France
"So kayo na?"
I shook my head. "Hindi pa namin 'yan napag-uusapan."
Kausap ko ngayon si Leonel habang naghihintay kami ng klase. Fifteen minutes pa bago magsimula ang klase kay kaunti pa lang ang mga tao sa room. May grace period pa rin kasi kung saan may fifteen minutes kami para pumasok bago maconsider na late.
Ayun, five minutes before 9:15 dumadating ang mga kaklase ko.
Leonel nodded. "Take your time. Anyway, I am happy for both of you." saad niya. "Huwag lang kayo mang-uuta, please."
Tumawa ako. "Hindi ako sure diyan."
Nagulat ako dahil sobrang clingy sa akin ni Sinag. Simula noong uammin siya, ayaw na niya akong lubayan. Kung wala lang siyang pasok sa prutasan, baka hindi na talaga niya ako tinantanan.
Leonel sighed in defeat. "Gabayan na lang sana kayo ng Panginoon."
"Thank you sa blessing, Father." I chuckled.
Nagbibiruan kami ni Leonel nang dumating sina Venice. "Yiee, para-paraan kayo, ha! Maaga kayong pumapasok para makapag-quality time!" asar nito at tinulak pa ako papalapit sa kaibigan namin.
Mahina akong siniko ni Leonel. "Thank them. Sila ang nag-activate ng selos ni Sinag." pagturo niya doon sa dalawa.
"Talaga? Paano?" gulat kong tanong.
"Inasar nila tayo sa harap ni mokong. They even called me your best friend."
Umawang ang bibig ko. Hindi dapat nila sinabi 'yon sa harap ni Sinag! Iyon pa naman, napaka-protective sa posisyon niya sa buhay ko. Akala mo naman, may gustong pumalit. "Kaya pala siya nagalit!"
"Bakit? Hindi ba kayo mag bestfriend ni Leonel?" Pamewang na tanong ni Venice.
"Oo nga! Hindi ka ba allowed magkaroon ng ibang best friend?" Sulsol pa ni Kia.
Mga solid shippers talaga namin ni Leonel itong dalawang 'to. Hindi naman kami artista para i-ship. Kakapanood nila 'to ng Aldub Rewind sa tiktok, e.. "Hindi naman. Childhood best friend ko kasi si Sinag kaya medyo sensitive siya sa mga ganoon." pagpapaliwanag ko.
"Okay, sige. E'di sabihin namin next time, syota mo si Leonel!"
Nanlaki parehas ang mga mata namin ni Leonel. "No, please. Don't do that. Mahal ko pa ang buhay ko." natatawang winagayway ni Leonel ang dalawa niyang kamay.
Sumali si EJ sa amin. "Bakit naman?"
Tinikom ko ang bibig ko. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila ang sitwasyon ko. Never pa naman kasi akong nagkaroon ng ganito. "Ano... Kasi..."
"Sinag and France are together."
"Ha?!" Halos lumuwa ang mata noong tatlo dahil sa sobrang gulat. "May boyfriend ka na, France?!"
"Shh!" Pinatahimik ko 'yung tatlo dahil ang dami nang nakatingin sa gawi namin. "Hindi... pa. Magulo pa kasi, e..."
"E'di may chance ka pa, Leonel!" Udyok ni Venice.
Talagang makulit ang dalawang ito. Ilang beses na naming sinabi na hindi nga namin magugustuhan ang isa't isa, pero mapilit pa rin. Minsan, hindi na rin ako natutuwa sa kanila. I think, kaunti na lang ay sosobra na sila.
"I told you multiple times, France and I aren't like that." kalmadong sabi ni Leonel. "Stop shipping us, guys. Hindi mangyayari ang gusto niyo."
Ngumuso 'yung dalawang babae. Si EJ naman, inismiran iyong dalawa. "Kayo kasi, e. Ang iissue niyo!"
![](https://img.wattpad.com/cover/331289761-288-k452235.jpg)
BINABASA MO ANG
Glimpse of Sunrise
Storie d'amoreSunrise means new beginnings for Francesca Eleanor De Jesus and Simeon Nathaniel Gale Natividad who grew up watching the sunrise together. Both of them believed that as long as the sun rises, there's nothing they couldn't overcome.