Sinag
"Inaantok ka na?"
"Hindi pa." sagot ko kay France. "Ikaw ba?"
Umiling rin siya sa akin bago ako niyapos ng mahigpit. Mahina akong natawa. Ako ang parati niyang sinasabihan ng clingy, tapos siya itong ayaw akong pakawalan? Amazing!
"Bakit ka natawa?" pagtataka niya.
Inilingan ko lang siya habang nakangiti. Ayoko ngang sabihin. Nahihiya kasi si France kapag binabati mo, kaya huwag na lang. Shut the fuck up na lang ako.
Tahimik lang kaming dalawa ni France habang magkayakap. Kahit ganoon, ayos pa rin. Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon, may nasasabi ako, kaya okay na rin na komportable kami sa isa't isa kahit tahimik.
"Siya nga pala, malapit na matapos ang birthday mo. May gusto ka pa ba?"
Naramdaman ko ang pag-iling niya sa dibdib ko. "Sobra-sobra na nga ang nakuha ko ngayong araw, e..."
"Deserve mo naman lahat ng 'yon." sagot ko.
Sobra magmahal si France sa paligid niya. Iyon ang isa sa pinaka-hinahangaan ko kasi hindi siya takot na magbigay ng pagmamahal. Kesyo may ibigay ka o wala, mamahalin ka pa rin ni France.
Kaya ako, gusto kong iparamdam kay France ang pagmamahal na ibinibigay n'ya sa amin. Kung kaya kong mas sobra pa, gagawin ko. Kasi iyon 'yung deserve niya.
"Pero, Sinag... May iniisip ako nitong mga nakaraang araw."
"Hmm?"
Kaso, ewan... Normal lang naman na maisip ko 'yon, 'di ba?' pagtatanong niya.
Mas lalo tuloy akong nacurious. "Depende sa iniisip mo. Ano ba 'yon?"
Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Yung kiss..."
Napakurap ako sa narinig ko. Para akong niloloko ng tenga ko. Iyon 'yung iniisip ni France?
Akala ko naman kung ano!
Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko. "Y-yun ang iniisip mo?"
Nahihiya siyang tumango. Hindi pa rin siya nakatingin sa akin. "Iyon kasi parati ang binabanggit nina Venice. Pati ang iba kong mga kaklase, iyon ang pinag-uusapan. Curious lang ako."
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Wala pa rin naman kasi akong first kiss! Madami akong nakalandian, pero wala akong hinalikan ni isa sa mga 'yon!
Pero sabagay, normal nga talaga na isipin iyon ni France. Kahit sa section namin, talamak ang mga usapan patungkol sa make-out at sex, e. Madalas naman ay educational ang pag-uusap nila. Kumbaga kapag may nagtanong na isa, sasagutin naman noong iba.
"Hmm..." Nag-iisip ako ng sasabihin pero wala talaga. Taena, nablangko bigla ang utak ko!
Tumingala na si France sa akin. "Nakakagulat ba? Okay lang naman kung hindi. Natanong ko—-"
"Hindi," wala sa wisyo kong sagot. Nagtatakang tumingin si France sa akin. "I mean...gusto ko, syempre."
Umiwas ng tingin si France. Siya naman ang nahihiya ngayon. "Gusto ko, pero syempre, nirerespeto kita. Nirerespeto ko din sina Tita. Ayokong gumawa ng bagay na ikasisira ng tiwala niyo sa akin." pagtutuloy ko.
Tao lang rin naman ako. Sino bang ayaw ng kiss? Kahit naman ata sinong in love, gusto noon. Ayoko lang talaga ma-feel ni France na tinatake advantage ko siya. Inosente siya sa mga ganitong bagay kaya doon ako sa pace na gusto niya.
Isa pa, nakakakonsensya dahil ang laki ng tiwala nina Tita sa akin. Ayokong sirain 'yon.
Pero gaya nga ng sabi ko, tao lang rin naman ako! May kahinaan ako, at iyon ang kiss!

BINABASA MO ANG
Glimpse of Sunrise
RomanceSunrise means new beginnings for Francesca Eleanor De Jesus and Simeon Nathaniel Gale Natividad who grew up watching the sunrise together. Both of them believed that as long as the sun rises, there's nothing they couldn't overcome.