Sinag
"P-po?"
Para akong nabingi sa sinabi ni Tito. Biglang nablangko ang utak ko.
Ibig sabihin ba noon, approved siya?
Nakita kong ngumiti si Tito bago ito tumayo. "Wala kang pasok ngayon, 'di ba?" tanong niya habang nililigpitan ang mga mug.
"W-wala po."
"Oh, sige. Tulungan mo akong mag-ani ng mga pinya kung gusto mong makuha ang oo ko."
Agad akong tumayo at nag-ayos. Raraket sana ako sa palengke ngayon, pero sige, aabsent muna ako. Kaya ko namang ipunin ang pera kahit kailan ko gusto. Pero ang oo ni Tito, hindi na.
Mamaya na muna ang pera. Love life ko muna ang isasalba ko!
Malapit lang ang pinayahn sa kubo nila France kaya hindi malayo ang nilakad namin. Sumikat na rin ang araw kaya maliwanag na ang paligid. Inabot sa akin ni Tito ang dalawang matalas na ginagamit niya sa pag-aani ng pinya.
"Sundan mo ang ginagawa ko, ha? Kapag natuwa ako sa gawa mo, ako na ang bahala kay Teresa," saad niya at tinapik ang balikat ko.
Mas ginanahan tuloy akong gumawa. Mas okay na 'yong mag-ani ako ng pinya, kaysa harapin si Tita Teresa. Kahit ako, natatakot doon, e!
Tsaka isa pa, basic lang 'to sa'kin. Wala naman akong hindi kayang gawin. Basta, para sa pag-ibig!
Sinimulan nang anihin ni Tito ang mga pinya, habang ako ay tahimik na nanonood sa kanya. Maya-maya, tinawag niya ako. "Sinag."
"Po?"
"Alam mo namang si Francesca lang ang katangi-tanging kayamanan namin ng Tita Teresa mo, 'di ba? Hirap na hirap magbuntis noon si Teres kaya nung dumating si France, talagang iningatan namin 'yon." pagkwekwento niya.
Tumango ako habang nakikinig sa kanya. Si Tito naman ay patuloy pa rin sa pag-aani ng mga pinya.
"Alam mo, sa totoo lang... Matagal na naming alam ni Teresa na may gusto kayo sa isa't isa. First year? Second year? Mga ganoon."
Gulat akong lumingon kay Tito. Alam na nila? First year pa lang kami? Ibig sabihin, first year pa lang ay crush ko na si France?
Ganoon na pala katagal ang nararamdaan ko, hindi ko man lang napansin? Tangina, ang manhid ko naman talaga kung ganoon.
"Nagulat ka, ano? Mas nauna ko pang nalaman kaysa sa inyo ni France." Tumatawa niyang sabi. Tumayo siya saglit at nag-inat. Inabutan ko naman siya ng tubig. "Ganoon talaga. Ganyan mga tinginan ko kay Teresa noong high school, e..."
"Pero..."
Uminom muna siya ng tubig bago nagsalita. "Bakit hindi namin sinabi? Syempre, mga bata pa kayo noon e. Isa pa, ayaw naming masira ang friendship niyo. Parang anak na rin ang turing namin sa'yo kaya ayaw kanaming mawala."
Nahihiya akong napakamot sa batok. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi naman kasi ako sanay na nakakatanggap ng mga ganoong salita. "Salamat po..."
Binalik ni Tito ang tubig sa akin at nagsimula na ulit mag-ani. Dahil alam ko na ang ginagawa niya, tumulong na rin ako sa pag-aani nila ng pinya. Sabi ni Tiyo, ang kunin ko raw ay iyong mga pinya na halos dilaw na ang kulay.
"Lubos kaming nagpapasalamat sa'yo dahil parati mong pinoprotektahan si France. Bata pa lang kayo, nakita ko na kung paano mo siya alagaan. Kaya hanggang ngayon, tiwala kami na hindi mo pababayaan ang anak namin.' pagtutuloy ni Tito.
Nagkwento lang si Tito ng mga bagay patungkol kay France. Karamihan doon, alam ko na, lalo ang mga hilig niyang gawin. Pero may mga bagay rin akong hindi pa alam sa kanya noon.

BINABASA MO ANG
Glimpse of Sunrise
RomanceSunrise means new beginnings for Francesca Eleanor De Jesus and Simeon Nathaniel Gale Natividad who grew up watching the sunrise together. Both of them believed that as long as the sun rises, there's nothing they couldn't overcome.