Chapter 16

17 1 0
                                    

Sinag

TW: verbal abuse

"Are you still resting?"

Tumango ako kay Amari. "Oo naman."

Nasa isang kainan kami rito sa bayan ni Amari. Rest day ko kaya niyaya ko siyang lumabas Magtwo-two weeks rin kaming hindi nagkita dahil nagbakasyon silang pamilya sa Malaysia, Thailand at Singapore. Kahapon lang sila umuwi kaya ngayon ko lang ulit siya nayaya.

Three months na rin kaming talking stage ni Amari. Tinanong ko siya noon kung pwede ba akong manligaw, pero sabi niya ay maghintay muna raw ako. Hindi pa raw siya handa sa pagkakaroon ng boyfriend. Naiintindihan ko naman kaya hindi ko muna siya nililigawan. Lumalabas lang talaga kami at nag-uusap. 

Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung magkakaroon kami ng label ni Amari. Gusto ko s'ya at alam kong gusto niya rin ako. May connection naman kaming dalawa, pero parang may mali. Parang ang layo pa rin namin sa isa't isa.

Alam kong napapansin niya rin 'yon, pero wala rin siyang sinasabi. Hindi ko rin naman alam kung paano bubuksan ang topic na 'yon. Mamaya, mali pala ako. E'di napurnada pa panliligaw ko? 

Gaya ngayon, tahimik lang kaming dalawa. Wala na kaming masabi dahil lahat ng pwede naming pag-usapan, nasabi na namin sa chat. Hindi ko siya makamusta dahil lagi naman siyang nag-uupdate sa akin. Ganoon rin ako sa kanya.

"How's Sid and Maki nga pala?" tanong niya bigla.

Saktong sinerve ang sabaw naming dalawa. Una kong inabot sa kanya ang bowl bago ko binigyan ang sarili ko. "Ewan, ang gulo nila."

Kumunot ang noo ni Amari, "What do you mean?"

"Ewan... Basta lugmok si Sid ngayon. Ghinost yata noong kapitbahay niya," pag-iling ko.

Minsan na nga lang mainlove ang tropa ko, doon pa sa aalis. Kung hindi ka naman talaga tinatarantado ng buhay.

"That's sad. They looked good pa naman based on the pictures you've sent."

Kahit ako, hindi ko itatanggi na bagay sila. Kung hindi lang nakakauta tingnan si Sid, ayos lang sa akin na makita 'yung dalawa na magkasama. Kaso ba naman, sobrang tamis ni Sid! Feeling ko, magkakadiabetes ako sa mga tingin niya kay Maki. Nauurat tuloy ako. 

Ewan ko, hindi ko magets kung bakit ganoon siya tumingin kay Maki. Hindi naman ako ganoon kay Amari. Hindi rin siya ganoon sa akin. Baka OA lang talaga sila.

"By the way, Sinag..."

Tumingin ako kay Amari, nakataas ang dalawa kong kilay. "Bakit?"

Tumikhim siya at pinunasan ang labi niya ng tissue. "About what you asked before... The courting..."

Agad akong kinabahan. Umayos ako bigla ng upo. "Ano 'yon?"

"I don't think we should do it."

Napakurap ako sa narinig. Ibig sabihin ba noon, basted ako? "Ha? Bakit?"

Mapait na ngumiti sa akin si Amari. "I just don't think that I am the right person for you."

Mas lalo akong naguluhan. "Nalalaman ba 'yon? Paano mo nasabi?"

"I just know," makahulugan niyang sagot.

Hindi ko alam kung totoo o hindi ang sinasabi ni Amari sa akin. Paano naman niya nalaman na hindi ako ang tamang tao para sa kanya? Nakikita ba niya ang future?

"Baka naman nawala lang ang feelings mo sa akin. May iba ka na ba? Maiintindihan ko naman." sambit ko.

Ayoko sa lahat ay ginagago ako, lalo na ang feelings ko. Kung ayaw na niya sa akin, mas maigi pang sabihin niya ang totoo. Hindi naman ako para maghabol, e...

Glimpse of SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon