Sinag
"It's beautiful, mahal..."
Sumikat na ang araw, pero narito pa rin kami ni France sa duyan. Nakaupo kaming dalawa, ang ulo niya ay nakahilig sa dibdib ko. Parehas namin pinagmamasdan ang singsing sa kamay niya. Bagay na bagay sa kanya ang singsing, kaya labis akong natutuwa.
"Kailan mo 'to binili?" tanong niya sa akin.
"Paris," tugon ko.
Binili ko ang singsing noong araw na nagkabati kami. Hindi niya napansin dahil busy siya sa cellphone niya. Ewan ko nga rin kung bakit ko binili 'yon. Hindi naman ako sigurado kung magkakabalikan pa kami.
I guess, something ignited within me during that time, urging me to buy that ring. Isang taon kong tinago ang singsing, naghihintay ng tamang pagkakataon na ilabas siya sa drawer ko. Hindi ko nga alam kung mailalabas ko pa, e... But I kept being hopeful that someday, I can wear it for her.
Ang finally, it happened. I began my year with her as my fiance.
Nang masilaw kami sa sinag ng araw ay pumasok na kami sa loob ng bahay nila. Sakto, gising na sina Tita at Tito. Inihayag namin sa kanila ang mabuting balita. Ayun, halos tumalon ang dalawa sa tuwa.
"Anak!" Niyakap ako ng mahigpit ni Tito Fernando. "Sa wakas, anak na kita!"
Ginantihan ko ng yakap si Tito-mali.... Si Tatay pala. "Totoo na 'to, tay!" Masaya kong sabi at tumalon talon rin.
Nakita kong tinitignan ni Tita ang kamay ni France, halos maluha habang pinaglalandas ang daliri niya sa singsing. "Anak... ang ganda naman nito."
Tumingin si France sa akin at ngumiti. "Alam mo na kung kanino ka dapat magpasalamat, Nay."
Binaling ni Tita ang tingin sa akin. Lumapit siya at niyakap rin ako. "Salamat, anak..." Umiiyak niyang sabi. "Salamat at hinintay mo ang anak ko."
Alam ko na naguguilty pa rin siya paminsan-minsan dahil sa ipinakiusap niya rati, pero matagal ko na ring sinabi sa kanya na ayos lang 'yon.Kahit naman hindi nila sabihin, iyon pa rin ang magiging desisyon ko. "Salamat din po, Nay... Dahil tinanggap niyo ako."
Umiling siya at pinahid ang mga luha niya. "Hindi mo kailangang ipagpasalamat 'yon, Sinag. Sobrang maliit na bagay lang 'yon."
"Hindi po..." Tumulo na rin ang luha ko. Natatawa akong pinunasan 'yon dahil hindi ko inakalang luluha ako ngayon. "Salamat po. Dahil sa presenya niyo... kahit papaano ay naramdaman ko pong may magulang ako."
Mas lumakas ang iyak ni Nanay kaya dinalo namin siyang tatlo nina France. Nakatikom ang bibig naming tatlo, natatawa dahil hindi namin inakala na ganito ang kahihinatnan ng balita namin.
Nang kumalma si Nanay ay nagsimula na kaming kumain. Throughout the whole meal, tanong lang sila ng tanong tungkol sa plano namin sa kasal. Sa sobrang excited, nakalimutan ata nilang wala pa kaming napag-uusapan ni France.
Dahil kinailangan na rin naming bumalik sa Maynila bukas, biglaan naming ipinatawag ang buong tropa sa bukid. Doon namin sinabi na ikakasal na kami.
"Oh my gosh! This is... beautiful!" Kira exclaimed while looking at France's hand. "Choose me as your designer, please! May idea na agad ako sa wedding gown mo!"
"Okay... Sige," natatawang sagot ni France. Niyakap siya ni Kira dahil sa sobrang tuwa.
"Are they getting married, Mommy?" tanong ni Renee, anak nina Kira. Nakatingala siya habang may hawak na laruan.
"Yes, baby." Kinarga ni Kira ang anak niya. "Congratulate them, dali!"
"Congrats, Tito and Tita!" Masayang sabi ni Renee. "I'll be the flower girl, ha!"
BINABASA MO ANG
Glimpse of Sunrise
RomanceSunrise means new beginnings for Francesca Eleanor De Jesus and Simeon Nathaniel Gale Natividad who grew up watching the sunrise together. Both of them believed that as long as the sun rises, there's nothing they couldn't overcome.