Chapter 9

25 1 0
                                    

France

"Happy Valentines, France! Ito ang regalo ko sa'yo. Tinapay!"

Ngumiti ako at tinanggap ang brown na paper bag na inabot sa akin ni Sinag. Talagang sineryoso niya ang pagbibigay sa akin sa Valentines, ha? Sinilip ko 'yung laman noong paper bag, "Pan de regla?"

"Kalihim, France! Anong pan de regla?" Ismid niya bago umupo. Natatawa naman akong tumabi sa kanya. Ayaw niya talaga na 'yon ang tinatawag ko roon sa tinapay.

Hindi ko rin alam kung bakit iyon ang tinawag ko sa tinapay. Nakita ko lang siya somewhere na ;yon ang tawag tapos iyon na ang tumatak sa akin.


"Valentines ngayon. May ka-date ka ba, Sinag?" tanong ni Tatay sa kanya.

"Opo, si France."

Siniko ko siya. Anong ako? "Hindi ba si Ericka?" pagtataka ko.

Si Ericka ang bago niyang kalandian ngayon. Hindi ko alam kung paano sila nagkakilala. Baka dahil sa tropa nila. Close kasi ang tropa ni Ericka at Sinag kaya baka nireto sila sa isa't isa. Dalawang linggo na silang naglalandian kung hindi ako nagkakamali.

"Sino si Ericka?" tanong naman ni Nanay habang sinusuklayan ang buhok ko.

"MU ko lang po, Tita." sagot ni Sinag.

"MU? Ano 'yon?"

Ako ang sumagot para kay Sinag. "Parang kayo po pero hindi kayo, Nay."

Pati si Tatay, naguluhan sa sinabi ko. Nagkatinginan sila ni Nanay. "Huh? Ano daw? Kayo na hindi?"

"Hindi ko rin maintindihan ang mga terms ng kabataan ngayon. Sobrang komplikado ng henerasyon niyo!" sambit ni Nanay.

Hindi na kami kumibo ni Sinag. Wala rin namang maidudulot kung ipapaliwanag namin ang M.U. Kahit nga ako, naguguluhan. Bakit kaya napayag ang mga tao sa walang label? Kung umaakto rin naman silang mag-jowa, bakit hindi na lang nila totohanin?

Maaga kaming natapos ni Sinag mag-ayos dahil nagpatulong pa siya sa akin sa regalo niya para kay Ericka. Nagbake siya ng cupcake para dito. Dahil mas creative ako sa aming dalawa, ako ang nag-ayos noong box. Nilagyan ko ito ng pulang ribbon at dinikitan ko ng kaunting designs para hindi naman plain tignan.

"Ayos na ba 'to?" tanong ko kay Sinag na nakahiga sa kama ko.

"Tingin," Tinaas niya ng bahagya ang ulo niya para makita ang box na nasa mesa ko, "Ganda! Thank you, France!"

Pagdating namin sa school, bumungad sa amin ang mga nagbebenta ng mga bulaklak at lobo. Ang mga lalaki sa amin ay nagpapalakihan ng mga bouquet. 'Yung iba ay may dala pang mga lobo at paper bag.

Halos lahat sila, may dala. Kahit 'yung mga lalaking hindi kayang bumili ng ballpen at papel, mayroon.

"May date ka ba mamaya? Kung meron, papasundo na lang ako kay Tatay," sambit ko habang naglalakad kami.

"Meron," sagot niya. "Hindi ko alam kung anong oras kami matatapos kaya mauna ka na umuwi. Baka mainip ka kapag hinintay mo ako, e."

Tumango ako. Naghiwalay kami ng daan ni Sinag ng marating namin ang building ko. Hindi niya na ako hinahatid sa room pagkatapos kong makiusap na huwag nang gawin 'yon. Nai-issue kasi kami at hindi ko 'yon gusto.

Pagpasok ko ng classroom, bumungad sa akin ang upuan ko na may laman ng chocolates at bulaklak. Nagtataka akong tumingin kina Hyacinth.

"Si Jeremy ang nag-iwan niyan. Nakita ko siya noong pumasok ako ng room."

Hindi ko kilala si Jeremy kaya tinanong ko sila kung sino 'yon. "Transferee sa HUMSS 2. Classmate 'yan ni Sid at Leonel. Ask mo na lang sila." sagot ni Shania.

Glimpse of SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon