Sinag
"Ano? Nakausap mo na?"
Umiling ako bago nahiga ulit sa kama. Tangina, patulog na ako, e! Tapos ginulo naman nitong dalawang gago ang pahinga ko dahil gusto nilang chumismis.
Buti sana kung isa lang sa kanila ang pumunta tapos si Leonel, kaya ko 'yon dahil hindi naman maingay 'yung isa. Pero hindi! Parehas na maingay ang nakaupo sa kama ko!
"Bakit?!" Pinasadahan ni Sid ang buhok niya gamit ang mga daliri niya, frustrated na frustrated. "Ayun na 'yung chance, oh!"
Kinuwento ko sa kanila kung ano ang nangyari. Hindi titigil 'tong dalawa hangga't walang napipiga sa akin, e. Gusto ko nang matulog!
Mas lalong na-frustrate iyong dalawa nang matapos akong magkwento. Tumayo pa si Sid at inumpog ang ulo sa glass door papuntang balcony, habang binato naman ako ni Vic ng unan.
"Bakit?!" Inis kong sabi.
"Bobo! Inutil! Tanga!" Pinaghahampas ako ni Vic ng unan. Ginamit ko namang kalasag ang mga braso ko. "Anong hindi mo kaya?! Hindi mo kaya ang alin?!"
"Teka, puta!" Paano ako makakapagsalita kung hinahampas niya ako ng unan? Tumigil naman siya at umupo sa harap ko. Ganoon din si Sid. "Hindi ko kayang umaktong normal lang sa akin ang lahat." sagot ko.
"Bakit? Kasi galit ka pa rin hanggang ngayon?" pang-iintriga ni Sid.
"Pucha, tatlong taon na, oh. Hindi ka nausuhan ng forgiveness?" sarkastikong tanong ni Vic.
Umiling ako. Hindi naman 'yon sa ganoon. Aaminin ko, nagalit ako kay France noong una, pero nawala rin naman 'yon agad. Hindi ko kayang magalit ng matagal kay France. I love her so much that even a slightest hatred for her has no room in my heart. Alam ko namang may rason siya kung bakit hindi siya nakapunta.
Pero hindi ko pa rin magawang umakto kagaya ng dati sa kanya dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka totoong ayaw na niya akong maging kaibigan, kaya siya hindi pumunta sa pinaka-importanteng araw ng buhay ko. Alam niyang mahalaga sa akin ang araw na 'yon, e... Sa lahat ng tao, siya ang pinaka-nakakaalam noon. Bukod sa araw, sa kanya ko lang parati sinasabi ang pangarap ko noon na magkaroon ng malaking panaderya.
Her absence became my answer na hindi na niya ako gustong maging parte ulit ng buhay niya. Oo, she may feel sorry, pero hindi naman ibig sabihin noon ay gusto na niya akong maging kaibigan ulit. Pinoprotektahan ko lang ang sarili ko. Ayoko lang na umasa pa.
Mukhang na-gets naman noong dalawa ang iniisip ko. Parehas silang bumuntong hininga, hindi alam ang gagawin.
"Para kayong tanga. Hayaan niyo na." sabi ko.
Marahil, concerned sila dahil hindi kami okay ni France. Anong gagawin ko? Alangang ipilit ko 'yung ayaw na nga. Hindi ko rin naman sila pinapapili ng kakampihan.
Sakto, may kumatok sa pintuan ko. Kinabahan ako noong una dahil akala ko, si France. Si Leonel pala.
Teka, bakit naman kakatok si France sa pintuan ko? Panigurado, mas tulog pa 'yon sa mantika ngayon.
"Bakit kayo nandito?" tanong niya nang pagbuksan siya ni Sid. "Gabi na, ah."
"Binabackstab ka namin." Asar ko sa kanya. Mukha namang hindi siya natinag. Ngumisi pa nga siya, e.
"Nagseselos ka na naman sa akin?" Ganti ni Leonel sa akin. Pa-cool niyang pinagpag ang balikat niya. "Ako lang 'to."
"Tangina mo, hambog!" Binato ko ang unan na hawak ko sa kanya. Sobrang kapal talaga! "Bakit ka ba nandito, ha?!"
Gabing-gabi na, pagala gala pa siya. Huwag niyang sabihin na hindi rin siya makatulog kaya siya nandito. Aba, mukha na ba akong sleeping pills at dito silang lahat nagpapaantok?
![](https://img.wattpad.com/cover/331289761-288-k452235.jpg)
BINABASA MO ANG
Glimpse of Sunrise
RomanceSunrise means new beginnings for Francesca Eleanor De Jesus and Simeon Nathaniel Gale Natividad who grew up watching the sunrise together. Both of them believed that as long as the sun rises, there's nothing they couldn't overcome.