Sinag
"Sorry na,"
Bumuntong hininga ako nang hindi pa din ako pinapansin ni Rachel. Nagtatampo siya dahil hindi ko tinapos ang performance niya para panoodin si France. Pesteng school kasi 'yan, pinagsabay ang performances ng Grooverz at Kultura. Parang tanga.
Kalahating minuto na ata akong nanunuyo dito sa waiting shed. Medyo napapagod na nga ako. Ang dami kong ginawa sa bahay kaninang umaga, tapos pinagod pa ng araw na ito ang utak ko. Gusto ko na lang umuwi para makapag-pahinga na ako.
"Ano ba ang dapat kong gawin para mapatawad mo ko?" tanong ko sa kanya para pansinin na ako. Sana madali lang.
Tama nga ako. Lumingon na sa akin si Rachel. Nakahalukipkip ito at seryoso ang tingin sa akin, "Gagawin mo ba?"
Nag-isip ako sandali. "Depende." pagsasabi ko ng totoo.
Mahirap nang umo-o dahil baka kung ano ang ipagawa niya. Mamaya, pakainin niya ako ng bubog, o hindi kaya ipakuha sa'kin ang bituin sa langit. Aba, imposible 'yon.
Umirap siya at umiwas na ulit ng tingin. "Nevermind."
"Ano ba kasi 'yon?" tanong ko. Lumapit pa ako sa kanya para marinig ko ng ayos. Medyo maingay kasi ang paligid ngayon dahil maraming sasakyan ang dumadaan. Idagdag pa ang mga taong lumalabas ng school.
"Wala. I know hindi mo gagawin, e." sambit niya.
"Luh?" pagtataka ko. "Paano mo naman nasabi na hindi ko gagawin? Hindi mo pa nga sinasabi, e... Dali na kasi! Malay mo kaya ko!"
"Kaya mo bang layuan si France?"
Para akong nabingi sa sinabi ni Rachel. Agad na kumunot ang noo ko. "Ano? Ano ulit sabi mo?"
Tumingin siya sa'kin. Seryoso ang mukha niya pero halatang paiyak na siya. "Kaya mo bang layuan si France?"
Umiwas ako ng tingin. Ito na naman tayo. Sa daming beses na may nagtanong sa'kin na layuan si France, hindi pa din ako nasasanay. Paano? Iniisip ko pa lang na layuan siya, sobrang sakit na sa'kin.
Bakit ba kasi kailangan kong layuan si France? Wala namang ginagawang masama 'yung tao. Ang bait-bait nga niya, e... Hindi rin naman ako nilalandi noon. Close lang talaga kami kaya madalas mapagkamalan na mag-syota kami.
Anong gagawin ko kung sabay kaming lumaki noong tao? Tsaka, sila naman ang nag-iisip ng kung ano-ano sa aming dalawa ni France. Wala naman kaming ginagawang masama!
"See? Hindi mo masagot." sambit niya.
Kinamot ko ang ulo ko. "Mahirap naman kasi 'yang hinihiling mo."
"Why? You like her?" taas kilay niyang tanong.
"Baliw!" sambit ko. "Hindi ko gusto si France! Parang kapatid ko na 'yon, oy!"
Mahal ko pa buhay ko, 'no! Jusko! Isipin ko pa lang na liligawan ko si France, baka ako ang gawing prutas nina Tito Fernando!
"Then why can't you let her go?!" galit niyang sabi.
"Kasi..."
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya kung bakit hindi ko maiwan si France. Marami kasing rason. Isa pa, kapag sinabi ko sa kanya ang rason, magkakaroon na din siya ng idea tungkol sa buhay ko. Ayoko noon.
Gusto ko si Rachel. Pero hindi 'yon sapat para ipakita sa kanya ang mga sugat na pinipilit kong itago sa ibang tao. Hindi ko nga sinasabi kina Sid ang problema ko. Partida, mag-aanim na taon na kaming magkakaibigan. May alam sila, oo, pero hindi kasing lalim ng alam ni France.
Ewan ko ba. Ayokong kaawaan nila ako kapag nalaman nila ang mga dinadala kong bagahe. Gusto ko, tanggapin nila ako kung sino ako. Hindi 'yung sinasamahan lang nila ako dahil naaawa sila sa'kin. Ayoko na mabait lang sa'kin ang mga tao dahil nakakaawa ang sitwasyon ko. Pass sa ganoon.
BINABASA MO ANG
Glimpse of Sunrise
RomanceSunrise means new beginnings for Francesca Eleanor De Jesus and Simeon Nathaniel Gale Natividad who grew up watching the sunrise together. Both of them believed that as long as the sun rises, there's nothing they couldn't overcome.