Sinag
"Thank you po."
Tinignan ko ang bill na binayaran ko. Halos tatlong libo rin ang nagastos ko ka Thunder. Mukhang kailangan kong magdoble kayod para mabawi 'yun. Magbabayad pa ako ng motor sa isang linggo, e...
Dumaan na rin ako ng Pharmacy para bilhin ang mga nakaresetang gamot para kay Thunder. Putcha, dalawang libo pa nga. Dalawang linggo na naming pagkain 'yon, ah.
Suminghap ako bago binayaran ang gamot. Ang sakit, puta. Ang sakit sa bulsa ng bayarin. Ang sarap isumpa ng buhay ko. Pagod na akong maging mahirap.
Tangina, sana next life, ako na ang pinaka mayamang tao sa mundo.
"Tiya. Tara na po." Kinuha ko ang backpack at bayong na naglalaman ng mga gamit namin. Si Tiya naman, hawak si Thunder. Medyo mahina pa rin siya, kaya kinarga ko na. Si Tiya na lang ang humawak noong bayong dahil mas magaan 'yon.
"Salamat, Sinag. Pasensya ka na rin, ha? Nagalaw pa tuloy ang ipon mo."
"Ayos lang po. Basta gumaling si Thunder." Ngumiti ako at ginulo ang buhok ng kapatid ko. "Pagaling ka, ha?"
"Opo..."
Dahil isa't kalahating araw akong hindi pumasok, naging busy ako sa paggawa ng mga requirements at sa pagtitinda sa prutasan. Kumuha rin ako ng iba pang mga raket sa palengke para maka-ipon ulit.
Naghahanda ako para sa pagpasok ko nang magchat sa akin si France. Naiwan raw niya ang scientific calculator niya sa bahay, baka raw pwede kong daanan. Agad ko naman siyang nireplyan ng 'sige'.
Ten minutes before nine pa sana ako papasok, pero dahil may pakiusap si Francesca sa akin, maaga na akong umalis ng bahay. Alam ko ang lagayan ng spare key nila kaya madali akong nakapasok kahit walang tao sa bahay. Hindi rin naman ako nagtagal dahil kinuha ko lang 'yung calculator. Sinara ko ulit ang bahay at binalik ang susi sa pinagtataguan nito bago ako umalis.
Dahil sa CAS ang una kong punta, umikot ako sa Gate 1 para makapunta roon. Buti na lang at may available parking, Iniwan ko muna saglit ang motor ko at nagpunta sa third floor dahil nandoon ang room nina France.
"Room 306..." paghahanap ko sa room nina France. "Ayun!"
Bukas ang pinto kaya sumilip ako sa hindi kalayuan. Wala si France doon pero nakita ko ang bag niya sa tabi ni Leonel. Si gunggong naman, tulog. No choice tuloy ako kung hindi ang kumatok.
Sakto, may dalawang babae na palabas ng room. Sila na lang ang tinanong ko. "Excuse me, nasaan si France?"
"Si France?" gulat na tanong noong mahaba ang buhok. "Nasa CR po. Bakit po? Sino po sila?"
"Ahh... Bestfriend niya ako. Iaabot ko sana 'tong calculator niya."
Nanlaki ang mata noong dalawa, lalo na 'yung mahaba ang buhok. "Best friend?! May ibang best friend si France? Wow, akala ko si Leonel lang ang bff niya!" masayang sabi noong mahaba ang buhok. "Ako nga po pala si Venice! Tapos ito si Kia!"
"HI?" bati ko. Naguguluhan ako. Si Leonel? Bestfriend ni France?
I mean, technically ay oo. Pero mas bestfriend ko si France! Bakit hindi nila ako kilala? Hindi ba ako naikwekwento ni France?
"Aalis po kasi kami, e... Ipaiwan niyo na lang po kay Leonel 'yung calculator! Tutal, very close naman po sila!" sabi naman noong Kia, may pang-aasar ang tono niya.
Naghagikhikan naman iyong dalawa. Bigla tuloy akong naintriga. Parang may hindi ako alam, ah.
"Anong ibig niyong sabihin?"
BINABASA MO ANG
Glimpse of Sunrise
Roman d'amourSunrise means new beginnings for Francesca Eleanor De Jesus and Simeon Nathaniel Gale Natividad who grew up watching the sunrise together. Both of them believed that as long as the sun rises, there's nothing they couldn't overcome.