France
"S-sigurado ka?"
Buong lakas akong um-o. Hinang hina pa rin ako, but I tried my best to utter that words. Wala naman akong choice. Halatang pagod na kaming dalawa.
Tumungo siya para itago ang mukha niya sa akin. Mahigpit naman akong napakapit sa kumot ko.
"H-hindi na ba talaga natin kaya?"
I shook my head, tears falling from my eyes. "Hindi na..." mahina kong sabi.
Sa totoo lang, hirap na hirap na ako nitong mga nakaraang araw. Ilang beses kong ginusto na puntahan siya... Na kausapin siya. Pero alam kong kailangan niya ng oras at panahon. Alam kong kailangang kailangan niya 'yon dahil sa lahat ng nangyayari sa buhay n'ya.
The last few days felt so lonely. I was full of guilt and despair. Hindi na ako makakain ng ayos, at parati na rin akong binabangungot. Wala akong makapitan, kahit sino.
I wanted to call Sinag. Sa tuwing mag-isa ako, gusto kong kausapin siya. Gusto kong sabihin na nauubos na ako. The pressure inside slowly kills me. Piece by piece, inuubos ako nito.
I tried my best to distract myself from the things that ache my soul. Nagagawa ko naman siya kahit papaano sa umaga, dahil nariyan sina Venice para patawanin ako palagi. Pero sa gabi, kapag ako na lang at ang katahimikan ang magkasama, nararamdaman ko ang pagliyab ng kalamnan ko.
Every night, it feel so hard to breathe. Parang may sumasakal sa akin, kahit wala naman akong kasama.
Nilingon ko siya. "Ikaw ba? Kaya mo pa ba?" tanong ko. Ang boses ko ay nababasag na.
Hindi siya agad nakasagot. Natahimik ang buong paligid. Nakakabingi...
"I'm sorry..."
Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Inexpect ko naman na hindi na niya kaya, pero ang sakit pa rin pala.
"Okay lang..." tugon ko. "Sorry din. Ayoko lang maging dahilan ng kapaguran mo."
Binaling niya ang tingin sa akin. Nagniningning ang mga mata ni Sinag dahil sa mga luha niya. "Hindi... Hindi, France." Umiiling siyang lumapit sa akin. "Kailanman, hindi ako napagod sa'yo. Pagod ako, pero hindi sa'yo. Sa sitwasyon ko, France."
"Nakakapagod maging mahirap, France. Nakakapagod gumising sa umaga na ang una mong iisipin, saan ka kukuha ng pera? Nakakapagod isipin kung ano ang kakainin namin. Kung sapat ba ang pera namin..." Umiiyak niyang kinuha ang kamay ko. "Pagod na pagod na ako sa buhay ko, France..."
I cried while looking at him. Kung tutuusin, hindi dapat si Sinag ang namromroblema nito. Hindi si Sinag ang dapat na kumakayod. Pero alam kong mahina na rin si Tiya Bessie. Hindi rin gaya ni Sinag, high school lang ang natapos ni Tiya kaya mas kaunti ang oportunidad na meron siya.
"Kailangan mo nang magpahinga, Sinag..." Iyon lang ang nasabi ko.
"Ikaw ang pahinga ko, France," Mahina niyang sambit.
My eyes stung as I took a deep breath. Akala ko, madali na lang ang palayain siya dahil iyon rin ang sinasabi ng mga mata niya. Ang hirap pa rin pala.
I removed my hands from his hold. "Umuwi ka na, Sinag... Magpahinga ka na muna."
Nakatitig si Sinag sa gawi ko, ang mga mata niya ay napupuno na ng pagdurusa. Umiwas ako ng tingin at tinalikuran siya. "M-magpapahinga na rin ako." sambit ko at ipinikit ang mga mata ko.
Hindi ko na kayang makita pa siyang nahihirapan. It was a sight I would never want to see ever again. Kapag umiiyak siya, parang dinudurog ang puso ko ng pinong pino.

BINABASA MO ANG
Glimpse of Sunrise
RomanceSunrise means new beginnings for Francesca Eleanor De Jesus and Simeon Nathaniel Gale Natividad who grew up watching the sunrise together. Both of them believed that as long as the sun rises, there's nothing they couldn't overcome.