France
"Sobrang ganda naman ng princess namin!"
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Suot ko ang pink na filipiniana cocktail dress na ni-rent namin ni Nanay. Naka-style ng classic bun ang buhok ko bago nilagyan ng accessory. Dahil malabo ang mata ko, sinuotan ako noong nagmake-up sa akin ng contact lens para hindi ko na kailangang magsalamin.
I can't even recognize myself. After a long time, ngayon ko lang inalis ang eyeglasses ko nang matagal. The contact lens are uncomfortable for me, pero wala akong choice. Ayaw ni Nanay na isuot ko 'yon.
"Kailan ba darating ang date mo, France? Baka malate kayo." saad ni Tatay.
Kahapon ay sinabi ko na may date ako sa prom. Syempre, nagulat sila. Akala nila ay isa sa tropa namin ni Sinag ang date ko pero sinabi ko na iba. Akala ko ay magagalit sila pero hindi naman. Curious lang sila kung sino 'yon.
"Sure kang mabait ang date mo, ha?" tanong ni Nanay habang inaayos ang dress ko. Tuwid na naman ito at malinis. Hindi ko maintindihan kung ano pa ang pinapagpag ni Nanay.
"Opo, Nay. Mabait po si Jeremy."
"Pogi ba?"
Umismid ako. "Ma naman..."
Wala naman akong mapupuna sa itsura ni Jeremy. Honestly, he's a good looking guy. Pero, syempre... nakakahiya pa rin.
Umayos siya ng tayo at sinipat ulit ang buong itsura ko. "Bakit? Hindi pwedeng mabait lang! Dapat pogi rin!"
Hindi na lang ako sumagot. Masyado akong kinakabahan para makipag-away sa kanya. First time ko kasing magpoprom.
"Si Sinag? Dito ba didiretso?" tanong ni Nanay. Tinabihan niya sa sofa si Tatay na umiinom ng kape ngayon habang nagcecellphone.
"Oo. Ako ang maghahatid sa kanilang dalawa noong date niya."
Dahil may kotse naman si Jeremy, hindi na ako kailangang ihatid ni Tatay sa school. Nagprisenta na lang siya bilang taga-hatid nina Sinag at Amari para raw dagdag pogi points si Sinag sa date niya.
Maaga kaming natapos sa pag-aayos kaya may isang oras pa akong natitira bago ako sunduin ni Jeremy. Nagbasa na lang ako ng libro sa salas habang naghihintay.
"Wow, Sinag! Ang gwapo mo!"
Agad kong binaling ang atensyon ko sa pinto. Narito na pala si Sinag, hindi ko man lang namalayan. Nakatayo siya sa may harap ng pinto, suot ang black barong na sinukat niya noong isang araw. Nagpagupit rin siya kaya ang iksi ng buhok niya ngayon. Crew cut yata ang tawag sa gupit niya.
Infairness, mukha siyang tao ngayon.
"Salamat po, Tita," nahihiya niyang sabi.
Binaling ni Sinag ang tingin sa akin. Lumawak ang ngiti niya ng makita ako.
"Sino ka? Nasaan ang best friend ko?!" Pang-aasar niya sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin, "Epal ka talaga."
Tumawa siya bago ako niyakap. "Ang ganda mo, France."
Naramdaman ko ang pag-init ng buong mukha ko. "S-salamat..."
Bakit ba ako nahihiya? Hindi naman ito ang unang beses na sinabihan niya akong maganda. Parang ewan ka, France.
"France! Nandito na ang sundo mo!" sigaw ni Tatay mula sa labas.
Bumitaw si Sinag mula sa pagkakayakap sa akin at tinignan ang mukha ko. Nagulat ako ng dumampi ang daliri niya sa mukha ko, parang may tinatanggal. "May glitter..." bulong niya.
BINABASA MO ANG
Glimpse of Sunrise
Roman d'amourSunrise means new beginnings for Francesca Eleanor De Jesus and Simeon Nathaniel Gale Natividad who grew up watching the sunrise together. Both of them believed that as long as the sun rises, there's nothing they couldn't overcome.