France
"Para ka namang sira, e!"
Galit kong hinampas ang braso niya. Pikon na pikon na talaga ako sa lalaking 'to! Akala ko naman, seryoso na siya. Iyon pala ay aasarin lang ako.
Tuwang-tuwa naman siya sa kalokohan niya. His annoying laugh resonated around the bedroom, making me infuriate more. Sana talaga, sumakit ang tiyan niya. Nakakainis, e.
"I mean... It's not bad, right?" Pa-inosente niyang sabi. Akala mo, nakatulong sa mundo ang naisip niya. "Hindi ka na lugi doon. Gwapo pa ang asawa mo."
Inirapan ko siya. Ang kapal ng mukha niya, grabe! Though, totoo naman... Bukod sa gwapo siya, hindi ka talaga lugi kapag siya ang naging asawa mo. Lahat ng hihilingin ng isang babae, nasa kanya na. Gwapo, marunong magluto, mayaman, at maalaga.
Only a foolish woman wouldn't want that.
Pero syempre, hindi ko sasabihin sa kanya 'yon. I know him. Isa't kalahating hambog rin ang lalaking 'to. Aasarin niya ako kapag sinakyan ko ang trip niya.
Kung ako ang tatanungin, okay lang sa akin, e. Marrying him isn't a bad idea for me. Ang tanong, okay ba sa kanya? Halata namang hindi siya seryoso at ginagawa lang niya 'yon para asarin ako. Mas lalo tuloy akong napikon sa kanya.
Mukhang napansin niya na pikon na ako kaya tumigil na siya at tumikhim. Mabuti naman! Magbiro pa siya ng isa, papatulan ko na siya.
"Sige na, 18k. Deal or deal na 'yan," pagsuko ni Sinag.
Tumango ako. Nawala na ang kunot sa noo ko. "Isesend ko na lang 'yung bayad sa'yo mamaya. Kung may contract of lease ka, ibigay mo na lang rin sa akin." sabi ko.
"Marriage contract, pwede ba 'yon?"
"Isa," pananakot ko sa kanya. Ang pangit talaga ng mga biro niya, nakakainis.
"Joke lang! Sige, magreready ako ng isa." reply niya sa akin, hindi pa rin nawawala ang mga ngisi niya sa labi.
"Sige na, tsupi na." Tinulak ko na siya palabas ng kwarto. "Tutulog muna ako. Napagod ako sa'yo, e."
"Oks. goodnight, roommate!" Sumaludo pa sa akin si loko bago ko siya pinagsarahan ng pinto.
Napabuntong hininga na lang ako habang nakatayo sa likod ng pinto. Dapat na ba akong magback out? Hindi pa naman ako nakakapirma ng kontrata, e... Mukhang makokonsume lang ako dito kay Sinag.
"Good morning,"
Sinag greeted me with a sight of him cooking. He's already dressed up, wearing a navy blue suit and trousers with white dress shirt and maroon necktie underneath. His manly and spicy scent enveloped the whole room, easily penetrating my nose.
Mabuti na lang rin at bihis na ako nang lumabas ako ng kwarto. Nakakahiya pala kung nakapajamas lang ako tapos tatabi ako sa kanya. Magmumukha akong ewan.
"Good morning." Paglapit ko sa dining, nakita kong naka-set up na ang mga plato at kubyertos. May nakahanda na ring kanin, pandesal at ulam. Hotdog, tocino, itlog, at corned beef ang niluto niya.
"Ang dami mo namang niluto na ulam," saad ko nang maka-upo ako.
Nasanay kasi ako na isa o dalawa lang ang ulam ko parati. Ako lang rin naman kasi ang kakain, Hindi rin ako nasanay na umuulit palagi ng ulam. Masasayang lang sila sa akin.
"Sinipag, e." Pumunta siya sa dining na may hawak na dalawang mug ng kape. Inabot niya sa akin ang isa bago umupo sa harap ko. " Tsaka hindi ko alam kung anong trip mong kainin."
"Kahi ano naman, kinakain ko." sagot ko bago sumubo ng pagkain.
I tilted my head to side when I tasted the corned beef. Ibang-iba ang lasa at texture nito sa binibili ko. For sure, imported ito. Hindi ko alam kung gusto ko ba siya o hindi dahil medyo kakaiba talaga ang lasa niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Glimpse of Sunrise
RomanceSunrise means new beginnings for Francesca Eleanor De Jesus and Simeon Nathaniel Gale Natividad who grew up watching the sunrise together. Both of them believed that as long as the sun rises, there's nothing they couldn't overcome.