap, ah. Nabusog ka naman?" malambing na tanong ni Sinag. Umo-o naman ako bago nilingkis ang braso ko sa kanya.
"Doon na ako sa loob," Tumayo na si Leonel at pumasok sa loob.
Sinundan naman siya nina Vic. "Tara na, Sid. Nauuta na ako sa dalawang 'to." pag-aaya nito.
"Oo nga. Mga wala man lang respeto sa single." Pinasadahan niya kami ng nakakadiring tingin bago tinangay 'yung plastic ng prutas.
"Hoy! Pahingi kami!" sigaw ni Sinag.
Sumigaw si Sid mula sa loob. "Huwag na! Masyado na kayong matamis! Baka tumaas sugar niyo!"
Tumawa lang ako habang inismiran naman sila ni Sinag, "Mga bitter, amputa."
Ginugol ko ang unang buwan ko ng bakasyon sa pagrereview para sa Qualifying Exam. Ginaganap ito every year para sa mga first year upang alamin kung may natutunan sila sa unang taon nila sa program.
Mahalaga ang exam na ito dahil ito ang batayan kung mananatili ka pa sa program ng ESU. Kapag bumagsak kami, dalawa lang ang pwede naming pagpilian:lumipat ng ibang program sa ESU, o lumipat ng ibang school para ipagpatuloy ang psychology.
BINABASA MO ANG
Glimpse of Sunrise
RomanceSunrise means new beginnings for Francesca Eleanor De Jesus and Simeon Nathaniel Gale Natividad who grew up watching the sunrise together. Both of them believed that as long as the sun rises, there's nothing they couldn't overcome.