Chapter 31

22 1 0
                                        

France

"France, gising na."

Umatungol ako bago tinalikuran si Nanay. Ang bigat-bigat ng katawan at pakiramdam ko, hindi ko alam kung bakit. Parang ayokong tumayo at pumasok ngayon.

"Ay, France... Gising na! Mahuhuli ka na sa klase mo!"

"Opo..." Tamad na tamad akong bumangon. Nakatulala pa ako sa kawalan, iniisip kung papasok ba ako ngayong araw. Parang hindi ko yata kayang pumasok. Pagod na pagod ang katawan ko.

Last month na ng school year kaya ang dami naming ginagawa. Ito na nga yata ang pinaka-busy kong final term dahil sa dami ng papel na kailangan naming tapusin. Bukod pa roon, tinutulungan ko pa si Sinag sa mga activity niya dahil abala rin siya sa pag-aasikaso kay Thunder at sa pagtatrabaho.

Kung ipagkukumpara ang sitwasyon naming dalawa, hindi hamak na mas mahirap 'yung kanya. Kaya hangga't maaari, tinutulungan ko s'ya sa paraang kaya ko. Kahit na nahihirapan na rin ako sa program ko.

Walang gana akong kumain at nag-ayos. Mabuti na lang at uniform kami ngayong araw. Hindi ko na kailangan pang isipin ang susuotin ko. Dahil busy si Sinag, si Tatay muna ang naghahatid sa akin papunta sa ESU.

"Lahat ba, inaral 'yung sinend ko?" tanong ko sa mga ka-grupo ko.

Ngayon ang final exam namin sa Biochem Lab. Experiment ang exam namin, kung saan huhulaan namin ang unknown substance by performing different tests.

"May sinend ka bang reviewer?" tanong ni Grace sa akin.

Pigil na pigil akong umirap. "Oo. Sinend ko last week pa." seryoso kong sabi.

"Sige, check ko na lang." Bumulong siya sa kagrupo namin, hinihingi yata 'yung file. Hindi ko na lang siya pinansin para hindi ako mabadtrip.

A few minutes later, the final exam began. We have two hours to identify the three substances. Kapag sumobra kami sa oras, minus points.

The procedure went well, at first. Si Grace ang pinaglilinis ko ng test tubes dahil siya lang ang hindi nag-aral sa amin. Ako at ang isa kong kaklase ang nag-iidentify ng substance na may carbohydrates, while 'yung iba ay sa proteins. We identified the first substance easily.

Kaso, bigla kaming nagkagulo sa third substance nang sabihin ni Sir na hindi kami gagamit ng Bial's test. Ibig sabihin, mali ang pagkakabilog namin sa flow chart. Kagat ko ang ibabang labi ko habang tinititigan ang papel namin. I was close to giving up dahil thirty minutes na lang ang natitira.

"Wait... Sino ang nagtapon noong negative na benedict test?" tanong ko.

Tinaas ni Grace ang kamay niya. "Ako. Akala ko kasi, positive lang ang kukunin natin."

I bit the inside of my cheek to calm myself. "Gagamitin natin 'yon, Grace..." mabagal kong sabi.

Kaya pala gulong-gulo kami! Nagpositive kami sa Iodine, e. Tae, uulit tuloy kami doon sa Benedict's.

"Sorry." Grace apologized half-heartedly. Ngumuso pa siya na parang bata.

I decided to ignore her and proceed on finishing our second and third substance. Nagkamali rin kasi iyong iba kong ka-grupo. Nalito rin sila, kagaya ko.

"Last five minutes!"

I felt my heart racing while waiting for the test tube to react. Tapos na kami sa last substance. Iyong protein na lang hinihintay namin.

Tumingin ako sa relo ko bago sa papel namin. May isa pa kaming gagawin na test. Hindi kami aabot.

I sighed in defeat while waiting. It's impossible for us to get the perfect score. Grupo na lang namin ang hindi tapos. Ang iba ay tapos nang maglinis at kami na lang ang hinihintay. Lahat sila nakatingin sa amin. Nabablangko na ang utak ako.

Glimpse of SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon