Sinag
"Tomorrow, we'll have a Wealth Management Training. Please don't be late, everyone."
Tumango kaming lahat bago inayos ang mga gamit namin. Tumayo na ako at kinuha ang mga gamit ko. Paglabas ko ng conference room, inakbayan ako ni Vic.
"Pasado best friend mo, ah? Binati mo ba?" tanong niya.
"Secret." sagot ko at iniwan siya para pumunta sa cubicle ko.
Syempre binati ko siya. Kahit naman hindi na kami katulad ng dati, hindi nawala ang suporta ko kay France. Kung pwede nga lang, sinamahan ko na siyang magreview, e...
Noong mga panahong tahimik siya at walang kinikibo dahil nagrereview siya, sa totoo lang ay kinakabahan ako. Kilala ko 'yon. Basta nag-aaral, nakakalimot na. Kung hindi mo pa ipapaalalang kumain, hindi talaga kakain.
Pero syempre, wala naman akong magagawa kung hindi manalangin na lang parati. Hindi ako makadiyos na tao, pero napapadasal ako para lang mapanatag ang loob ko na may nagbabantay kay France.
"Weh? Binati mo, ano! Rupok mo, sis!" Tinulak ni Vic ang balikat ko.
Sinaaman ko siya ng tingin. "Para kang gago."
"Ayaw mo balikan? Malay mo naman..."
Umiling ako at sinukbit ang bag sa balikat ko. Tinapik ko siya para magpaalam. "Alis na ako."
Habang papalabas ako ng building, nagiisip-isip ako. Hanggang ngayon, alam kong mahal ko pa rin si France. Hindi naman nawala 'yon. Kahit dalawang taon at mahigit na kaming hiwalay, alam kong siya pa rin. Kung dati, kaya kong magpalit agad ng babae... ngayon ay hindi na. Para sa akin, bukod tangi si France sa lahat.
Pero kahit mahal ko siya, ayokong bumalik muna. Wala pa akong napapatunayan, e... Ayokong balikan siya na alam kong hindi ko pa kayang ibigay ang lahat. Mamaya, maulit na naman 'yung nangyari noon. Masaktan ko na naman siya.
Mas okay nang ganito kami sa ngayon. Nagkikita pero hindi nagpapansinan. Masakit, oo, pero mas okay na 'to kaysa hindi ko siya nakikita. Mas hindi ko kaya 'yon.
Kinabukasan, umattend ako ng training namin. Once a week ay may ginaganap na ganito sa company namin. Minsan nga, twice a week pa. Ayos lang naman dahil mas marami akong natututunan pagdating sa pera. Nakakaantok lang minsan lalo kapag sobrang mahinahon 'yung speaker. Ayoko kasi ng ganoon. Para akong hinehele.
Tungkol sa wealth management ang training namin kaya interesado ako. Habang nakikinig, iniisip kong may isang bilyong piso ako. Inaalam ko kung paano ko siya imamanage at palalakihin lalo.
Tahimik lang akong nakikinig doon sa speaker nang makita ko si Vic, pahikab-hikab na.
"Bobo, huwag kang matulog." Bulong ko kay Vic. "Hindi na uubra mga style mo noong high school."
Pinilit niyang buksan ang mga mata niya. Sinampal-sampal pa niya ang sarili niya. Parang tanga, amp. Kung ako ang pinasasampal niya, buong magdamag siyang gising.
"Alam mo, may iniisip ako." sabi sa akin ni Vic habang nakain kami sa malapit na fast food.
"Himala, nag-iisip ka pala," pang-aasar ko.
Inirapan lang niya ako bago magpatuloy. "Pakyu! Pero seryoso, nakikita mo ba ang sarili mo na magtatrabaho sa kumpanya ng mahabang panahon?"
Kinibit ko ang balikat ko, "Ewan. Wala akong oras para isipin 'yan. Madami akong bayarin."
Tapos na ang mga utang ko pero ang responsibilidad ko, nagsisimula pa lang. Ako lang ang inaasahan ng pamilya ko. Ako ang nagbabayad ng mga bills at pangangailangan namin sa bahay, dahil ako lang naman ang may trabaho sa amin.
BINABASA MO ANG
Glimpse of Sunrise
RomanceSunrise means new beginnings for Francesca Eleanor De Jesus and Simeon Nathaniel Gale Natividad who grew up watching the sunrise together. Both of them believed that as long as the sun rises, there's nothing they couldn't overcome.