Sinag
"Sino ang partner niyo sa prom?"
Tahimik akong nakikinig sa mga tropa ko. Hindi na ako nagsalita dahil automatic naman nang si Amari ang partner ko. Iniisip ko lang kung paano siya yayayain. Gusto ko kasi, memorable.
"Kailangan ba noon?" rinig kong tanong ni Sid.
"Sadly, oo. Majority ng officers, vinote na mandatory ang may partner." sagot ni Leonel.
Maging siya, halatang namomroblema. Sa buong pagkakaibigan namin ni Leonel, wala pa akong nakita na niligawan nito kahit isa. Talagang pinanindigan niya na kay Lord lang siya magcocommit. Alam ko, balak niyang pumasok ng seminaryo kaya 'father' ang tawag ng ilan sa kanya.
Ewan ko. Ayos lang naman sa akin kung iyon ang gusto niya pero duda rin ako sa lalaking 'to. Hindi pa lang 'to nakahanap ng katapat kaya ganito 'to.
Hindi ko na pinakinggan sina Vic. Rants lang naman na tungkol sa prom ang dinadaldal nila. Kung wala akong partner, panigurado ay hindi ako aattend. Ako pa ang unang magrereklamo.
Kaso, may date ako e... Gwapo ko kasi.
Si France naman ay tahimik rin. Panigurado, si Jeremy ang partner nito. Tanga naman noong isa kung hindi niya pa yayayain ang best friend ko. Siya na to, oh!
Ano kaya ang pwedeng i-surprise kay Amari? Magbake kaya ako? Tutal, wala naman akong pera para gumastos ng mamahaling gamit.
"Huy, Sinag!"
Taas-kilay kong nilingon si Vic. Kulang na naman 'to sa pansin. "Ano na naman?"
"SI Amari partner mo?"
"Malamang," bored kong sagot. Tinatanong pa ba 'yon?
"Rinig ko e marami ring may plano na yayain siya." sambit nito.
"Goodluck sa kanila." Iyon lang ang sinagot ko.
Hindi naman sa mayabang ako pero gabi-gabi kaming magkausap ni Amari. Kung ano-ano na ang pinag-uusapan namin. Umaabot na rin kami sa mga seryosong usapan. Ayos lang naman sa'kin kahit na first time kong sabihin ang problema ko. Hindi kasi talaga ako nagkukwento.
Kinagabihan, nagbake ako ng maliit na cake para kay Amari. Mabuti at pagod siya kaya maaga siyang nakatulog. Pagkatapos niyang magpaalam ay pumunta na ako sa kusina para magbake. Bukas ko siya tatanungin kung pwede ko ba siya maging date. Hindi ko mapigilang kabahan habang sinusulat iyong tanong sa ibabaw.
Sana talaga ay pumayag siya!
"Ang aga mo ngayon, ah?" gulat na tanong sa akin ni Tita Thessa nang dumating ako sa kanila.
"Good morning po, Tita." pagbati ko. "Maaga po nagising, e."
Maaga talaga akong gumising para maaga rin akong makapasok. Sabi ko kasi kay Amari, agahan ang pasok para makapag-usap kami. Mahirap na, baka maraming chismosa na pumunta sa'min. Ma-pressure pa siya.
"Malapit na pala ang prom niyo. May date ka na ba? Kung wala pa, si France na lang!" masayang sabi ni Tita.
"Oo nga! At least, kampante pa kami!" dagdag ni Tito. Umupo siya sa harap ko at hinigop ang kape na inihanda sa kanya ni Tita.
"May date na po ako, e..." nahihiya kong sabi.
Gulat silang tumingin sa akin. "Talaga? Sino?" tanong ni Tita.
"Schoolmate ko po."
Tumango silang dalawa. Bakas sa kanila ang dismaya. Naguilty tuloy ako kahit hindi ko naman kasalanan na walang date si France.

BINABASA MO ANG
Glimpse of Sunrise
RomanceSunrise means new beginnings for Francesca Eleanor De Jesus and Simeon Nathaniel Gale Natividad who grew up watching the sunrise together. Both of them believed that as long as the sun rises, there's nothing they couldn't overcome.