Chapter 8

45 1 0
                                        

France

"Grabe! Isang buwan na lang, gagraduate na tayo."

Nasa kwarto kaming tatlo ni Hyacinth at Shania, nag-uusap. Alas-dyis na ng gabi pero hindi pa rin kami dinadalaw ng antok.Sinusulit ata naming tatlo ang araw. Sobrang saya ng araw ko ngayon, parang ayoko pa itong matapos.

Pagdating namin sa retreat house, nagpahinga lang kami saglit bago pumunta sa hall nila para simulan ang retreat. Buong araw kaming naglaro at nagsulat doon sa booklet na binigay nila. Nang sumapit ang alas sais, umupo kami sa mga monoblock chairs na nakabilog. Sa palibot namin ay may mga kandila. Magshasharing pala kami ng mga problema namin ngayon.

Tahimik lang akong nakinig sa mga kaklase ko. Minsan ay nagugulat ako habang pinapakinggan ko ang kwento nila. Hindi ko inakalang may ganito pala silang kabigat na problema. Paano ba naman kasi? Sila rin ang pinaka-maingay sa room namin.

Tama nga sila. The brightest smiles often hide the most painful scars.

Saglit lang ako nagsalita noong ako na ang magshashare. Hindi gaya ng iba, wala naman akong malaking problema na kinakaharap. Oo, may mga pagkakataon na nahihirapan ako bilang nag-iisang anak nina Nanay, pero hindi naman noon nabawasan ang pagmamahal ko sa kanila. Naiintindihan ko sila kahit minsan ay nasasakal din ako. Gusto kong mamuhay katulad ng iba, pero hindi ko magawa dahil sa takot nina Nanay na mapahamak ako.

"Sa tingin n'yo ba, magkaibigan pa rin tayo kahit iba-iba na tayo ng school?" tanong ko habang nasa kwarto kami.

Sa kabilang bayan mag-aaral si Hyacinth at Shania. Si Shania, sa state university ng San Gregorio mag-aaral habang sa isang private university naman si Hyacinth. Parehas malayo sa Ezperanza.

"Oo naman!" Inayos ni Hyacinth ang pagkakahiga niya. Niyapos niya ang unan at humarap sa amin. "Pwede naman tayong magkita once a month, e."

"Malay mo, sobrang busy na natin." Ngumuso ni Shania at hinigpitan ang yakap sa unan niya. "Ano ba 'yan! Naiiyak ako bigla!"

Lumapit ako sa kanya at hinagod ang likod niya. Pati tuloy ako, naiiyak na. Ganito pala ang feeling ng gagraduate na. Parang ayoko pa.

"Para kayong mga gago!" Lumapit sa'min si Hyacinth, nagpipigil na rin ng luha. "Akala mo naman, mamamatay na tayo, e. Magkikita pa din tayo!"

"Syempre, iba pa rin 'yung kayo ang katabi ko!" naiyak nang sabi ni Shania.

Tumulo na din ang luha ni Hyacinth, "Nakakainis! Pero totoo... Iba pa din 'yung araw-araw ko kayong nakikita."

"Mamimiss ko kayo..." humihikbi kong sabi.

Lumapit lalo kaming tatlo sa isa't isa at nagyakapan. Sila lang ang mga kaibigan kong babae kaya sobra ko silang importante sa akin. Espesyal sa'kin sina Sid, pero iba pa din kapag may kaibigan kang babae. Minsan kasi, natatakot akong magsabi kina Leonel dahil baka hindi nila maintindihan. Baka isipin nila, ang babaw ko.

Natulog na rin kami nina Hyacinth pagkatapos naming mag-deep talks. Maaga rin kasi kami bukas dahil alas-sais kami aalis ng retreat house.

"Thank you po, sisters!" sambit naming lahat bago kami sumakay sa jeep na nagdala rin samin dito kahapon.

"Mag-iingat kayo, ha!" Kumaway si Sister Rhea, isa sa mga nag-alaga sa'min.

"Opo!"

Pagsakay namin ng jeep ay umalis na rin ito kaagad. Tinanaw ko ang retreat house mula sa bintana. Parang ayoko pang umalis. Sobrang saya at payapa ng pakiramdam ko sa buong stay ko roon.

"France!"

Lumingon ako kay Hyacinth na nakatutok na sa cellphone niya. "Bakit?" tanong ko.

"May chat sa'kin si Jasmine. Tignan mo."

Glimpse of SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon