Chapter 1

86 1 2
                                        

France

"Huy, France!"

Tinigil ko ang pagkukulay ko sa activity namin sa Personal Development para lumingon kay Shania at Hyacinth. Parehas itong may hawak na turon at C2. Hindi na ako nagulat na may dala silang pagkain kahit ang paalam nila sa president namin ay magc-cr lang sila. Buti na lang at wala ang teacher namin dahil may meeting. Kung hindi, patay silang dalawa.

"Bakit?" tanong ko.

Umupo si Hyacinth sa tabi ko habang si Shania ay bumalik sa upuan niya sa likod ko. Kapag wala kaming teacher, palaging tumatabi sa'kin si Hyacinth. S'ya lang kasi ang napa-hiwalay. Parehas kami ni Shania na naka-upo sa gitna habang si Hyacinth ay malapit sa likod na pintuan ng room namin. Hindi naman umaangal ang katabi ko dahil palagi din siyang umaalis para puntahan ang tropa niya sa likod.

"May nakuha akong chismis sa tropa ko sa kabilang section. Nasa D.O daw ulit si Sinag." sambit ni Hyacinth bagp kumagat sa turon niya.

Bumuntong hininga ako. Midterms na ng second sem at pangatlong beses nang napapatawag si Sinag sa disciplinary office. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko roon sa lalaking 'yon.

"Bakit na naman daw?" pagod kong tanong.

"Ang kwento sa'kin, nagka-pikunan daw si Darren at Lloyd. Hindi naman daw sumali sa suntukan si Sinag. Tinuro lang daw siya ni Lloyd." kwento n'ya.

Napasapo ako sa noo ko. Nadamay na naman.

Masama ang loob kong ipinagpatuloy ang pagkukulay ko. Mamaya ko na poproblemahin si Sinag. After class ay ipapasa na ng president namin ang activity namin sa PerDev. May General Math pa kami mamaya as last subject kaya gahol na ako sa oras.

Nagkwekwentuhan si Hyacinth at Shania nang tumunog ang cellphone ko. Agad kong nakita ang message ni Sinag. Hindi ko ito binuksan at bagkus ay pinatay ko ito. Masama pa ang loob ko sa kanya, baka ano pa ang masabi ko.

Natapos ko ang activity ko bago mag-Philosophy. Buti na lang dahil nagpa-activity din ang teacher namin. Kung hindi ako agad natapos, paniguradong maiiwan ako sa klase. Malalate ako sa practice ko.

Agad kong inayos ang gamit ko matapos kaming i-dismiss ng adviser namin. May practice pa ako ng cultural dance para sa family day ng school sa Sabado. Magpa-practice kami hanggang 6pm.

"Huy." kulbit sa'kin ni Shania. "Nandyan na bestfriend mo." pagturo niya sa pinto.

Lumingon ako sa pintuan namin. Nandoon nga si Sinag, nakatayo at hinihintay ako. Nakapamulsa ito habang nakasabit sa kaliwang balikat niya ang backpack niyang wala namang laman. Bukas ang polo shirt niya kaya kita ang sandong suot niya. Kung titignan mo sa malayo, mukha talagang maangas at mayabang si Sinag.

Kaya nadadamay, e. Mukha kasing basagulero.

Nagtama ang mga mata namin. Nakita kong ngumiti siya nang bahagya. Alam kong alam niya na badtrip ako sa kanya. Umiwas na lang ako ng tingin at ipinasok ang mga gamit ko sa bag.

"Ako na diyan," Kinuha niya mula sa'kin ang backpack at tatlo kong libro.

"Bawal ka pumasok dito." malamig kong sabi. Mamaya, bumalik ang adviser namin. Mareklamo pa siyang tresspassing. Mas dumami pa ang kaso niya dahil sa akin. 

"Sorry na,"

Hindi ko siya kinibo. Nagpaalam na ako kay Shania at Hyacinth. Cleaners si Hyacinth habang hinihintay ni Shania ang boyfriend niya na tropa din ni Sinag. Lumabas na kami ng classroom dahil baka mahuli s'ya ng adviser namin.

Sakto, nakasalubong namin sina Sid sa corridor. Parehas kami nina Leonel ng building dahil HUMSS ang kinuha naming tatlo. Si Sinag at Vic lang ang nahiwalay dahil ABM. Sabay yata sila pumunta sa building namin dahil kasama na ni Vic sina Leonel.

Glimpse of SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon