Chapter 17

25 0 0
                                    

France

"College ka na bukas, France! Grabe, ang bilis ng panahon!"

Ngumiti ako kay Nanay. Sinusukat namin ngayon ang bago kong uniform. Honestly, sobrang weird ng pakiramdam ko habang sinusuot ito. Ibang-iba kasi ito sa uniform na sinuot ko ng anim na taon. Hindi gaya noon na palda ang isinusuot ko, ngayon ay navy blue slacks na at white blouse. Mas hapit rin ang blouse ko ngayon kaya nakakapanibago talaga.

Ang dami ring nagbago at napalitan sa akin. Kahapon, kinuha namin ni Nanay ang bago kong salamin. Clear and silver metal ang frame nito, hindi gaya ng dati kong salamin na clear lang. Bukod roon, sinabay na rin ni Nanay ang pagpapagupit sa'kin. Ang dati kong mahabang buhok ay naging medium length na layered na.

Hindi na rin makulay ang bag ko. Ngayong school year, black ang pinili ni Nanay para raw magamit ko pa rin kahit wash day. Mahirap raw kasi bagayan ang kulay dilaw, at hindi na raw ito pangdalaga.

I just moved to another level, but I felt like a different person. Nao-overwhelm tuloy ako.

"Pupunta ba kayo ni Sinag bukas sa bukid?" tanong ni Nanay habang inaayos ang blouse ko.

"Opo, Nay."

Sinipat niya ulit ang itsura ko. She then nodded, showing that she's pleased with my make-over. "Anong oras ang pasok mo? Baka malate kayo, ha! Hindi porket hindi na strict ang teacher niyo, magpapalate na kayo."

Umiling ako. "9am pa po ang klase namin, Nay. Tsaka, saglit lang po kami roon."

Isa pa 'yon sa iaadjust ng katawan ko. Ang bago kong schedule. Ibang-iba pala talaga ang schedule ng college? Nagulat ako na Monday, Tuesday at Wednesday lang ang pasok ko. Bukod doon, bungi-bungi ang mga ito. May three hours vacant ako bukas, habang isang oras lang ang break ko sa Tuesday kahit na 7am to 6pm ang schedule ko. Sa Wednesday naman, 9am to 11 am, tapos 1pm to 5pm.

Okay na rin. Atleast, hindi ko kinakailangang gumising ng maaga.

Iyon nga lang, hindi masyadong nagtutugma ang schedules naming lima, lalo kami ni Sinag. Parehas kaming 9am ang pasok bukas, pero hanggang 6pm siya. Sa Tuesday, 1am siya tapos hanggang 5pm. Ang Wednesday lang ang magkasundo kami.

"Ang mga paalala ko sa'yo ha, France. Huwag mong kakalimutan." sambit ni Nanay habang naghahanda ng mesa. "Huwag kang papagabi sa daan. Kung gabihin man, sabihan mo kami para masundo ka. Huwag ka ring pupunta kung saan-saan! Kapag break mo, sa school ka na lang tumambay. At least, safe ka."

Nagkatinginan kami ni Tatay. Tinikom niya ang bibig niya para pigilan ang pagtawa. "Opo, Nay." sagot ko.

These times are the days where I hate being the only child. Dahil iisa ako, grabe ako paghigpitan. May copy nga si Nanay ng schedule ko, e... At ginawa pa itong wallpaper. Alam na alam tuloy niya kung anong oras ang uwi ko.

Akala ko pa naman, makakalaya na ako sa mga bawal dahil college na ako. Hindi pa rin pala. May mga rules pa rin akong dapat sundin.

Ang pwede lang yata sa akin ay umuwing mag-isa. Iyon nga lang, bawal magpagabi.

Natatawang tumayo si Tatay sa upuan niya. "Ikaw naman Teresa, para namang bata ang tingin mo kay France. College na 'yan, dapat matuto na siya sa realidad ng buhay."

Napangiti ako. Mabuti at hindi na strikto si Tatay gaya ng dati. Sa kanya, ayos lang ang lahat basta iingatan ko ang sarili ko. Si Nanay na lang talaga ang sobra maghigpit.

"Syempre, mabuti na ang nag-iingat!" Nilapag ni Nanay ang ulam sa mesa bago nilagay ang mga kamay sa bewang niya. "Iisa na nga lang si France, hindi pa natin pagkaka-ingatan?"

Glimpse of SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon